CHAPTER 46

6.6K 217 27
                                    

Chapter 46

NANATILI lang nakatingin si Amelie sa kisame habang nagkakagulo ang mga taong dumudulog sa kaniya. Nahawi ang mga ito nang may isang pigurang lumapit at lumuhod sa tabi niya pagkatapos ay kinandong ang ulo niya.

Nanlalabo ang mga mata niya dahil sa luha at pagkahilo. Ramdam na niya ang panghihina ng sariling katawan. Ang unti-unting paghirap na huminga.

"Please, hold on . . ." ani ng lalaking may kalong-kalong sa ulo niya. Naramdaman niya ang mainit na likidong pumatak sa pisngi niya mula sa mga mata nito.

Pamilyar ang tinig sa kaniya. Isang pamilyar na boses na hindi niya pagsasawaang pakinggan. Ikinurap-kurap niya ang mga mata para paalisin ang mga namumuong luha. Nais niyang makita kung sino ang dumating. Nais niyang kumpirmahin kung tama ba ang hinala niya. At nang luminaw ang kaniyang mga mata at makita ang takot at puno ng pag-aalalang mukha ni Tristan ay may tuwang umahon sa kaniyang puso.

"D-Dumating ka . . ." aniya. Ngumiti kahit nahihirapan. Kanina pa niya iniisip na kung ito ang huling sandali niya sa mundo, sana'y makita man lang niya ang daddy niya, ang mommy niya, si Mommy Bianca, si Tere, si Kuya Travis, at si . . . Tristan.

And now he's here. Holding her. Crying for her. May libo-libong karayom ang tumutusok sa puso niya sa isiping kahit sa huling sandali ng buhay niya ay wala siyang ibinigay kay Tristan kundi sakit. Sakit na ngayo'y nakabalatay sa guwapong mukha nito.

"Shhh . . . don't talk, baby. Save your strength . . . dadal'hin ka namin sa ospital," ani Tristan sa mahinang tinig. Hindi rin nakaligtas sa kaniyang pandinig ang pagkabikig nito.

Marahan siyang umiling, nais niya sanang sabihing 'wag itong malungkot. Gusto niyang nakangiti ito bago siya mawala. Napapikit siya at malungkot na napangiti. Hindi siguro ito ang lifetime na para sa kaniya. Pero kung mabubuhay siyang muli hindi niya pagsisisihan na minahal niya si Tristan. He's the most special person that she would love to be with every lifetime God will give to her.

Huminga siya nang malalim para magkaroon siya ng lakas upang makapagsalita kahit hirap na hirap na siya. Kahit alam niyang anumang sandali bibigay na ang katawan niya.

"M-Mahal . . . mahal kita . . ." Mahal na mahal na mahal kita, Tristan.

"I love you too. I love you, baby . . ." nagmamadaling sagot ni Tristan sa kaniya. Bumuhos ang mga luha nito at humahagulgol na sumubsob sa buhok niya.

Natigilan siya. Ramdam na ramdam niyang totoo ang sinabi nito. Mahal siya ni Tristan. Napahikbi siya. Magkahalong saya at panghihinayang. Parang bigla ay gusto niyang ilaban ang buhay niya. Kung kanina sumusuko na siya ngayon ay gusto niyang mabuhay. Napahikbi siya at pilit na iniyakap ang braso sa leeg ni Tristan. Gusto niyang iparamdam na ayaw niya rin itong iwan. Na hindi niya rin kayang umalis.

"Don't leave me, Amelie . . . please, maawa ka naman sa akin, hindi ko kaya . . . 'wag mo akong iwan ng ganito."

But she thinks it's too late. Unti-unting dumausdos ang kamay niya na mabilis namang sinalo ni Tristan at ginagap. Ramdam na niya ang unti-unting pagkawala ng hangin sa kaniyang katawan. Napatingin na lang siya kay Tristan. At least, nakita niya man lang ito. Narinig niyang mahal siya nito.

"A-Amelie . . ." Halos hindi niya na madama ang mariing paghawak ni Tristan sa kaniyang palad na tila ba hindi siya mawawala kung hahawak ito nang mariin doon, pero kahit ayaw niyang bumitiw, kailangan na niyang umalis.

Isang huling buntonghininga ang pinakawalan niya at maliit na ngumiti kay Tristan saka unti-unti nang pumikit nang kusa ang kaniyang mga mata.

"Don't . . . don't . . . don't, baby, please . . ."

MY CHEATING HEART (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon