Chapter 32
PARANG pinagbagsakan ng langit ang pakiramdam ni Amelie nang dumating ang buwanang dalaw niya.Ang ibig sabihin n'yon ay hindi pa siya buntis ulit. Hindi pa nagbubunga ang araw-araw na pagsisiping nila ni Tristan.
Naiyak na lang siya habang hawak ang panty niya na may spot ng dugo. Bakit ba ang damot-damot ng pagkakataon sa kaniya? Bakit kung kailan kailangan niyang mabuntis saka pa siya hindi mabuntis-buntis?
Dali-dali niyang nilab'han ang panty niya dahil natatakot siyang makita iyon ni Tristan at mabuko siya.
Buti na lang at wala pa ang asawa niya. Kumuha siya ng napkip at short. Pinatungan niya pa ng pajama ang short niya para hindi mahalata ang napkin niya.
Nang dumating si Tristan ay nagpanggap siya na masama ang pakiramdam para naman hindi siya nito kulitin na may mangyari sa kanila. Paniwalang-paniwala naman ito at alalang-alala sa kaniya kaya naman nakukuntento na lang ito sa paghimas-himas sa braso at dibdib niya tuwing gabi.
Ilang araw siyang nagpanggap hanggang sa tuluyang nawala ang buwanang dalaw niya. Buti na lang at regular na tatlong araw lang siya kung datnan.
Sana naman ay mabuntis na siya sa susunod na buwan, iyon ang hiling niya bago pa man mapansin ni Tristan na hindi lumalaki ang tiyan niya.
Minsan na nito iyong naitanong, sinasabi niya na lang na baka maliit siyang magbuntis na lagi naman nitong pinaniniwalaan.
Mabilis lumipas ang mga araw at naging magaan ang bawat araw na halos makalimutan niyang hindi naman siya buntis.
Dahil sa sayang naidudulot sa kaniya ng pagsisimula nila ni Tristan halos mapaniwala niya na rin ang sarili sa mga nilikhang kasinungalingan.
Idinarasal niya na sana paggising niya totoo ang lahat. Dahil hanggang ngayon kahit walang araw na hindi siya nagiging masaya naroroon pa rin ang takot at pangamba.
Lumipat na sila ng bagong bahay nila at nagpasya si Tristan na paupahan na lang ang condo nito para may pandagdag na income. Tuluyan na rin siyang huminto sa pag-aaral.
Ayon na rin kay Tristan dahil baka raw matagtag siya sa pagpasok sa university. Hindi naman siya tumutol dahil gusto niya ring iwasan sina Sunny at Dave.
Nakarinig siya ng busina mula sa labas. Napangiti siya dahil alam niyang si Tristan iyon. Hinubad niya ang apron at isinabit. Nagpunas siya ng kamay. Katatapos niya lang ihanda ang hapunan nila. Ganito na ang naging routine niya araw-araw kahit pa si Tristan pa rin ang gumigising ng maaga para ipaghanda siya ng almusal. Para naman daw hindi siya gaanong kapagod at hapunan na lang ang kailangan niyang asikasuhin.
Gusto ring kumuha ni Tristan ng katulong para may nakakasama siya pero tumanggi siya. Sinabi niyang saka na kumuha ng katulong kapag malaki na ang tiyan niya.
Ayaw niyang may ibang tao siyang makakasama. Siguro dahil sa may itinatago siyang lihim kaya naman napapraning siya.
Lumabas siya ng kusina at sinalubong ang asawa sa pintuan. Nakangiti na ito at sinalubong siya ng halik sa labi bago yuyuko at hahalik sa tiyan niya. Nasasanay na siya sa ganoong gawi nito kahit noong una ay naiilang siya.
"How's your day?" malambing na ani ng asawa niya. Inakbayan siya nito.
Ngumiti siya at kinuha mula rito ang office bag nito.
"Great! Nagluto ako ng paborito mo," masiglang aniya rito.
Ganoon sila araw-araw. Isang masayang mag-asawa na nagmamahalan. At araw-araw din hinihiling niyang huwag ng matapos ang lahat ng iyon.
BINABASA MO ANG
MY CHEATING HEART (completed)
RomanceDesperate times calls for desperate measures. Kaya naman nang malaman ni Amelie ang planong pakikipag-live in ni Tristan sa iba ay plinano niyang pikutin ito. ------- "You planned it!" nagulat siya at napatingin sa pinto. Naroroon si Tristan at gali...