Wakas
MAAGANG nagising si Amelie kahit pa masama ang pakiramdam niya. Ilang umaga nang madalas na nakahiga lang siya sa kama dahil sa nararamdaman. Pero iba ang sigla niya ngayong umaga. Kahit pa kanina ay nagduduwal at nahilo na naman siya, nagawa niya pa ring bumangon at makapagluto ng agahan.
Na-miss niya ang ganito. Ang magising na magaan ang pakiramdam at walang pangungulilang nararamdaman. Puno ng galak ang kaniyang puso.
Napalingon siya sa pintuan ng kusina nang makita roon ang asawa. Kagaya kagabi ay nakatingin na naman ito sa kaniya na tila siya ay isang aparisyon na kung kukurap ito ay bigla na lang siyang mawawala.
Hindi ganoon ang iniisip niyang muling pagkikita nila. Nagulat pa siya kagabi nang parang walang panahon na nagkawalay sila nang yakapin siya nito. Para bang araw-araw siyang naroroon at nakakasama nito. Kumain sila nang hindi nakakapag-usap. Hinayaan niya lang si Tristan dahil iniisip niyang nabibigla ito sa pagdating niya sa bahay.
Natulog siya sa bisig nitong mahigpit na nakayakap sa kaniya. Nais niyang maiyak dahil ramdam na ramdam niyang mahal at na-miss siya nito.
"Good morning," nakangiting bati niya kay Tristan.
Ayun na naman ang kakatwang reaksyon nito sa kaniya na ikinakunot ng noo niya. Marahan itong naglakad palapit sa kaniya na hindi inaalis ang mga matang humahagod ng nangungulilang tingin sa kabuuan niya.
"It must be a dream . . ." anas nito. Sasagot sana siya pero muli na naman siyang niyakap nito. Nababaghang gumanti na lamang siya ng yakap. "If it is, I don't want to wake up."
"Tristan . . ." nagbabara ang lalamunang tawag niya rito. 'Di kaya inaakala nitong imagination lamang siya nito?
"I miss you so much, honey. I miss you so much that it makes me crazy. I want to hold you like this, and oh god, it felt so true. I feel your warmth. I miss you, I miss you . . ." mahinang bulong nito sa tainga niya saka siya hinalikan sa noo.
"Ganoon mo ako ka-miss?" tanong niyang naluluha na rin.
"You'll never know, Amelie . . . you'll never know how much I miss you."
"Bakit hindi mo ako pinuntahan kung talagang na-miss mo ako?" sumbat niya. Hindi niya na napigilan dahil hindi iilang beses na nahiling niyang sana sumunod sa kaniya si Tristan.
Inilayo siya nito para matingnan ang mukha niya pero hindi siya binitiwan. Nakakunot ang noo nito nang bumaba ang tingin sa kaniya.
"Because that's what you want," anito. "Alam ko na iyon ang magpapasaya sa 'yo. Ang malayo sa akin. Sa taong nanakit sa 'yo nang sobra. Gusto kong bumalik ka sa akin pero ayokong mapilitan ka. Tama ka at mali ako, kung talagang mahal kita hahayaan kitang mag-grow nang hindi ako kasama," malungkot nitong saad.
Tumulo ang luha niya dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam na dinibdib nito ang sinabi niya rito noon. Kung alam lang nito na hindi pa man ito nakakatagal na nawawala nang umalis ito sa kuwarto niya ay hinabol niya ito. Umasa siya na muli siyang pupuntahan ni Tristan at susuyuin pero hindi na nangyari hanggang sa nakaalis na siya. Nang nasa ibang bansa na siya, walang ibang laman ang isip niya kung hindi ito.
"I love you so much, Amelie. At handa akong patunayan na mahal kita kahit pa ang kapalit n'yon ay ang saglit na mawalay ka sa akin."
"Oh, Tristan!" Sumubsob na lamang siya sa dibdib nito at doon umiyak nang umiyak.
Muli siya nitong niyakap at humiwalay sa kaniya nang tumunog ang telepono sa sala. Nakakunot ang noong nilingon nito ang pintuan ng kusina palabas sa sala pagkatapos ay sa kaniya. Parang nag-aalangan pa itong umalis at iwanan siya. Sa bandang huli ay bumuntonghininga ito at nagtungo sa sala para sagutin ang telepono.
Siya naman ay muling hinarap ang niluluto niya. Kasalukuyan niyang kinakayod ang ilalim ng sinasangag niyang kanin dahil sa nababad na sa apoy nang humahangos na bumalik sa kusina si Tristan at bigla siyang hinila.
Nagulat naman na napalingon siya rito.
"You're real!" nanlalaki ang mga matang anito. Nagsasalimbayan ang mga emosyon sa mga mata nito. Nabitiwan ni Amelie ang sandok nang bigla na lamang siyang kabigin ni Tristan at kuyumusin ng halik sa labi. Nagulat man sa ginawa ng asawa ay mabilis naman siyang tumugon sa halik nito. Hinihingal silang naghiwalay. "Totoo ka nga. Sh*t."
Kumunot ang kaniyang noo. "Ano'ng ibig mong sabihin? Kagabi pa ako nandito—Teka, hindi ka naniniwalang totoo ako?"
"No, yes—I mean . . . I thought you we're . . . why are you here?" hindi malamang sabi nito.
Siya naman ang nangunot ang noo at napalabi. "Ayaw mo ba akong naririto—"
"Of course not!" mabilis na putol nito sa sasabihin niya.
"E, bakit gan'yan ang reaksyon mo?" nakasimangot na tanong niya.
"Kasi . . ." Muli itong bumuntonghininga bago nagsalita, ". . . a-akala ko imahinasyon lang kita. Akala ko gaya ng mga karaniwang araw na nakikita kita pero hindi ka totoo. Tapos tumawag si Mommy, itinatanong kung kumusta tayo."
Para namang may humaplos sa puso niya sa mga naririnig mula rito.
Ginagap niya ang kamay ni Tristan at inilagay sa kaniyang pisngi. "Totoo ako, Tristan. Totoong nasa harapan mo."
"Bumalik ka . . ."
Ngumiti at tumango siya rito.
"God, binalikan mo ako." Niyakap siya ni Tristan. "I love you, Amelie. I love you. Miss na miss kita, nang umalis ka ay halos mabaliw ako," anas nito.
"Bumalik na ako."
"Hindi ka na aalis?" tanong nito na puno ng pakiusap ang mga mata.
Nakangiti siyang umiling. "Hindi na. Isa pa, kailangan ka rin ng anak natin."
Muli siya nitong niyakap pagkatapos ay biglang nanigas at muli na naman siyang inilayo. "What do you mean?" tanong nito sa kaniya.
Pinahid niya muna ang luha bago hinaplos ang maliit na impis sa kaniyang tiyan. "Wala, e, nakabuo ka bago ako makaalis," aniya na nakangiti.
Nanlaki ang mga mata ni Tristan pagkatapos ay tuwang-tuwang binuhat siya na ikinatili niya.
"Magiging tatay na ako . . . again," anito.
Naluluhang napangiti siya.
"I love you . . ." aniya rito.
"I love you too, Amelie."
End.
BINABASA MO ANG
MY CHEATING HEART (completed)
RomanceDesperate times calls for desperate measures. Kaya naman nang malaman ni Amelie ang planong pakikipag-live in ni Tristan sa iba ay plinano niyang pikutin ito. ------- "You planned it!" nagulat siya at napatingin sa pinto. Naroroon si Tristan at gali...