Chapter 6
NANG sumunod na pasukan ay nalungkot siya. Wala na kasi si Tristan sa school nila. Tapos sa Manila pa ito nag-aral ng college. Do'n na rin ito magbo-board dahil hussle kung uuwi pa ito araw-araw.
Ang nagbibigay lakas na lang sa kaniya ay ang araw ng Sabado at Linggo kung saan uuwi si Tristan.
Doon niya na lang ito nakikita. Madalas sa nakakasabay niya ito sa agahan. Pero madalas itong wala. Lagi nitong kasama si Sunny. Sa tingin niya may relasyon na ang dalawa pero hindi lang umaamin.
Mas okay na rin na hindi pa umaamin ang dalawa dahil alam niyang masasaktan lang siya nang sobra kapag nalaman niya ang totoo. Mas madaling magpanggap at paniwalain ang sarili sa bagay na gusto niyang paniwalaan kaysa harapin ang katotohanan na may ugnayan na ang kapatid niya at ang lalaking mahal niya.
"Amy, puwede mo bang gisingin si Tristan? Ang alam ko kasi may lakad siya ngayon at nagpapagising nang maaga, hindi ko naman maiwan itong whini-whisk ko dahil baka 'di ko makuha ang consistency na gusto ko," ani sa kaniya ni Tita Bianca.
Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na spatula dahil sa narinig.
"A-Ako po?" tanong niya.
"Oo, please, hija. Pakigising mo na ang bunso ko na 'yon," nakangiting ulit nito.
Kung sinasadya man iyon ni Tita Bianca o hindi, wala na siyang pake. Dali-dali na siyang nagtanggal ng apron dahil baka biglang pumasok si Ate Melba at ito pa ang mautusan.
Malakas ang kabog ng dibdib niya habang naglalakad patungo sa kuwarto ni Tristan. Wala sina Tito Henry at Kuya Travis ngayon dahil sinamahan ni Tito Henry si Kuya Travis na mag-submit ng candedacy for SK Chairman.
Huminga muna siya ng ilang ulit at inayos ang buhok at damit bago kinatok ang pinto ni Tristan. Nakailang katok na siya at tawag dito pero hindi ito sumasagot. Kaya naman nagpasya na siyang buksan na lang ang pinto. Bumukas naman agad nang pinihit niya ang seradura.
Sumalubong sa kaniyda ang lamig ng aircon mula sa kuwarto ni Tristan. Medyo madilim dahil nakasarado ang makakapal na kurtina sa nag-iisang bintana.
Aninag niya naman ang kama kung saan padapang nakahiga roon si Tristan. Namula ang mga pisngi niya habang nakatingin sa hubad nitong likuran. Malapad at makinis ang likod ni Tristan. Napansin niya na mas lumalapad ang katawan ni Tristan simula nang mag-aral ito sa Manila. Mas tumangkad din ito. Nagbago rin ang pananamit nito. Mas naging maporma kaya mas lalong pinagkakaguluhan si Tristan ng mga kababayan nila kapag umuuwi ito.
Lumapit pa siya sa kama. Pinagmasdan niya muna si Tristan nang matagal. Pinagsawa niya ang mga mata sa maamo nitong mukha. Para itong baby na napakainosente habang natutulog. Bahagyang nakatagiid ang mukha nito paharap sa kaniya kaya medyo naka-pout ang labi ni Tristan. Para talagang baby. Natural na mapula ang labi ni Tristan, makakapal din ang pilikmata nito at matangos ang ilong. Daig pa nito ang isang artista sa kinis ng mukha, ni parang walang pores.
Nahaplos niya tuloy nang wala sa oras ang mukha niya, napangiwi siya dahil oily na siya.
Muli niya sanang tatapikin si Tristan nang bigla itong gumalaw. Sa sobrang taranta niya ay dumapa siya sa ibaba ng kama. Nang maramdaman niyang mas lumundo pa ang kama ay nagsumiksik siya sa ilalim ng kama. Takot na baka mahuli siya ni Tristan na nasa loob siya ng kuwarto nito.
Naduling siya nang tumapat sa kaniya ang mga paa ni Tristan. Inis na nasabunutan niya na lang ang ulo. Bakit ba kasi nagtago-tago pa siya? E, may dahilan naman siya kaya siya nasa kuwarto ni Tristan, pero dahil sa pagkataranta niya ay sumuot siya sa ilalim ng kama nito at inilagay ang sarili sa alanganin. Paano siya ngayon lalabas sa kinaroroonan niya at ipaliliwanag kung bakit siya nagsumiksik dito nang hindi siya napag-iisipang freak ni Tristan?

BINABASA MO ANG
MY CHEATING HEART (completed)
Storie d'amoreDesperate times calls for desperate measures. Kaya naman nang malaman ni Amelie ang planong pakikipag-live in ni Tristan sa iba ay plinano niyang pikutin ito. ------- "You planned it!" nagulat siya at napatingin sa pinto. Naroroon si Tristan at gali...