CHAPTER 38

5.6K 161 48
                                    

Chapter 38

"IT'S MY fault," anang tinig ng isang lalaki. Nanginginig ang boses nito at bakas doon ang pagsisisi.

"Sshhh. No. It's not your fault, it was just an accident," pag-aalo ng tinig ng isang babae.

Sa tingin niya ay malapit lang sa kinaroroonan niya ang mga ito. Nais niyang imulat ang mga mata ngunit hindi niya magawa. Hindi niya tuloy makita kung sino ang mga nagsasalita.

Sa kagustuhang gumalaw ay isang ungol ang kumawala sa kaniyang bibig na nakakuha naman ng atensiyon ng mga nag-uusap.

"She's awake! Call a doctor!" anang tinig.

Mga yabag ang sumunod niyang narinig. May mga lumapit sa kaniya at tinitingnan ang kalagayan niya.

Sinubukan niya uling magmulat at sa pagkakataong iyon ay may liwanag siyang nakikita. Pero imbis na makamulat ay nakaramdam siya ng antok hanggang sa bumigat na naman ang talukap ng kaniyang mga mata.

Nang muli siyang magkamalay ay kaya niya nang imulat ang mga mata. Medyo malabo lang ngunit sa ilang pagkurap ay luminaw na ang paningin niya.

Puting kisame ang namulatan niya. May mga aparato sa gilid niya na nakakonekta sa kaniyang kamay at bibig.

Ipinaling niya nang dahan-dahan ang ulo niya para pag-aralan ang paligid.

Huminto ang mga mata niya sa isang taong nakayukyok sa kamay niya sa gilid ng kama.

Sinubukan niya abutin ang ulo nito para gisingin. Mabilis naman itong nagising at nag-angat ng ulo. Nanlaki ang mga mata nito nang makitang nakamulat na siya.

Maganda ang mukha ng babae, makinis iyon at parang pamilyar sa kaniya, pero hindi niya alam kung sino at saan niya ito nakasama kaya kung bakit parang pakiramdam niya'y magkakilala sila.

Tumayo ang babae at tumakbo palabas ng pintuan. Pagbalik nito ay may mga kasama na itong babae at lalaking nakasuot ng lab gown.

Saglit na in-examine siya ng mga ito. Tinanong ng tungkol sa mga nararamdaman niya pero puro lang iling ang sagot niya.

Napatingin siya sa babaeng nakatayo sa gilid niya at nakamasid lang sa kaniya.

"Amelie . . ." ani ng doctor at tinapik siya sa braso.

"Amelie?" ulit niya. Siya ba ang tinawag nito? Teka ano ba'ng pangalan niya?

Nagkatinginan ang doctor at ang nurse, napalapit na rin ang babaeng kanina ay na sa 'di kalayuan.

"Amelie ang pangalan mo, hindi mo ba naalala?" malumanay na tanong ng doctor.

Inisip niya kung may naaalala siya tungkol sa pangalang iyon pero wala siyang makapa sa isip.

Umiling siya.

"What is happening?" tanong ng babae sa tabi niya.

"I'm not sure yet, Sunny. I need to run some test," anito saka bumaling sa nurse. "Schedule the patient for MRI and CT scan."

"Yes, doc."

Muling humarap sa kaniya ang doctor.

"Do you know that lady next to you?" malumanay na tanong nito sa kaniya na itinuro pa ang tinawag nitong Sunny.

Bumaling siya sa babaeng tinawag nitong Sunny. Tinitigan niya ito nang matagal. Ayon na naman ang pakiramdam na kakilala niya ito ngunit hindi niya maalala. Umiling siya. Nagkatinginan naman ang dalawa.

"W-What does it mean, doc?" naguguluhang tanong ng babae sa doctor.

Hindi naman ito sumagot bagkus ay tinanong pa siya ng ilang mga bagay, tungkol sa mga naaalala niya bago siya magising. Ang pangalan niya, ang edad niya. Biglang sumakit ang ulo niya dahil hindi niya masagot ang mga tanong nito.

MY CHEATING HEART (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon