Chapter 48
"GUSTO ko ng annulment, Tristan." Agad niyang pinigil ang pagpatak ng kaniyang luha nang makita ang gulat at sakit na bumadha sa guwapong mukha ni Tristan.
Gusto niyang bawiin ang sinabi ngunit pinigil niya ang sarili. Tama lang na ngayon pa lang ay masabi niya na habang may lakas pa siya ng loob. Hangga't kaya niya pa.
"W-What?" halos anas na ni Tristan. Ang sakit ay bakas din sa tinig nito.
Bumitiw siya sa pagkakayakap nito. Tila nawalan naman ito ng lakas kaya hindi siya nito napigilan.
"Narinig mo ako," malamig na aniya. Pinilit niyang tingnan nang diretso sa mga mata si Tristan para makita nito kung gaano siya kaseryoso. "Mag-file tayo ng annulment—"
"Ayoko! Hindi . . . Amelie . . . bakit?"
Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi niya makayanang tagalang titigan ang mukha ni Tristan.
"'Yon naman ang dapat. Noon pa nga tayo dapat pormal na naghiwalay, Tristan."
"Is this because of what happened? Because I deceived you when you had your amnesia? I . . . I—"
Huminga muna siya nang malalim. Lumakad siya palapit sa kama at naupo. Hindi niya kasi alam kung tatagal pa ba ang mga tuhod niya.
Ilang linggo niyang pinag-isipan ito. Mahal niya si Tristan at alam niyang napamahal na rin siya rito. Naniniwala siya sa sinabi nitong mahal na siya nito pero . . . pero sa lahat ng nangyari, naisip niya na baka hindi talaga sila ang para sa isa't isa.
Baka kaya dahil sa dami ng mga balakid at hadlang ay sign na iyon na kailangan niya nang tigilan ang kabaliwan dito.
Hindi na siya bata. Na kung ano ang nais ay ipipilit. Na kahit nakasasakit ay magpapatuloy pa rin.
Marami siyang nasaktan. Lalo na ang mommy niya. Nakita niya at narinig ang mga iyak nito. Ang mga paninisi nito sa sarili. Sinisisi nito ang sarili sa nangyari sa kaniya. Nahihiya siya dahil siya ang gumawa ng kalokohan pero heto ang mommy niya.
Oras na para tigilan niya na ang pagiging makasarili.
At si Tristan. Habang tinititigan ito kung gaano na ito kalayo sa Tristan na minahal niya ay gusto niyang mahiya kay Mommy Bianca.
Nagulo niya pati ang pamilya ng mga ito. Ang relasyon ng dalawang pamilya ay nagkalamat nang dahil sa kaniya.
It pained and eating her. She can't stand looking at people around her suffering because of her selfishness. Hindi na niya kaya.
Kaya kahit masakit para sa kaniya na malayo sa lalaking mahal niya ay titiisin niya. Maitama lamang ang maling nagawa niya na dapat ay noon pa niya ginawa.
"Desidido na ako, Tristan. Gusto ko nang makipaghiwalay. Pagod na ako sa lahat ng ito. Pagod na pagod na ako."
Lumuhod si Tristan sa harapan niya. Hinawakan nito ang mga kamay niya. Nagsusumamo ang mga mata nito.
"Please . . . alam kong sinasabi mo lang 'yan dahil galit ka sa akin. I'm sorry, I'm so sorry, Amelie. Gagawin ko ang lahat para maitama ang dapat itama. Para maging masaya tayong dalawa."
Mabilis na nag-init ang kaniyang mga mata. Ikinulong niya ang mukha nito sa kaniyang dalawang palad.
Binasa niya ang nanunuyong labi saka lumunok para alisin ang namumuong bara sa kaniyang lalamunan. Masakit. Alam niyang pareho silang nadudurog pero alam niya namang ito ng tamang gawin.
"Umikot ang mundo ko sa 'yo, Tristan. Hindi ko naranasang magdalaga dahil ang buong buhay ko ay inilaan ko para mahalin ka. Saksi ang lahat sa pagmamahal ko sa 'yo. Shhhh," putol niya rito nang akma itong magsasalita. "Mahal na mahal kita kaya ko nagawa ang mga bagay na nagawa ko. Wala akong naiisip noon kung hindi ang pansarili kong kaligayahan. At para sa akin ikaw 'yon, Tristan, ikaw ang kaligayahan ko. Kung wala ka, hindi ako sasaya . . ." Tumulo ang mga luha niya na pinahid naman ni Tristan.
BINABASA MO ANG
MY CHEATING HEART (completed)
RomanceDesperate times calls for desperate measures. Kaya naman nang malaman ni Amelie ang planong pakikipag-live in ni Tristan sa iba ay plinano niyang pikutin ito. ------- "You planned it!" nagulat siya at napatingin sa pinto. Naroroon si Tristan at gali...