CHAPTER 11

1.2K 70 4
                                    

Kinabukasan ay naligo agad ako at nagluto. Pagkatapos ay pumanhik na papunta sa unibersidad.

Batid kong may masamang mangyayari ngayon dahil ang lakas ng pintig ng puso ko. Hindi ko gusto ang ganitong pakiramdam.

Huling naramdaman ko to nong araw nang mamatay sila mama.

Nang makapasok sa gate ay Bumungad sakin ang kanya kanyang kumpulan at usap-usap. Hindi ko alam kung anong nangyayari.

Dahil sa kuryusidad lumapit ako sa dalawang babae.

"Hi? Ano palang nangyayari? Pansin ko kasi ang bulungan ng iba." sabay kamot sa pisngi.

Ilang sigundo muna silang tumitig sakin bago sabay nagsalita.

"Nalaman kasi ng buong campus na magkapatid pala sila Kris at T."

Nagkatinginan pa sila.

Ahh yon lang pala. Akala ko kung ano.

"Ah ganun ba. Sige salamat." At nauna na akong lumakad.

Nangmakalampas ay narinig ko pa ang usapan nila.

"Diba siya yun? Yung karelasyon ni fafa Kris?"

"Oo siya yun. Ang kyut nga niya sa malapitan. Kaya pala nahulog yung fafa natin." Sabay hagikhikan nila.

Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy. Nang makarating sa room ay wala pa sila Yen at Jeff. Nakita ako ni Tyl at kinaway kaya sinuklian ko din.

Marami pang bakanteng upuan. Wala padin yung apat.

Ilang minuto lang rin ay magkasunod na pumasok sila Yen at Jeff. Maging sina Kris at ang apat.

Kung nuon malamig siyang tumitig ngayon para nasiyang nanalo. Pansin rin ng mga kaklase ko yun.

Nuon ayaw niya sa maingay ngayon dina siya galit. Panay bulungan pa naman ang nangyayari sa loob. At panaka nakang tingin sa kanya.

"Hey baby, goodmorning." Si Yen at humalik sakin.

Si Jeff ay kinindatan ako. Habang si Kris. Parang wala sa mood. Hindi niya ako pinansin kaya nilingon ko siya. Nasa likod ko siya nakaupo kaya kailangan ko pang tumalikod.

"Hey! Goodmorning." Masayang bati ko at ngumiti.

Wala siyang sagot kundi tinitigan lang ako. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Problema mo?" tanong ko.

Umiling siya at tumingin sa gawi nila T.

Napatingin din ako.

Nakita ko ang ngisi ni T sa kanya. Ano bang nangyayari sa kanila. Mga baliw.

Tss. Kung ayaw mamansin. Edi wag pilitin. Bahala siya.

Nakaramdam man nang kunting kirot ay bumaling na ako sa harapan.

Dumating ang oras at nakafocus lang ako sa klase. Wala kaming kibuan hanggang sa cafeteria. Pinakiramdaman ko lang siya.

Siya ang kumuha nang pagkain para sakin at si Jeff ang kay Yen. Nang maiwan kaming dalawa ay kinausap ako ni Yen.

"Baby nag-away ba kayo?"

Umiling ako.

Nagkasalubong ang kilay niya. At tinukod ang siko sa lamesa.

"Bakit hindi kayo nagpapansinan kung ganon?"

"Ewan ko don. Maayos naman yung huling usap namin eh." malungkot kong sagot sa kanya.

Napasimangot siya at magsalita na sana nang maunahan siya ng taong sumulpot bigla.

"In our table Ezra." Si T.

Tumingin si Yen sakin at nagtaas nang kilay.

Sa uri nang pinakita niya.
Alam kong nagtatanong siya.

"Ah. Dito na ako."

"Tss. Faster." Napaka mainipin talaga niya. Baka nakalimutan niyang nakikain siya sakin kagabi.

Pagkatayo ko ay siya ding dating ni Kris.
Magsasalita na sana ako ng unahan ako niya ako.

"Take your food with you." Siya at umupo. Diman lang siya tumingin sakin.

Ang sakit niya sa atay. Tangina niya. Padabog akong umalis at dinag atubiling kunin ang pagkain.

Nang makaupo ay binigyan agad ako ng pagkain ni Dom.

"T ordered it." Simpling ani niya at kumain. Sina Mat at Amir ay panaka nakang tumingin sakin.

Para akong maiiyak pag naisip ang nangyari kanina. Patago akong tumingin sa gawi nila. Nakasalubong ko pa ang tingin ni Yen.

Kita ko ang kaguluhan sa mukha niya. Wala akong oras para mag explain. Maya nalang pagkauwi.

At kailangan ko din kausapin ang baliw nayun. Tangina niya. Di siya namamansin. Sakit niya talaga sa atay. Nyeta!

"Don't wait for the food to feed you."
Si T at kumain. Inismiran ko siya.

Nagsimula na akong sumubo.

"You're really a medicine Paterna." Ani ni Amir habang uminom ng tubig.
Tumawa din si Mat. At tumango na akalang sumang-ayon sa sinabi niya.

"I'm just holding the key." Si T at nilagyan ako ng kanin.

Sinulubungan ko siya ng kilay.

"Busog na ako." Ungot ko at akmang kukunin ang kanin nang lagyan din ako ni Dom.

"You're so thin. I'm afraid you might break."

Langya. Anong mabali. Tao ako hindi kahoy. Inirapan ko lang siya at bumaling kay T.

"Anong nginiti ngiti mo diyan?"

Gago kasi parang ewan.

"Am I forbidden?"

Narinig ko ang halakhak ng tatlo.

"Baby sabay kaba samin?" Biglang salita ni Yen sa likod. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Oo. Ayaw kona dito." Sabay hawak sa braso niya. Si Kris at Jeff nasa likod lang nakatayo.

"Okay let's go." Si T tapos tumayo at hinigit ako.

Pisti talaga siya. Nauna na kaming naglakad. Nakita ko din ang pagsunod nila.

Walang boses na naririnig sa loob nang maglakad kami palabas.

Panay tingin lang sila samin. Oo hakot atensyon talaga po sila.

Nakayuko lang akong naglakad. Habang pinantayan ang lakad niya naiisip ko si Kris. Bakit siya ganito?

Pagkarating sa room ay naninibago ako dahil yung upuan kong nilagyan ng bag ay nakatabi na ng upuan niya.

Nakita ko pa ang reaksyon ng iba naming kaklase sa sabay naming pagdating. Lalo na si Tyl.

"Sit Ezra." Siya sabay upo.

"Bakit nandiyan ang upuan ko?" Sabay turo sa tabi niya.

Ayaw kong mawalay kay Yen. Gusto ko siya ang katabi ko.

"Because I want to. Now sit." Maautoridad niyang sagot at tinap ang upuan ko.

Pisti!

𝗣𝗼𝘀𝘀𝗲́𝗱𝗲𝗿(𝗢𝘄𝗻) COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon