Chapter 35
"YOUR wife is not pregnant, Mr. Javier," pagkumpirma ng doctor na tumingin kay Amelie.Naikuyom na lang niya ang kamao niya. Hindi niya alam kung ano ang uunahing maramdaman. Kung ang sakit na malamang wala naman pala siyang anak—na hindi naman talaga siya magiging ama—o ang galit na nararamdaman niya sa panlolokong ginawa ni Amelie sa kaniya.
Tanga 'ata ang tingin sa kaniya nito. Madaling utuin at lokohin. Madaling mapaikot sa mga kamay nito.
Hindi niya akalain na lolokohin siya ni Amelie sa ganoong bagay. 'Asan ang puso nito para paasahin siya na magkakaanak na sila?
He was beyond happy nang malaman niyang buntis ito. Tinanggal niya ang harang sa pagitan nila dahil gusto niyang ayusin ang pagsasama nila.
"'Tol." Inakbayan siya ng kuya niya at mariing pinisil ang balikat niya.
Alam niyang naaawa ito sa kaniya, maging ang mommy ni Amelie ay nakikita niyang awang-awa sa kaniya.
Kawawa siya. Sa mga mata ng lahat ginawa siyang kaawa-awa ni Amelie.
Umahon ang galit sa dibdib niya. Pilit niyang hinahagilap sa isip kung ano ba ang nagawa niyang kasalanan kay Amelie at bakit kailangan siya nitong lokohin nang paulit-ulit.
Minahal niya ito. Nagpakatotoo siya kahit pa may pagdududa pa rin sa puso niya kung totoo bang mahal siya nito.
But now, he guessed not. Hindi siya mahal o minahal ni Amelie. Wala itong ibang minahal kundi ang sarili nito. Hindi nito kayang magmahal ng iba. She is nothing but a selfish scheming bitch.
"Tristan, hijo . . ."
"Ayos lang po ako," sagot niya na pilit pinatatag ang tinig. Pinilit niya ring pigilan ang mga luha niyang nais umalpas. "Puwede niyo ho ba muna kaming hayaan na mag-usap ni Amelie?" tanong niya sa ina nito.
Napatingin si Amelie sa kaniya na nasa isang sulok lang. Nagkatinginan ang kapatid niya at ang ina ni Amelie bago ito bumuntonghininga at tumango.
"But please . . . don't hurt her," mahinang pakiusap ng ina ni Amelie.
Gusto niyang matawa. Hurt her? Kung puwede nga lang ay gusto niya itong saktan pero hindi niya kaya. Dahil kahit galit na galit siya sa ginawa nitong panloloko sa kaniya hindi niya ito magagawang saktan nang pisikal.
Marahan na lang siyang tumango. Saglit pa na tinitigan siya nito bago umalis kasama si Travis. Tiningnan niya si Amelie na napapitlag sa kinatatayuan nito.
Maga at putok ang labi nito. May kalmot sa leeg at gulo-gulo ang buhok dahil sa ginawang pananakit dito ng mommy nito.
Naglakad siya sa kinaroroonan ni Amelie. Maging ang mga braso pala nito ay may mga kalmot din. Iniiwas niya ang mga mata roon. Pilit niyang isinisiksik sa isip na kulang pa ang mga iyon.
"T-Tristan . . ."
"Don't," mariin na pigil niya rito nang tangka siya nitong hawakan. "Don't fucking touch me."
Binawi nito ang kamay at agad na napaluha.
"I . . ." Huminga siya nang malalim para pagluwagin ang kaniyang paghinga. Napailing siya. Hindi niya magawang makapagsalita nang maayos dahil sa galit. Halos bumaon na ang kuko niya sa palad niya dahil sa pagkakakuyom ng kamao niya. "I wanted to ask why you did that but . . ." Sarkastiko siyang natawa. "I remember how much conniving you are." Napailing siya.
"Wala kang ibang kayang mahalin kundi ang sarili mo."
"H-Hindi totoo 'yan, mahal kita—"
"Bullshit! Hindi mo 'ko minahal. Tangina, Amelie . . . hindi mo ako minahal dahil hindi gan'yan ang pagmamahal. Niloko mo 'ko, pinagmukha mo akong gago sa kasinungalingan mo. Ano? Pinagtatawanan mo ba ako habang nakikita mo kung gaano ako ka-excited na magkakaanak na tayo? Tuwang-tuwa ka ba habang asang-asa ako na magkakaanak na tayo, pero peke naman pala?!" Gigil na hinablot niya ang braso nito. "Sana hindi mo na lang ako minahal . . . sana sinarili mo na lang 'yang pagmamahal mo at hindi mo na ako dinamay. I hate you, Amelie. I fucking hate the hell out of you!" mariin niyang ani rito at pabalang na binitiwan ang braso nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/305855431-288-k628156.jpg)
BINABASA MO ANG
MY CHEATING HEART (completed)
RomanceDesperate times calls for desperate measures. Kaya naman nang malaman ni Amelie ang planong pakikipag-live in ni Tristan sa iba ay plinano niyang pikutin ito. ------- "You planned it!" nagulat siya at napatingin sa pinto. Naroroon si Tristan at gali...