CHAPTER 31

4.8K 131 14
                                    

Chapter 31



"GOOD morning, sleepyhead," bulong ni Tristan sa tainga niya. Nakangiting nagmulat siya ng mga mata. Namulat niya ang bagong ligong asawa. Agad na hinalikan siya nito sa mga labi. "Gising na kayo ni baby. Kailangan mong magpaaraw para gumanda naman ang kulay mo," ani pa nito at maingat siyang tinulungang makaupo.

Kinuha ni Tristan ang tray ng pagkain na nakalapag sa paanan ng kama at inilagay sa tabi niya. Mayroon iyong gatas, slice apple, bread and butter, bacon, at sinangag.

"N-Niluto mo ito?" nangingiting tanong niya sa asawa.

"Yep. At kailangan mo itong ubusin para sabay kayong lumusog ni baby," nakangiting sagot ni Tristan.

Hindi naman siya nakapagsalita. Nitong mga nakaraang araw ay sobra-sobra ang pag-aasikaso ni Tristan sa kaniya. Maaga itong gumigising para maipagluto siya ng almusal at ng kakainin niya hanggang tanghalian. Ayaw nitong magkikilos siya dahil ayaw nitong mapagod siya. Lagi rin itong tumatawag kahit pa nasa kalagitnaan ito ng meeting para lang tanungin kung kumain na ba siya o kung ano ang ginagawa niya.

At minsan gusto niya ring isipin na buntis pa siya. Lihim niyang iniiyak ang katotohanang wala ng baby. Wala na silang anak. Hindi niya magawang magtapat kay Tristan dahil natatakot siya. Umaasa na lang siya na mabuntis siya ulit ni Tristan. Lagi niyang ipinilit na may mangyari sa kanila. Noong una ay natatakot si Tristan dahil baka masaktan siya nito o ang bata pero nakumbinsi niya ito na walang kahit anong mangyayari sa kanila ng 'baby' kung makikipagsiping ito sa kaniya.

She stoops that low. Every time na may nangyayari sa kanila ay lagi niyang idinadasal na may mabuo, na mabuntis siyang muli para naman bago pa malaman ni Tristan na nawala ang anak nila ay totoong buntis na siya. Siguro naman hindi na ito magagalit sa kaniya nang sobra. Ipaliliwanag niya na lang ang totoong nangyari. Na totoong nabuntis siya pero nakunan siya.

Siguro naman mauunawan siya nito. Ang sabi naman nito ay mahal na siya nito. Kaya na siguro ng pagmamahal na iyon na patawarin ang paglilihim niya rito nang totoo.

Hinimas ni Tristan ang tiyan niya. "Para din mabilis na lumaki si baby rito sa belly mo. Ilang months na nga siya ulit?" tanong nito sa kaniya.

Muntik na siyang masamid sa gatas na iniinom niya. Nilunok niya muna ang gatas bago sinagot ang tanong ni Tristan.

"T-Two months," sagot niya.

"Kaya siguro hindi pa siya maumbok," anito na yumuko pa at pinatakan ng halik ang tiyan niya.

Nakagat niya na lang ang pang-ibabang labi niya para mapigil ang mapaiyak. Kapag nakikita niyang sobra ang effort ni Tristan para sa anak na hindi naman nag-e-exist sinusurot siya ng konsensiya.

"Kailan pala ang check up mo? Saka saang OB ka nga pala nagpapa-check up?" tanong ni Tristan na ikinakabog ng dibdib niya. Ito ang mga tanong na iniiwasan niya.

"S-Sa Bethel," tukoy niya sa private clinic na malapit sa school nila. N-Next month pa ulit ang schedule ng check up. Maririnig na raw ang pulse ni baby that time," aniya na pinasigla ang boses.

Parang batang namilog naman ang mga mata ni Tristan. Napuno ng excitement ang mga mata nito. "Really? Anong date ba para makapag-leave ako. Kailangang masamahan kita dahil gusto ko ring marinig ang pintig ng junior ko," masayang anito.

Parang may pumiga sa puso niya sa nakikitang excitement sa mga mata nito at sa saya nito. "J-Junior? Paano kung baabae?" pag-iiba niya ng topic nila. Saka na lang niya iisipin kung paano niya mailulusot ang check up next month.

Isa pa sa ikinabibigat ng loob niya ay ang pagsisinungaling dito. Dahil habang tumatagal lalo siyang nababaon sa kasinungalingan dahil para masuportahan ang mga nauna niyang kasinungalingan kailangan niya itong patungan ng panibago.

MY CHEATING HEART (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon