CHAPTER 49

6.6K 198 25
                                    

Chapter 49

"HI," bati ni Sunny. Agad na tumayo ito pagkakita sa kaniya. Alanganin ang ngiting nakapaskil sa labi nito, tila nananantiya.

Tipid ang ngiting ibinalik niya sa dalaga. Napahimas siya sa batok niya. Wala pa siyang ligo o kahit hilamos man lang. Hindi pa rin siya nakakapag-ahit ilang araw na. Dalawang araw na siyang nagkukulong sa bahay nila. Nakahiga sa kama habang binibilang ang mga gumagapang na langgam sa kisame niya.

Si Amelie ang naiisip niya. Hindi na kasi sila ulit nakapag-usap pagkatapos niyang akyatin ang bahay ng mga ito at makausap ito. Wala pa siyang balita sa asawa, sa totoo lang ayaw niya munang makibalita. Ayaw niya munang isipin na aalis si Amelie at kailangan na muna nilang maghiwalay. Na kung hanggang kailan, hindi niya pa alam.

Mas gusto niyang isipin na naroroon lang ito, naghihintay na uwian niya.

"You look . . . awful," ani Sunny.

Mahina siyang natawa. Maski ang mommy niya iyon din ang sinabi sa kaniya. Medyo nakaramdam siya ng hiya.

"Ano palang sadya mo?" tanong niya na lang para pagtakpan ang pagkahiya niya.

Mapait na ngumiti si Sunny. "Hindi mo man lang ba muna ako kukumustahin?" nagbibirong anito, nakangiti ito pero ang mga mata ay may bahid ng lungkot.

"Kumusta ka pala?" Napamura siya nang lihim. Para siyang gago.

Nakakintinding ngumiti naman si Sunny. "Well, I'm much better than before. Nakapag-usap na kami ni Ate Amelie at nagkapatawaran. Inihingi ko ng sorry sa kaniya ang lahat ng kagagahang nagawa ko."

Marahan siyang tumango. Nakaramdam na naman siya ng pangungulila sa asawa nang marinig ang pangalan nito.

"Nabalitaan kong nagpunta ka roon? Nagkausap na kayo?"

Naupos siya sa harap ng sofa na kinauupuan nito. "Yeah."

"Alam mo na rin na aalis siya?"

"Mhmm," nakayukong sagot niya.

"Hindi mo ba siya pipigilan?"

"Why would I? Kailangan niya ng panahon para sa sarili niya . . . at hindi ko kayang ipagdamot sa kaniya ang bagay na iyon."

"So, okay lang sa 'yo kahit ang plano ni Tita ay ipakilala si Amelie sa anak ng magiging boss niya?"

Napaangat ang mata niya kay Sunny. "What?" kunot na kunot ang noong tanong niya rito. Hindi niya alam kung nabibingi lang ba siya o tama ang narinig niya. Si Amelie? Ipakikila sa iba?

"I heard Tita talking to Dad. Nalaman kasi ni Dad na balak ni tita na ipakilala si Amelie sa iba para tuluyang makalimot."

"Pero kasal kami!" hindi niya napigilan ang pagtaas ng boses niya. Napapasok ang mommy niya mula sa garden nang marinig ang pagsigaw niya.

Ramdam niya ang pag-iinit ng mukha at leeg niya sa galit.

May mali siya, oo. At galit sa kaniya ang biyenan niya pero paano nito naisip na ibuyo si Amelie sa iba gayong alam naman nitong kasal sila ni Amelie?

"Tristan, ano na naman ba 'yan? Nagtatalo ba kayo?" nag-aalalang tanong ng mommy niya.

Hindi niya naman ito pinansin. Tumalikod siya at tinungo ang kuwarto niya. Kailangan niyang bawiin ang asawa!

Mabilis siyang naligo at nagbihis. Hindi niya rin kinalimutang mag-ahit. Kahit kabado sa pagpunta niya sa asawa ay hindi naman mawala sa kaniya ang excitement na makita itong muli.

Nadaanan niya pa si Sunny sa sala kausap ang mommy niya. Humalik lang siya sa ina at kinuha ang susi niya. Napabuntonghininga na lang ang mommy niya pero hindi na siya pinigil. Nag-drive siya papunta sa asawa.

MY CHEATING HEART (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon