CHAPTER 14

1.1K 61 3
                                    

Until unting dumami ang mga tao pagkasapit ng alas nueve. Dumating narin ang Cliff which is yung banda nila T.

Saglit lang din ay tinawag ako ni Jeedren kaya nagpaalam na ako kina Yen na babalik sa trabaho.

Pagkatayo ko ay siya din ang pagtunog nang musika kaya napatingin ako sa intablado. Nakasalubong ko pa ang seryosong tingin ni T.

Tagos sa buto ang tingin niya kaya umiwas ako ng tumagal ang titig niya sakin.

Hindi ko gaanong nagawa ang trabaho. Pinatawag ako ng manager namin nang mabalitaan na nakabasag ako ng dalawang bote at nagkamali nang bigay ng order.

Okay lang kung matatanggal ako dito. Hahanap nalang ako ng bagong trabaho. Sigurado kasi akong galit ang manager namin dahil sinabihan na niya ako noong minsan na late ako.

"What happend Paterna?" bungad ng 𝗆𝖺nager namin.

"I'm sorry po sir. Tanggap ko po kung tatanggalin niyo ako. Pasensya napo talaga." nakayuko kong sagot sa kanya.

Kagat labi ako ng marinig ang pagbuntong hininga niya.

Wala akong ibang maisip kundi sila. Ano na kaya ang nagyari sa table nila? Bakit kaya nagawa ni Kris 'to sakin?

"Are you sick Paterna?" pagbalik isip na tanong ni sir sakin kaya umangat ang tingin ko.

Seryoso lang siyang nakatingin sakin habang bitbit ang isang sigarilyo.

Umiling ako.
"No sir."

"Then where is your mind? Bakit nakabasag ka ng bote?"

"May problema lang po ako sir. "

"Okay, I consider your excuses today. Especially ngayon na maraming tao. Hope you do better Paterna. Okay?"

Akala ko tatanggalin na niya ako. Lihim akong napangiti nang marinig ang huling sinabi niya.

Malakas na tilian at sigawan ang bumungad sakin pagkalabas ng opisina.
Tumungo ako kay Jeedren para ipagpatuloy ang trabaho.

"How was it?" Siya nang makalapit.

Kasalukuyan siyang nagmi-mix. Pansin ko rin ang dalawang kano na nasa harapan.

"Okay lang, naiintindihan daw ni sir."

"Well, Good. Akala ko tanggal kana. Ni'ready ko pa naman ang resignation letter ko."

Napaikot ako ng mata sa sinabi niya. Baliw ba siya? Anong konek sakanya kung matatanggal ako? Loko talaga.

"Syanga pala, anong table ang latest nag order? Ako na gagawa."
Pag iiba ko at tumingin sa dagat ng tao.

"Table 9."

Tumango ako.

"Sige ako na."
Di siya makapaniwalang bumaling sakin. Tinaasan pa niya ako ng kilay.
Anong akala niya di ako marunong magpakitang tao?

"What? Bilis na Jeed. Malapit na ang out ko."

"Are you sure?" paminigurado niya.

Nginitian ko siya at tumango.

Pagkabigay niya ay lumakad na ako. Nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga at matapang na ngumiti pagkalapit.

"Table 9 here your drinks sir and ma'm." Ginawa kong masaya ang boses kahit ang sakit.

Umiwas siya ng tingin. Nginitian ako ng kasama niyang lalaki at babae kaya sinuklian ko sila. Mabuti pa si ate marunong ngumiti. Napangiti ako ng mapait.

𝗣𝗼𝘀𝘀𝗲́𝗱𝗲𝗿(𝗢𝘄𝗻) COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon