Chapter 30
DALI-DALI siyang nagbihis. Gumana na naman ang pagiging impulsive niya. Pupuntahan niya ang asawa at ipararating dito na magkakaanak na sila. Hindi niya na mahintay ang pagdating nito dahil excited na siyang ipaalam na magkakaanak na sila, gusto na niyang malaman ang magiging reaksiyon ni Tristan.Nag-isip pa siya kung dadal'hin lahat ng pregnancy test, pero nagdesisyon na lang siya na bitbitin ang dalawa. Sinilid niya iyon sa sling bag niya.
Sumakay siya ng taxi papunta sa kompanya na pinagtatrabahuhan ni Tristan. Alam niya iyon dahil naikuwento na nito sa kaniya.
Kabado pero masaya siya habang nasa taxi.
Ilang sandali pa ay nakarating na siya. Lumapit siya sa receptionist at inalam ang opisina ni Tristan. Pinaakyat naman siya nito sa 5th floor.
Mabilis na hinanap niya ang opisina ni Tristan na agad naman niyang nakita. Kakatatok sana siya pero naabutan niya ng bukas iyon. Sapat ang pagkakabukas niyon para makita at marinig niya ang dalawang tao na nag-uusap sa loob ng opisina.
Halos manginig siya nang makitang magkayakap ang asawa niya at ang kapatid niya. Nakatalikod sa kaniya si Tristan habang yakap nito si Sunny.
Para siyang itinulos sa pagkakatayo roon at ni hindi man lang niya magawang kumilos.
"Siguro mas mabuti pa kung ituloy na lang natin ang plano natin. Lumayo na tayo," narinig niyang ani ni Tristan.
"Yeah . . . that sounds great," sagot naman nito.
Paatras na humakbang siya palayo roon. Nanlalamig ang buong katawan niya sa nakita at narinig. Ang kasiyahang nadama niya kanina ay nawala na parang bula.
Naglaho ang excitement na sabihin kay Tristan na magkakaanak na sila. Para siyang nanghina. Naglakad siya palayo na wala sa sarili.
Mas dumoble ang sakit. Ang takot. Mawawala na si Tristan sa kaniya. Sasama na ito kay Sunny.
Nakalabas siya sa building na parang nakalutang siya. Agad na pinara niya ang unang taxi na dumaan sa harapan niya.
"Royals po," aniya sa driver nang makasakay siya.
Mabilis naman na pinaandar nito ang taxi. Nag-umpisa namang magbagsakan ang mga luha niya hanggang sa hindi na niya makontrol ang paghagulgol niya. Alam niyang pasilip-silip ang driver sa kaniya, pero wala na siyang pakialam kung magmukha siyang tanga.
Nagsama-sama ang takot, galit, at sama ng loob niya kaya ganoon na lang ang buhos ng mga luha niya.
Hanggang sa nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na sakit sa kaniyang puson. Nasapo niya ang kaniyang tiyan dahil tumitindi ang kirot.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang may likidong umalpas sa kaniyang pagkababae.
"Manong!" nahihintakutang pukaw niya sa driver. "Sa ospital ho tayo!"
Agad naman na tumalima ang driver na halatang nataranta rin lalo na nang dumaing siya sa sakit at mamilipit sa backseat ng taxi.
Halos hindi na niya alam ang mga nangyayari. Namalayan na lang niya na binuhat siya palabas ng taxi at isinakay sa stretcher.
Naging malabo na ang paligid sa kaniya. Isa lang ang naiisip niya sa mga oras na iyon. Na sana'y huwag mawala ang anak niya.
DAHIL mahina ang katawan niya at dahil na rin sa napabayaan niya ang sarili ay walang sapat na nutrisyon ang sanggol kaya hindi rin naging malakas ang pagkapit nito.
Nawala ang anak niya. Iilang oras niya pa lang nalalaman na buntis siya pero nawala rin agad.
Parang isang magandang panaginip na isang iglap ay nawala na.
BINABASA MO ANG
MY CHEATING HEART (completed)
RomanceDesperate times calls for desperate measures. Kaya naman nang malaman ni Amelie ang planong pakikipag-live in ni Tristan sa iba ay plinano niyang pikutin ito. ------- "You planned it!" nagulat siya at napatingin sa pinto. Naroroon si Tristan at gali...