Chapter 29
HALOS mag-aalas-dose na nang pakawalan siya ng daddy ni Amelie. Naubos na nila ang dalawang boteng imported liquor na inilabas nito.Medyo tinamaan na siya ng alak kaya naman nagkusa na siyang magpaalam. Buti na rin at pumayag ang biyenan niyang lalaki.
Paakyat na siya sa kuwarto ni Amelie nang makasalubong niya sa hagdanan si Sunny.
"Can we talk?" tanong nito sa kaniya. Nagsusumamo ang mga mata nito.
Mga matang kinabaliwan niya noon pero ngayon . . . kinapa niya ang damdamin, wala na siyang nararamdamang kakaiba kapag nakatitig siya sa mga mata ni Sunny.
He can tell that Sunny was his first love. Magkababata sila at noon pa man ay napapansin niya ito. Magkaiba ang magkapatid. Si Sunny ang tipo ng babae na aalagaan mo. 'Yong bubuhay sa pagiging hero ng isang lalaki. She's like a damsel in distress that every knight wants to save. And he once a knight. He wanted to save Sunny kahit hindi niya alam kung saan.
Ang alam niya lang kapag malungkot si Sunny noon gusto niyang pasayahin. Kapag nakikita niya itong malungkot na nakatingin kina Tere at Amelie ay gusto niya itong libangin.
Hanggang sa natatak na sa isip niyang dapat ay lagi siyang nasa tabi ni Sunny. That Sunny needed him. Kaya masakit sa kaniya nang ipaubaya siya nito kay Amelie. Sinabi pa nito na sila ni Amelie ang magkarelasyon kaya naman mas nakumbinsi ang mga magulang nila na ipakasal siya kay Amelie.
Maybe Sunny doesn't really love him the way he loved her. Maybe it was just an infatuation kaya madali para dito na ipamigay siya. Ni hindi nito naisip na nasasaktan siya sa ginawa nito.
At ngayong ibinaling niya ang atensiyon kay Amelie and learned to love Amelie more than he loved Sunny before saka niya naman malalaman na ginamit lang siya nito para pasakitan ang kapatid.
Masakit 'yon para sa kaniya. Mahal niya si Amelie. Natutunan niya na itong mahalin then all of a sudden ganito ang mangyayari.
He wanted to talk to Amelie and asked her to try to fix their marriage. To start all over again.
Pero sa tuwing sinusubukan niyang lapitan ito ay dinededma naman siya, minsan ipinagtatabuyan pa siya.
Hindi naman siya bato para hindi masaktan. At tuwing ituturing siyang parang isang hangin ni Amelie ay nasasaktan siya. Hindi siya sanay at ayaw niyang masanay.
Minsan hinihiling niya na sana wala na lang siyang alam. Kung ginagamit man siya ni Amelie so be it. At least hindi ganito kasakit.
Bumuntonghininga siya at tumango sa tanong ni Sunny. Ngumiti ito at inaya siya sa kusina. Nagtimpla ito ng kape para sa kanilang dalawa.
"Napansin ko na parang hindi kayo okay ni Amelie?" tanong nito. Magkaharap sila sa mesa at may tig isang tasa ng kape.
"Nakita ko kasing hindi kayo masyadong nagkikibuan."
"We're fine," maikling tugon niya. Ayaw niyang maglahad ng kahit anong problema sa ibang tao. Para sa kaniya ang away nilang mag-asawa ay sa kanila lang. Ganoon ang nakikita niya sa mommy at daddy niya. Ni minsan hindi niya narinig ang mommy niya na nagkukuwento sa mga kaibigan ng problema nito at ng daddy niya. Gusto niya rin ng ganoon para walang ibang makisawsaw sa kanilang mag-asawa.
"Buti naman," anas ni Sunny na nakayuko sa mug nito.
Saglit na namayani ang katahimikan sa kanila hanggang sa magpasya siyang magpaalam na. Inaantok na rin naman na siya.
"Sige. Aaakyat na ako," aniya.
"Okay. Iwan mo na lang 'yan diyan, ako na ang maghuhugas niyan," anito.
BINABASA MO ANG
MY CHEATING HEART (completed)
RomansaDesperate times calls for desperate measures. Kaya naman nang malaman ni Amelie ang planong pakikipag-live in ni Tristan sa iba ay plinano niyang pikutin ito. ------- "You planned it!" nagulat siya at napatingin sa pinto. Naroroon si Tristan at gali...