CHAPTER 40

710 36 5
                                    

Dumating kami sa Bar ng late kaya ang nangyari ay pinakanta siya ng walong kanta ng manager namin. At ako naman ay wala. Hindi nga ako matingnan ng matagal ni sir. Ewan ko nalang kung bakit.

"Even it's so unfair but you're still so lucky. Don't you dare hurt him Ezra."

Napatitig ako sa taong ni hindi ko akalaing may pagtingin pala kay T. At ngayon pa talaga niya sinabi kung kailan.

Wala nga talang sekretong hindi mabubunyag. Akalain mo isang Tyl Vergara na naging kaibigan narin namin ni Yen.

Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti saka sinagot.
"Nikahit kailan wala akong sinasaktan Tyl. Sana alam mo yun."

Ang kaninang seryoso niyang mukha ay biglang lumungkot. Kung may problema siyang iba pwede naman niyang sabihin sakin. Alam ko kasing hindi lang ito ang pakay niya kung bakit dinala niya pa ako sa labas para lang makausap.

Nakakapagtaka na talaga ang kilos niya simula pa kanina pagdating nila ni Dom.

Si Dom na hindi makatingin sakin at laging umiiwas pagnililingon ko. Habang siyang titig na titig samin ni T.

Wala akong nakuhang sagot sa kanya. Pinakiramdaman ko lang ang paligid ng maramdamang wala nang ibang tao ay hinawakan ko siya sa kamay.

Inangat niya ang kanyang mukha at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Magsasalita na sana ako ng maunahan niya ako.

"Si kuya Dom. Malaki ang pagkakagusto niya sayo Ez. Pero wala siyang lakas. Dahil nasabi na niya kay T ang nararamdaman niya sayo. Siguro oras narin na ako naman ang umamin. Hindi ko talaga intention ang magalit pero nagalit parin ako. I'm sorry nakakainggit kalang kasi."

Amin niya na sakin. Nagulat ako sa huling sinabi niya. Ano ba ang nakakainggit sakin? Dahil sa pagkakatanda ko wala akong pamilya at yaman para sabihin niya sakin yun.

"Tyl kaibigan kita. Kahit kailan hindi ako nagalit sayo. At lalo ngayon sa sinabi mo. Pero Tyl gusto ko lang e klaro walang nakakainggit sakin. Hindi ako kasing ganda mo at kasing yaman niyo, wala akong pamilya Tyl."

Naluluha siyang umiling at bumitaw sakin pagkatapos kong sumagot.
"Manhid kanga talaga. Ez hindi lang pamilya at yaman ang nakakinggit sa mundo."

Tumango ako at ngumiti.
"Para sakin pamilya lang ang pwedeng kainggitan sa mundo Tyl. Kung hindi mo alam ang lalim na ibig sabihin ng inggit ay mali ka. Wala sa pag-ibig ang inggit. Nasa pamilya."

"Nakakaasar na talaga yang pagiging mabait mo. Gusto kitang awayin sa ugali mo. Pero ayaw kong manakit sayo. Naiinggit talaga ako sayo Ez. Sana pagkaalis ko dito makakamove on na ako sa inyu."

Pumantig ang tenga ko sa sinabi niya. Aalis siya? Kailan at bakit?
Naguguluhan ko siyang tinignan saka tinanong.

"Aalis ka? Bakit? Saan ka pupunta?"

Masaya kaming magkasama sa university tapos aalis siya? Kung kailan naging close na kami nina Yen. Alam kaya ni Yen?

Ang dami kong tanong. Tangina.
Bakit mawawalan na naman ako ng isang kaibigan?

Pinahid niya muna ang luha sa kanyang pisngi saka tumitig sakin. Titig na nagsasabing paalam. Tangina ang sakit. Noon sina mama, papa, at Kris ngayon naman siya?

"Hindi na maganda ang grades ko dito. Napag-usapan nina Tito which is dad ni kuya Dom at ni daddy ang ipasok ako sa isang private university sa states. Hindi ako tumutol dahil gusto ko rin."

Mas lalo akong nalungkot. Anong hindi maganda ang grades niya? Palagi naman siyang nasa deans list.

"Si Yen, alam naba niya? Sina Blare? Bakit biglaan Tyl? Magfe-festival pa tayo. Kung tungkol naman sa grades mo, dimo naman kailangan mag-sinungaling. Palagi kang nasa deans list. Paanong hindi maganda ang grades mo?"

