CHAPTER 14

3.5K 134 9
                                    

Chapter 14

NAGISING si Tristan ng alanganing oras. Nakaramdam siya ng uhaw. Binuksan niya ang lampshade sa tabi niya. Alas-dos na ng madaling araw ayon sa alarm clock niya.

Tumayo siya at lumabas ng silid. Nais niyang kumuha ng tubig sa kusina.

Patay ang ilaw sa sala pero bukas naman ang nasa kusina, iyon ang nagbibigay ng bahagyang liwanag sa sala.

Kita niya si Amelie na nakahiga sa sofa bed niya. Nakatalukbong ito ng kumot. Napasimangot siya at nilagpasan ito.

Dumiretso na siya sa kusina. Maliit lang naman ang kusina niya. Hindi niya naman kasi iyon ginagamit. Madalas na take out food lang ang kinakain niya o kaya'y nagdadala si Sunny ng lutong ulam na ito mismo ang nagluto.

May kirot na dumaan sa kaniyang puso nang maalala ang dating kasintahan. Huling nakausap niya ito ay ang gabi ng honeymoon niya. Pinilit niyang makipagkita sa kaniya si Sunny. Pumayag ito at nagtungo sila sa park.

Nakiusap siya rito na lumayo na lang sila. Ilang beses niya iyong ginawa bago pa ang kasal nila ni Amelie pero matigas si Sunny kahit pa sinabi niya na rito ang totoo na pinikot lang siya ng kapatid nito.

Nang umaga na mahuli silang magkasama ni Amelie sa iisang silid ay kinausap siya ng mga magulang. Sinabi niya sa mga ito ang totoo, pero hindi naniwala ang mga ito sa kaniya. Lalo na nang sabihin ni Sunny na alam nitong may relasyon siya at si Amelie. Kaya mas lalong hindi siya pinaniwalaan ng mga magulang.

Hindi niya alam kung bakit iyon ginawa ni Sunny. Hindi niya alam kung bakit ito nagsinungaling.

Sa galit niya sa sitwasyong kinasusuungan at sa sakit na nararamdaman dahil para lang siyang kuting na ipinamigay ni Sunny ay pumayag siyang magpakasal kay Amelie.

He knows it was a mistake and that he will regret it eventually. But at that moment, he wants to get even. The pain and humiliation Amelie put him through make him want to make her life a living hell.

Siguro sa likod ng puso niya ay gusto niya ring gantihan si Sunny dahil sa ginawa nitong pagpapaubaya sa kaniya sa kapatid nito. Hinuha niya kasi na kaya iyon ginawa ni Sunny dahil hindi naman lingid dito na may gusto sa kaniya ang kapatid.

Sunny is too kind hearted. Mahal na mahal nito si Amelie. Naikukuwento nito sa kaniya na ilang beses na nitong sinusubukang ilapit ang sarili kay Amelie pero masyadong matigas si Amelie, ayaw nitong papasukin ang kapatid.

At siya siguro ang ginawa ni Sunny na paraan para mapalapit sa kapatid. Mas mahal ni Sunny si Amelie kaysa sa kaniya.

Imbis na tubig, kinuha niya na lang ang isang beer in can. Hindi na lang puro alak at tubig ang laman ng ref niya. May mga stock na ng pagkain doon. Kumpleto lahat.

Simula nang dumating si Amelie sa condo niya ay marami na ang nagbago. Mas nagmukha na itong tahanan. Nadagdagan na rin ng mga gamit sa kusina. Nagkaroon ng mga kurtina ang bintana. May mga throw pillow na rin ang sofa.

Pabalik na siya sa kuwarto niya nang mapadaan siya sa sala at makarinig ng mahinang mga ungol. Napakunot ang noo niya. Nanggagaling ang mga ingit kay Amelie. Binuhay niya ang ilaw sa sala at binalikan si Amelie. Nakatalukbong ito ng kumot. Gusto niya sanang dedmahin ito pero pinipigil siya ng konsensiya niya.

Mas lumapit pa siya kay Amelie, dito nga nanggagaling ang pag-ingit na naririnig niya kanina. Nilapitan niya ito at niyugyog pero umungol lang itong muli. Tinanggal niya ang kumot na nakatalukbong sa asawa.

Asawa.

Napailing na lang siya. Two months ago, pinaplano na niyang mag-loan para makabili ng lupa at kapag nakaipon ay patatayuan ng bahay. He was planning his future with Sunny. Gusto niyang ito ang maging maybahay niya kahit alam niyang bata pa naman sila at marami pa itong nais marating sa buhay. Hindi niya hahadlangan anuman iyon, kaso hadlangan niya man o hindi malabo na sila ni Sunny at dahil iyon kay Amelie.

MY CHEATING HEART (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon