Chapter 47
AMELIE is safe now. Kahit paano ay nakahinga na siya nang maluwag. Inilipat na ito ng silid mula sa ICU, pero under monitoring pa rin ang asawa niya. Sinigurado naman ng doctor na ligtas na ito at kailangan na lang ng pahinga.Malalim siyang napabuntonghininga. Parang ngayon lang siya nakahinga nang maayos simula pa kahapon. Buong akala niya mawawala na sa kaniya si Amelie. Buti na lang talaga at lumaban ito. Hinaplos niya ang noo nito at hinawi ang mga hibla ng buhok doon palayo sa mukha nito. Maputla pa rin si Amelie dahil sa dami ng dugo na nawala sa kaniya.
Hinalikan niya ito sa noo at ginagap ang kamay nito saka iyon dinala sa pisngi niya. Napapikit siya nang maramdaman ang init na nagmumula sa palad nito.
"Tristan, I need to talk to you," dinig niyang ani ng daddy ni Amelie mula sa likuran niya.
Saka niya lang ulit naalala na naririto rin pala sa loob ng silid ang pamilya ni Amelie pati na ang mommy at daddy niya. Napabuntonghininga siya. Alam niyang alam na nila ang nangyari pati na rin ang pagsasama nilang tatlo nina Amelie at Sunny sa bahay nilang mag-asawa.
Tumayo siya at hinarap ang daddy ni Amelie. Isang malakas na sapak naman ang sumalubong sa kaniya. Napasinghap ang mommy niya habang nagtagis naman ang bagang ng kaniyang daddy, pero hindi ito kumibo. Nakita niya pang hinawakan ng daddy niya ang braso ng mommy niya para pigilan na lapitan siya.
Ang stepmother naman ni Amelie ay humakbang ng isa para pigilan ang asawa.
"Who gave you the right na parehong ibahay ang mga anak ko?!" galit na sigaw nito sa kaniya. Hinihingal pa ito sa galit at namumula ang mukha.
"It's me, Dad . . ." singit naman ni Sunny. "Ako ang nakaisip ng lahat."
Napabaling naman dito ng tingin ang ama nito. "Pinagtatakpan mo pa ang—"
"I'm telling the truth, Daddy!" tumaas ang boses ni Sunny upang muling pigilan ang ama. Napatiim-bagang naman ang ama nito at mas lalong dumilim ang anyo. Binasa muna ni Sunny ang nanunuyo niyang mga labi bago nagsalita. "Ako ang kumumbinsi kay Tristan na makipagbalikan sa akin. Ako rin ang nakaisip na magpanggap kaming mag-asawa nang malaman kong n-nawalan ng alaala si—" Hindi na natapos ni Sunny ang sasabihin nito nang sugurin ito ng mommy ni Amelie na kapapasok lang sa loob ng ospital suite ni Amelie at saktong narinig ang mga sinabi ni Sunny.
Nagkagulo ang lahat hanggang sa mailayo si Sunny sa mommy ni Amelie. "How dare you to that to my daughter! Manang-mana ka sa ina mo!"
"Tumigil ka na, ano ka ba!" singhal-awat naman dito ng daddy ni Amelie.
Umiiyak naman si Sunny na muling bumaling sa ina ni Sunny. "I'm so sorry, Tita."
"'Wag mo akong ma-Tita-Tita!"
"Huminahon ka nga!" sigaw ng biyenan niyang lalaki. "Tumigil ka na kung hindi—"
"Kung hindi, ano?! Wala kang kuwenta! Dahil sa 'yo—dahil sa kag*g*han mo—kaya ang anak ko ang nagbabayad!" Natahimik ang daddy nina Sunny at Amelie. Bumadha ang guilt sa mukha nito, walang nakapagsalita kahit isa sa kanila, maging ang mga magulang niya. "Kasalanan ko rin . . ." mayamaya'y ani ng ina ni Amelie. "Sana noon pa lang inilayo ko na ang anak ko," anito habang parang inuupos na kandila na napaupo.
Kinabog naman ng kaba ang kaniyang dibdib. Kumuyom ang kaniyang kamao. "I'm sorry. Alam ko po na walang kapatawaran ang nagawa ko kay Amelie. B-But please . . . please, bigyan niyo kami ng chance na dalawa. I-I want to be with her when she wakes up. I-I want to tell her how much I love her—"
"No!" mariing putol ng ina ni Amelie. "Hinding-hindi ko na hahayaan na mapalapit pa kayo sa anak ko—"
"M-Mom . . ." Lahat sila ay napalingon sa nagsalita. Si Amelie. Mapungay ang mga matang nakatingin sa kanila. Halatang nanghihina pa ito.
BINABASA MO ANG
MY CHEATING HEART (completed)
RomanceDesperate times calls for desperate measures. Kaya naman nang malaman ni Amelie ang planong pakikipag-live in ni Tristan sa iba ay plinano niyang pikutin ito. ------- "You planned it!" nagulat siya at napatingin sa pinto. Naroroon si Tristan at gali...