Chapter 19
PINALOBO niya ang pisngi sabay buga ng hangin, lumikha iyon ng 'brrrr' sound. Inip na siya. Bukod doon ay kanina pa rin siyang pinapapak ng mga lamok na tuwang-tuwa 'ata sa dugo niya dahil nakakailang balik na.Malakas siyang napabuntonghininga, alas-onse na. Namimintig na ang mga hita niya sa pag-upo sa baitang ng hagdan dito sa fire exit, tagaktak na rin ang pawis niya. Tumayo siya at nag-unat. Nakangangawit ang ilang oras na pag-upo. Tagal naman kasing magsialis ng mga bisita ni Tristan, gusto na niyang mahiga dahil maaga pa rin ang alis niya bukas.
Kailangan niya pa ring ayusin sa cup board ang mga pinamili niya bago siya magpahinga.
Nag-ring ang cellphone niya. Ang lola niya ang tumatawag.
"'La?" bagot na sagot niya sa lola, 'di niya rin napigilan ang paghikab.
"Hello, Amelie? Nagising ba kita, apo?" tanong ng lola niya.
Naupo siyang muli sa baitang ng hagdan. Kung alam lang ng lola niya na antok na siya pero 'di niya magawang matulog dahil wala siyang tutulugan. Abo't abot nga ang panalangin niya na sana 'wag maisipan ng mga kaibigan ni Tristan na mag-overnight sa unit nila.
Nila . . . Oo, inaari niya na rin ang mga pag-aari ni Tristan. Asawa siya, e! Kasal sila kaya natural lang 'yon. Hindi rin naman niya ipagdadamot ang mga mayroon siya. Willing na willing siyang i-share iyon sa asawa.
"Hindi naman po, 'La. Bakit po pala kayo napatawag?"
Gabi na. Unusual na gising pa ang lola niya sa mga ganitong oras dahil maaga itong natutulog.
"Eyy . . . nagising ako," anito.
Sabagay nga, mababaw lang ang tulog ng matanda kaya nga ni minsan ay 'di niya pa nagagawang tumakas dito sa gabi dahil bubuksan niya pa lang ang pinto niya ay naririnig na nito.
"Matulog na ho ulit kayo," aniya rito at bahagyang napangiti. Nami-miss niya na ang lolo at lola niya. Bukas makikita niya na ulit ang mga ito. Kaso saglit lang din siya. Sa bakasyon aayain niya si Tristan na umuwi sa fiesta.
"Oo. Matutulog na nga ulit. Naalala ko lang na baka makalimutan mong umuwi. Birthday ko na bukas."
Natawa siya sa matanda. Naisip niyang biruin ito.
"Ay naku, 'La. Buti at pinaalala mo. Nawala na sa isip ko!" kunwa'y turan niya rito.
Nai-imagine niya na ang pagsimangot ng lola niya at ang paghampas nito sa lolo niya na malamang ay nasa tabi nito.
"Wala kasing laman ang utak mo puro si Tristan!" nagtatampong pagalit nito sa kaniya.
Malakas siyang natawa. Napailing na lang siya. Wala naman 'atang hindi nakaaalam ng pagsinta niya kay Tristan.
"Si lola naman hindi na mabiro. Makalilimutan ko ba naman po iyon? Uuwi nga po ako bukas."
"Ikaw lang? E, ang asawa mo? Si Tristan, kasama mo ba?" tanong ng lola niya na ikinakamot niya sa noo.
"Eh, 'La, may trabaho po si Tristan," pagtatanggol niya sa asawa. Nalaman niya na ayaw niya pa lang nagiging masama ang pagtingin ng iba kay Tristan.
"Linggo bukas, Amelie," sansala ng lola niya sa dahilan niya.
Napangiwi siya. Sablay ang dahilan niya. Oo nga naman, Linggo bukas at walang pasok sa opisina, pero nang mabanggit niya kay Tristan na uuwi siya kanina ay wala naman itong sinabi. Nakahiyaan niya na ring ayain ito, feeling niya kasi wala pa siyang 'K'. Asawa lang naman kasi siya sa papel.
"Eh, 'La . . . alam niyo naman ang trabaho n'yon, medyo demanding." Nakagat niya na lang ang pang-ibabang labi. Ayaw niyang magsinungaling sa lola niya, pero ayaw niya rin namang maging masama ang tingin nito kay Tristan.
BINABASA MO ANG
MY CHEATING HEART (completed)
RomanceDesperate times calls for desperate measures. Kaya naman nang malaman ni Amelie ang planong pakikipag-live in ni Tristan sa iba ay plinano niyang pikutin ito. ------- "You planned it!" nagulat siya at napatingin sa pinto. Naroroon si Tristan at gali...