CHAPTER 13

1.1K 65 9
                                    

Kaya hindi siya namamansin dahil lang sa may problema siya? Eh ba't ako pagmay problema namamansin naman ako sa kanya ah!.

Labag man sa kalooban ay tumango nalang ako sa kanya. Hindi din naman kasi pareho ang tao. Kung siya hindi namamansin okay lang, iintindihin ko.

Nang maihatid niya ako sa bahay ay hindi na siya nag atubiling pagbuksan ako. Nanatili lang siya sa loob. Pansin ko kanina na para siyang may gustong sabihin.

I sighed. Naalala ko nanaman na wala palang kami.

Why do I pressured myself too much?
Because I love him? No! Because he make me fall to him kung gayung wala naman siyang ginawa para panindigan!

Kailangan ko na atang edestansya ang sarili ko sa kanya.

Malungkot isipin dahil nagbago talaga siya. Pero ramdam ko pa naman ang pagpapahalaga niya sakin.

Dumating ang oras ng trabaho kaya inabala ko na ang sarili.

"Ezra."

Napaiktad ako nang marinig ang boses ni Dom sa likod. Seryoso ang mukha niya. Luminga ako sa paligid pero hindi ko nakita ang tatlo. Siya lang ata mag isa.

Baka kakanta ulit sila kaya siya naparito.

Nginitian ko siya.

"Dom."

Habang nag aayos ng mga bote na wala nang laman. Ilan palang ang nandito dahil siguro maaga pa.

"I heard T came to your house last night, drunk. Did he hurt you?"

Tinulungan niya din akong bitbitin ang walang laman na bote. Umiling ako sa kanya.

"Hindi. Tss nakikain lang naman yung gago sa bahay ko."Natatawa kong sagot.

Pagkalagay ko sa mga bote sa table ni Jeedren ay kinuha niya lahat. At pinalitan nang bago. Nakasunod lang sakin si Dom.

Tumigil muna ako at tiningnan siya.

"Syanga pala bakit ikaw lang mag isa ngayon?"

Umupo siya sa stall at nag order kay Jeedren. Nang malapag ang inumin saka siya sumagot.

"We're singing here tonight."

Ah kaya pala. Pero ang aga niya naman ata, mamayang 9:30 yung oras ng pagkanta ah?

"May kontrata ba kayo dito?"

"Nope. The owner will call us if he want us to sing." simpling sagot at inisang lagok ang alak.

"Ezra may dumating." Si Jeedren at tumingin sa likod.

Rinig ko ang pagtunog ng bell kaya nilingon ko ito.

Nakita ko si Kris may kasamang isang babae at isang lalaki.

Hindi ko sila namukhaan. Baka kaibigan niya?  Pero di niya hilig ang makipag kaibigan.

Natuod ako nang makita ang kamay niyang mabilis pumulupot sa baywang ng babae. Sobrang bagay nila tingnan. Sa akalang mag pinsan ay hindi pala.

Nawala lang sila sa aking paningin nang takpan ni Dom ang dalawang mata ko.

"Don't you dare cry Ezra." Banta niya.

Gago anong iiyak! Hindi ako iiyak!
Bakit ako iiyak! Putangina niya!

Oo hindi talaga ako iiyak. Baka nga pinoprotektahan niya lang yung babae. At pinsan niya pala.

Maagap din silang nilapitan ng kasamahan ko. Dinala sila sa table 9.

𝗣𝗼𝘀𝘀𝗲́𝗱𝗲𝗿(𝗢𝘄𝗻) COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon