Chapter 41
PINAGBIGYAN niya lahat ng paanyaya ni Drake na lumabas. Nagda-date sila kung saan-saan. Kahit papaano ay nalilibang siya. Nabibigyan niya rin ng pagkakataon ang kapatid at ang asawa na makapagsolo. Kahit may mga pinong kirot sa isiping iyon ay tinitiis niya.
"Ang lalim na naman nang iniisip mo," ani Drake sa kaniya. Nasa isang Italian restaurant sila. Sinundo siya nito kanina para manood ng sine pagkatapos ay nag-arcade sila bago dumiretso rito sa restaurant.
Nginitian niya ito. Kahit pa ang pakilala nito ay boyfriend niya ay hindi naman ito nagta-take advantage. Ni hindi nito pinipilit na mag-holding hands sila. Para lang silang magbarkada at nae-enjoy niya ang company ni Drake. Nalilimutan niya ang sitwasyon niya kapag kasama niya ito.
"Iniisip ko lang kung paano ba bibigkasin ang mga ito, ang hirap kasi," aniya at marahang tumawa.
"One pasta in meat mushroom souce," anito sa waiter bago bumaling sa kaniya. "That's one of your favorites," anito.
Nawala naman ang ngiti niya sa labi. Napalunok siya. Hindi niya favorite ang mushroom, lalong hindi rin siya kumakain n'yon dahil may allergy siya sa mushroom. Agad siyang namamantal at nahihirapang huminga.
"Uhm, p-pasta alfredo na lang," suhestiyon niya.
Kumunot naman ang noo ni Drake. "No, Amelie. Masarap ang pasta nila rito, 'yong mushroom lasang meat talaga. Iyon ang paborito mo, hindi mo lang natatandaan dahil hindi pa bumabalik ang alaala mo. Kaya nga hinanap ko pa ang Italian restaurant na ito dahil may nakapagsabi sa akin na masarap nga raw ang mga pasta rito." Malungkot ang mukha ni Drake pati ang boses nito. "Malay mo kapag natikman mo ang pasta nila rito makaalala ka na," ani pa nito.
Napalunok siya. Wala na siyang nagawa nang order-in na nito iyon nang tuluyan. Pinagpapawisan siya nang malamig lalo na nang dumating ang mga in-order nila at ilapag sa harapan niya.
"Kain na," ani Drake.
Nanginginig naman ang kamay na dinampot niya ang tinidor. Iniikot-ikot niya ang pasta sa tinidor niya at iniwasan ang mushroom. Pero tinusok ni Drake ang mushroom at iniumang sa kaniya.
"Say, ahh . . ."
Napatitig siya sa mushroom. Naalala niya noong eleven years old siya at hindi niya napansin na may mushroom pala ang gravy ng kinakain niya. Nadala siya sa ospital at ilang araw siyang naka-oxygen. Paniguradong ganoon ang mangyayari na naman sa kaniya kapag kinain niya ang isinusubo ni Drake.
Tumayo siya. Muntik pang matumba ang bangkong kinauupuan niya. Nagtataka namang napatingala sa kaniya si Drake. Nagkatitigan sila. Wala namang sali-salita na iniwanan niya ito at dire-diretsong lumabas sa restaurant. Nanginginig ang mga kamay niya at mabilis ang tibok ng puso niya, kitang-kita niya sa mga mata ni Drake . . . alam na niya.
"Amelie!"
Napapikit siya nang marinig ang boses nitong tinawag siya. Huminto siya ngunit hindi lumilingon.
"Let's stop pretending, Amelie. Hindi ka ba napapagod? Buong buhay mo na lang ba magpapanggap ka?" anito.
Naikuyom niya ang mga palad. Nag-iinit ang sulok ng mga mata niya. Lamang ang takot sa pagkapahiya. Kung alam na ni Drake, hindi imposibleng sabihin nito ang totoo kina Tristan. Kapag nalaman nina Tristan na niloloko na naman niya ang mga ito, paniguradong panibagong sakit at galit na naman ang mararamdaman nito sa kaniya.
"A-anong . . . kailan mo pa nalaman?" Nanginginig ang boses niya. There's no sense on lying anymore. Mas lalo lang siyang magmumukhang tanga. Mariin niyang kinagat ang labi.
"The very first day na magkita tayo at sabihin ni Sunny na may amnesia ka," anito. Narinig niya ang mga yabag nitong palapit sa kaniya. "I saw recognition in your eyes when you saw me, Amelie. You know me . . . I know, I feel it. Hindi mo ako mapaglalaruan. Hindi ako si Tristan," iiling-iling na anito.
BINABASA MO ANG
MY CHEATING HEART (completed)
RomanceDesperate times calls for desperate measures. Kaya naman nang malaman ni Amelie ang planong pakikipag-live in ni Tristan sa iba ay plinano niyang pikutin ito. ------- "You planned it!" nagulat siya at napatingin sa pinto. Naroroon si Tristan at gali...