CHAPTER 7

3K 104 11
                                    

Chapter 7


HINDI na siya bumalik sa loob, dumaan siya sa pool side at dirediretso nang lumabas sa bahay ng mga Rivera. Nanginginig ang mga kamay niya at tuhod kaya nagpasya na lang siya na tumuloy sa bahay ng lola niya na katapat lang ng bahay ng mga Rivera.

Napagbuksan siya ng lola niya. "Tapos na ang party?" tanong nito at tumanaw pa sa likuran niya.

"Hindi pa po," mahinang tugon niya at pumasok na sa loob.

"Oh, bakit umuwi ka na?"

"Pagod na po kasi ako, e," katwiran niya. "Akyat na ako sa taas, 'La," paalam niya at hindi na niya ito inantay na makasagot, nagtuloy-tuloy na siya sa hagdanan at pumasok sa kuwarto niya.

Nahiga siya sa kama na hindi man lang nagpapalit ng damit. Namaluktot siya roon habang yakap-yakap ang unan niya. Hinayaan niya ang sarili na umiyak. Ang gusto lang naman niya ay mapansin siya ni Tristan, pero paano pa iyon mangyayari kung nagmamahalan na ito at ang kapatid niya?

Agawin mo si Tristan . . .

Sulsol ng isang bahagi ng utak niya.

Bumangon siya at naupo sa kama. Walang mangyayari sa kaniya kung iiyak lang siya. Hindi siya matututunang mahalin ni Tristan kung hindi siya magkakaroon ng chance. Ang kailangan niya ay chance.

Chance na maipakita kay Tristan na siya ang karapat-dapat para dito. Mahal na niya si Tristan bata pa lang siya. Kay tagal niya na itong pinangarap at pinantasya na maging kabiyak nito pagdating ng araw.

Pero paano mangyayari iyon kung ni minsan hindi naman siya nakita ni Tristan bilang isang babaeng karapat-dapat na pagtuunan nito ng pansin?


"BAKIT bigla kang nawala kagabi?" tanong ni Tere sa kaniya. Pinuntahan siya nito sa bahay ng lola niya nang matanawan siya nitong nagdidilig ng mga halaman.

Wala pa siyang tulog. Hindi niya magawang matulog sa dami ng mga tumatakbo sa isip niya.

"Eh, ikaw? Bakit diyan ka natulog kagabi ha?" tanong niya rin dito na agad na ikinapula ng mukha nito. Suot pa ng kaibigan niya ang short at t-shirt ni Kuya Travis.

Tumikhim ito dahil parang biglang nagbara ang lalamunan nito. Tinaasan naman niya ng kilay ang kaibigan.

"Hindi naman ito ang first time na natulog kami nang magkasama . . ." anito na ikinalaki ng mga mata niya.

Isinahod niya ang kamay sa tubig at ibinato sa kaibigan. "Teresita! Malandi ka!" aniya.

Pinandilatan naman siya nito at dali-daling tinakpan ang bibig niya. "Ang eskandalosa mo naman!"

"Sinong hindi maeeskandalo sa mga sinabi mo?" Pinandilatan niya rin ito ng mga mata.

Tatawa-tawang napakamot naman ito ng ulo.

"Kailan pa 'yan ha?"

Bumungisngis ang kaibigan niya. "Kailan lang."

"Kailan nga 'yong kailan lang na 'yan?"

"Ahmm . . . no'ng ano . . . no'ng gabi ng eighteenth birthday ko," maghinang bulong nito.

"Putaccaaa!" malakas na tili niya at winisikan ulit ito ng tubig. "Two years ago? Ibig sabihin?"

"Oy, judger ka na! Sobra ka! No'ng ikaw nga ang mabaliw-baliw kay Tristan support kita." Inirapan siya nito at nagtatampong humalukipkip.

"Sorry na, nagulat lang ako kasi 'di ba one year pa lang kayo?" tanong niya rito.

Nakagat naman nito ang pang-ibabang labi. "Eksheli kashe naging fuck buddies muna kami bago—Aw! Aray! Aray!" reklamo ni Tere nang hablutin nito ang buhok niya at wagwagin.

MY CHEATING HEART (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon