Chapter 25
NAIHAIN na ang mga pagkain na in-order sa kanila, pero parang hindi kayang lunukin ni Amelie ang mga iyon. Thinking na pera ni Dave ang pinambili ro'n, pero kinukutya naman ito ng mga kumakain. Hindi niya masikmura. Kinawayan niya ang waiter at nanghingi ng tubig dito.
"Ayaw mo ba sa pagkain?" tanong ni Drake sa kaniya nang mapuna nitong hindi siya kumakain. Hindi niya naman ito pinansin at inirapan lang na ikinataas ng kilay nito sa kaniya. "Badmood ka, 'te?" pang-aalalaska pa nito.
"Do you want something else?" tanong naman ni Tristan sa kaniya na himalang napansin siya samantalang kanina pa ito tila aliw na aliw makipagkuwentuhan kina Sunny at Eve na halos hindi na siya napapansin ng mga ito.
Pinipilit naman ni Drake na isali siya sa usapan kaya panay ang tanong nito sa kaniya, pero obvious na ayaw siyang isali ni Eve dahil panay ang bukas nito sa topic na wala naman siyang kinalaman. Sabagay magkaiba naman kasi ang circle of friends nila, pati ang mga trip nila. Kaya madali kay Eve na iparamdam sa kaniyang hindi siya belong sa grupo ng mga ito.
Umiling lang siya sa tanong ni Tristan.
"Hind pa ba tayo uuwi?" yamot na tanong na niya na halatang ikinagulat ng mga ito, nangunot pa ang noo ni Tristan. "May mga assignment pa akong gagawin," dagdag niya pa.
Bahagyang dumilim ang mukha ni Tristan, mukhang nainis ito sa inasta niya. Naiinis din naman siya na nagmumukha siyang tanga ro'n kaya ayos lang. Kumuha ng tissue si Tristan at pinunasan ang bibig.
"Punta lang ako sa restroom then aalis na tayo," paalam nito saka tumayo na.
Natahimik naman silang mga naiwan doon dahil sa bigat ng hangin siguro. Si Eve ang unang nag-react.
"Poor Tristan . . ." iiling-iling na anito.
Naningkit naman ang mga mata niya sa sinabi ni Eve. Matagal na itong inis sa kaniya noon pa man kaya hindi nakapagtataka na isa ito sa suklam na suklam sa kaniya nang pikutin niya si Tristan. Idagdag pa na best friend ito ni Sunny.
Tinaasan niya ng kilay si Eve. Asar din naman siya rito dahil madalas silang paringgan nito ni Tere sa campus noon.
"May ibig ka bang ipakahulugan do'n?"
"Hey, hey, girls. Awat na, okay?" awat naman ni Drake sa kanila.
Ngumisi si Eve sa kaniya. "Hindi ka naman siguro tanga?"
Nginisihan niya rin ito. "Hindi. At hindi rin ako manhid na kanina mo pang pilit inaalis ako sa eksena para magmukha akong tangang nakatunganga rito sa tabi, kaya nga inaaya ko na ang asawa kong umuwi," aniya na ipinagdiinan ang salitang asawa.
"Ha! The audacity!" 'di makapaniwalang bulalas ni Eve, halatang napikon. "Mapipilit mo ba kaming magustuhan at tanggapin ka?"
Siya naman ang natawa, tawang-tawa siya sa sinabi ni Eve na napahampas pa siya sa lamesa. Namasa pa ang mga mata niya. Nagulat naman ang mga ito sa inakto niya. Maski si Drake ay hindi nakapagsalita. Sina Eve at Sunny naman ay masama ang tingin sa kaniya.
Iiling-iling na pilit niyang huminto sa pagtawa. "Grabe . . ." natatawa pa ring aniya. "Who told you na may pakialam ako kung matanggap o magustuhan niyo ako? Ano'ng tingin mo sa barkadahan niyo? Gold? Eh, pare-pareho naman kayong mga mapagpanggap at plastic, gaya ng kapatid ko na 'yan—"
"Amelie!" natigilin siya nang magsalita sa likuran niya si Tristan.
Madilim ang mukha nitong lumapit sa kinauupuan niya at hinila ang braso niya patayo sa kinauupuan niya.
"Chill lang, 'tol," ani Drake na inalalayan ang kinauupuan niya dahil muntik na iyong matumba.
Hindi naman pinansin ni Tristan si Drake, humarap ito kina Eve at Sunny. "Mauuna na kami," paalam nito na nagtatangis ang bagang.
BINABASA MO ANG
MY CHEATING HEART (completed)
RomanceDesperate times calls for desperate measures. Kaya naman nang malaman ni Amelie ang planong pakikipag-live in ni Tristan sa iba ay plinano niyang pikutin ito. ------- "You planned it!" nagulat siya at napatingin sa pinto. Naroroon si Tristan at gali...