"Asan ba sa sinabi ko ang hindi mo maiintindihan?! Oonga at nasa deans list ako pero top 2 lang Ezra. Pangalawa lang. Hindi ako kasing tulad mo na palaging nasa Uno. Kailan kaba magpapatalo sakin ha!?" 

Bahagya akong umatras ng sumigaw siya. Nagulat ako kaya umatras pa ako ng pangalawang beses.
Hanggang sa may nasandalan akong tao.

"Easy" bulong nito at humawak sa magkabilang braso ko.

Tumingin ako kay Tyl at nakita ko siyang nagulat habang palipat-lipat ang tingin sakin at sa taong nasa likod ko.

"Kasalanan niya ba kung pinanganak kang bobo at hindi kasing talino niya?" Seryosong sabi ni Jeff?

Naiangat ko ang tingin at nakitang siya nga. Boses niya kasi talaga.

Lumayo ako sa kanya at bahagyang umiwas. Ayaw ko ng gulo kaya hindi ako pwedeng malapit sa kanya.

"Wow. Bobo. Came from you na Top 4 lang."

Kung nandito si Jeff posibleng nandito din si Yen.

"Kung talino ang usapan hindi ako sasali dahil top 3 lang naman ako. Pero my god! Tyl hindi ko napansin ang ugali mong ganyan."

Ang kaninang hinanap ko ay lumabas sa sasakyang itim sa bandang likod ni Jeff. Tama nandito nga sila. Akala ko sila lang dalawa pero lumabas din sa kabilang kotse sina Blare kasama sina Trint.

"Yen" tawag ko sa kanya at lumapit. Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi sabay kurot.

"Wala kayong alam." Lahat kami tumingin sa kanya ng magsalita siya at magsimulang umiyak. Naawa ako sa kanya. May hindi talaga tama eh. May iba talagang dahilan ang galit niya ngayon sakin.

"Putangina naman oh! Ano bang problema Tyl?! Kaibigan mo kami pero hindi ka nagsasabi samin!. Tangina bakit ka aalis ha? Bakit hindi mo masabi sa letseng ama mo na hindi grado ang bubuhay sayo pagkagraduate mo?! Gago ba siya o tarantado para ipilit ka sa pagiging top 1!?"

Hindi na natiis ni Yen kaya pati siya umiiyak na. Habang ako kunting pahid lang dahil baka mahalata ni T mamaya.

"Ano bang problema Tyl?" Mahinahong tanong ni Blare at lumapit sa kanya. Sumunod din si Yen habang sina Trint,  Jeff, Dreck at Den ay nanatili sa kanilang tinatayuan.

Lalapit na sana ako nang marinig ko ang sagot niya.
"Sa totoo lang ayaw ko talaga kay Ezra. At mas lalong ayaw ko ang kabaitan niya. Naiingit ako lalo pa at napagbuhatan nanaman ako ng kamay ni dad dahil lang sa top 2 nanaman ako. Eh kahit naman talaga anong gawin ko hindi ako nagiging top 1."

Ako nanaman ang problema?
Noon si Kris. Ngayon siya naman.

Itinaas ko ang paningin ng maramdaman ang pagtulo ng luha ko.

Tumalikod ako sa gawi nila at lumakad. Pero bago pa ako tuluyang makaalis ay nagbilin ako ng sagot sa kanya.

"Patawarin mo 'ko kung ako ang naging dahilan ng problema mo. Wala namang problema kung ikakapanatili mo ang pagiging top 1. Bukas na bukas hindi kana top 2."

Saka ako tuluyang umalis. Sa likod ako dumaan para makapaghilamos  bago tuluyang magpatuloy sa trabaho.

Masakit sakin ang nangyari samin nuon ni Kris. Pero mas masakit ang narinig ko kay Tyl. Isang matalik na kaibigan  ang turing ko sa kanya. Diko akalain na sa pagiging palatawa niya ay mayproblema pala siyang dinadala.

Mayaman nga naman. Hindi nakokontento kong saan ang kaya ng anak. Gusto nila sa kanila na lahat. Mga tangina talaga.

𝗣𝗼𝘀𝘀𝗲́𝗱𝗲𝗿(𝗢𝘄𝗻) COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon