CHAPTER 11

3.5K 133 8
                                    

Chapter 11

NASA lobby na siya ng hotel nang dumating sina Tere at Kuya Travis para sunduin siya. Agad na niyakap siya ni Tere.

"Ayos ka lang ba talaga?" tanong nito sa kaniya. Kinuha naman ni Kuya Travis ang maleta niya. Nginitian siya nito at niyakap.

"Oo nga," natatawang tugon niya sa kaibigan. "Siya nga pala, doon niyo na lang ako sa bus stop ihatid—"

"No, Amelie, ihahatid ka na namin sa condo ni Tristan," putol ni Kuya Travis sa sasabihin niya. Seryoso ang mukha nito. Minsan lang magseryoso si Kuya Travis kaya alam niya na hindi siya makahihindi rito.

Sumakay sila sa kotse ni Kuya Travis. Magkatabi ito at si Tere sa unahan habang mag-isa naman siya sa backseat. Dumaan pa sila sa drive thru at nag-take out ng pagkain. Nagkukuwentuhan sila at nagtatawanan kaya kahit papaano ay nalibang siya sa biyahe. Pinag-uusapan nila noong mga bata pa sila ni Tere at nakikita ni Kuya Travis na takbo nang takbo sa kalsada nang walang mga sapin sa paa.

"Tapos ang iitim niyo pa," natatawang kantiyaw ni Kuya Travis. "Lalo ka na, tulo lagi sipon mo." Tinuro pa nito si Tere na napipikon na kaya panay na ang hamapas at kurot kay Kuya Travis.

"Eh, bakit patay na patay ka sa akin ngayon ha?" ganting kantiyaw rito ni Tere.

"Ang ganda kasi ng glow up mo, dapat i-post mo 'yong picture mo no'ng bata ka pa, e, saka 'yong picture mo ngayon. Panigurado magte-trending 'yon."

"Siraulo," ani Tere at nakalabing umayos ng upo.

Tawa naman siya nang tawa. Totoo naman kasi ang sinasabi ni Kuya Travis. Noon mahilig silang maglaro sa kalsada ni Tere nang nakapaa. Ang itim din nila no'n dahil babad sila sa araw kahuhuli ng mga tutubi sa daamuhan. Nagsimula lang siyang mag-ayos nang makilala niya si Tristan. Nagkaroon na siya ng hiya sa appearance niya, nag-umpisa na siyang maligo araw-araw at hindi na niya kinatamaran ang pagto-toothbrush. In short, bigla siyang nagdalaga nang makilala niya si Tristan at maging crush niya ito.

"Ito naman tampo agad," pagalalambing ni Kuya Travis kay Tere. Kinuha pa nito ang kamay ng kaibigan niya at hinalikan ang likod ng palad nito. Siya naman ngayon ang napalabi, wala kasing pakundangan ang mga itong maglambingan sa harapan niya. Alam naman ng mga ito na maiinggit siya.


GABI na nang marating nila ang condo ni Tristan. Nalula siya sa tagal ng biyahe nila. Hindi kasi siya sanay sa malayuang mga biyahe dahil 'di pa naman siya nakararanas umalis ng bayan nila.

"Dito ka na ba magpapatuloy ng pag-aaral?" tanong ni Tere, pasakay na sila ng elevator.

"Oo, naayos na ni Daddy ang mga credentials ko nang asikasuhin niya ang cenomar namin." Ang Daddy niya kasi ang naglakad ng mga recquirements nila, gusto kasi nitong masiguro na pakakasalan siya ni Tristan nang legal.

"Ano'ng sabi ng mommy mo?"

"Wala." Hindi na niya kasi nakausap ang mommy niya simula nang pikutin niya si Tristan at makipagkampihan sa kaniya ang daddy niya. Galit pa rin ito. Maski nga ang lolo at lola niya pinagbawalan ng mommy niya na pumunta sa kasal niya.

"Paanong wala? Mommy mo pa, panigurado 'ayon ang unang tututol."

"Hindi na niya ako kinausap simula nang—" Nilingon niya muna si Travis at mahinang bumulong. "—Pikutin ko si Tristan." Kahit papaano ay nahihiya siya kay Kuya Tristan.

"Alam ko naman, bumubulong ka pa," ani Kuya Tristan sa likuran niya. Ito ang may bitbit ng maleta niya.

Nag-init ang mukha niya at nanunumbat na tiningnan si Tere.

"Oy, alam niya na bago ko ichinika sa kaniya," depensa nito na nandudumilat pa.

Tumawa naman si Kuya Travis. Tumabi ito sa kaniya at inakbayan siya. "Ine-expect ko na sa pamimikot ka mauuwi, eksheli," biro nito. "'Di na nga ako nagulat nang mabalitaan kong nakita kayong . . . you know." Nagkibit ito ng balikat. Ginulo nito ang buhok niya.

MY CHEATING HEART (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon