Chapter 9
NAG-INIT ang mukha ni Amelie nang mapag-isa sila ni Tristan sa hotel suite nila.
Maganda ang suite. May overlooking view ng city. Malaki ang kama at napapalibutan ng mga rose petals. Nagkalat din sa paligid ang mga maliliit na scented candle. Dim ang ilaw kaya napaka-romantic ng ambience.
Hindi niya maiwasang kiligin. Sa katunayan napakabilis ng tibok ng puso niya sa isiping dalawa lang sila ni Tristan suite na ito.
Matagal niyang pinangarap at in-imagine ang magiging ganap sa unang gabi nila bilang mag-asawa.
Marami na siyang nabasa at napanood kung paano paligayahin ang isang lalaki sa kama. Kaya kahit virgin siya at never been touch and never been kissed ang drama niya hindi naman siya inosente sa mga ganoong bagay.
Nagtanggal na ng suit si Tristan at necktie. Lumapit ito sa center table kung saan mayroong bote ng wine na nakalubog sa bucket ng yelo. Binuksan nito iyon at nagsalin saka mabilisang nilagok.
Tumikhim siya para makuha ang atensiyon nito.
Bahagya lang siyang sinulyapan ni Tristan at sumalpak na ng upo sa couch.
Blangko lang ang ekspresiyon ng mukha ni Tristan at ni hindi man lang siya pinapansin.
Napabuga na lang siya ng hangin. Alam niya namang galit pa rin ito sa kaniya.
Pumasok na lang siya at hinila ang maleta niya papunta sa loob ng banyo. Maganda rin ang loob ng banyo, may bath tub pa. Gusto niya sanang maglunoy sa bath tub pero baka mainip naman si Tristan kaya nagmamadali na niyang hinubad ang wedding gown at maingat na inilagay sa ibabaw ng maleta niya.
Isang itim na lingerie ang pinili niya. Binili niya pa iyon isang linggo bago ang kasal.
Hindi man siya kagandahan ay bumawi naman ang katawan niya. Biniyayaan siya ng malusog na dibdib at balakang. Makinis din ang morena niyang balat.
Napangiti siya at nagsimula nang mag-shower. Siniguro niyang nakuskos niya ang bawat sulok ng katawan niya. Siniguro din niyang mabangong-mabango siya kapag lumabas siya ng banyo. Limang beses pa siyang nagmumog ng mouthwash at dalawang beses na nag-toothbrush bago pinatuyo saglit sa blower ang buhok niya at inayos ang sarili.
Maluwang siyang napangiti sa nakikitang repleksyon niya sa salamin. Bagay na bagay sa katawan niya ang lingerie. Nahuhulma roon ang magandang hubog ng kaniyang katawan.
Huminga muna siya ng ilang beses at hinagod ang buhok niya ng makailang beses saka siya lumabas ng banyo.
Malamig na aircon ang sumalubong sa kaniya. Na mas lalong nagpakabog ng mabilis sa kaniyang puso.
Humakbang siya palapit kay Tristan na ngayon ay nakapikit ang mga mata habang nakasandal sa sandalan ng couch.
Kita niya ang pangangalumata nito pero bukod doon wala na siyang makitang kapintasan ni Tristan. Napakaguwapo pa rin nito sa paningin niya.
Lumapit siya sa couch at tinabihan ito. Hinaplos niya ang pisngi ng asawa. Nakikiliti siya sa mga patubong stubbles sa pisngi nito.
Ang tagal niyang pinangarap na makalapit ng ganito kay Tristan. Malayang matitigan ito at mahawakan.
"Akin ka na," mahinang bulong niya.
Kasal na sila. Asawa niya na ito. Ibig sabihin pag-aari na niya si Tristan. Kaniyang-kaniya na ito.
Dahan-dahan siyang yumuko upang patakan ng halik ang pisngi ni Tristan. Hindi ito kumilos. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa. Hinalikan niya ang mga labi ni Tristan. Napapikit siya nang magdikit ang mga labi nila.
BINABASA MO ANG
MY CHEATING HEART (completed)
RomanceDesperate times calls for desperate measures. Kaya naman nang malaman ni Amelie ang planong pakikipag-live in ni Tristan sa iba ay plinano niyang pikutin ito. ------- "You planned it!" nagulat siya at napatingin sa pinto. Naroroon si Tristan at gali...