CHAPTER 51

7.2K 210 14
                                    

Chapter 51


IT'S been three months since Amelie left. Masakit at hanggang ngayon hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang sakit na nararamadaman niya. Amelie take his heart with her when she left him. And now, para siyang robot na nakaprogramang huminga at gumalaw.

Nabubuhay at kumikilos siya ayon na lang sa dikta ng pagkakataon. Bumalik si Tristan sa trabaho. Nanatili siya sa bahay nila ni Amelie. Their home doesn't feel home anymore. There's something missing. Somewhere felt empty.

Ganito na nga siguro talaga ang magiging buhay niya. Kung makakaya niyang makapag-move on, hindi niya alam. Nilinaw ni Amelie na wala na sila. Ayaw niya itong pilitin dahil ngayon na-realize niyang kung mahal niya talaga ito, hahayaan niyang mag-grow ang asawa sa paraang gusto nito . . . ang magkalayo sila. Mahirap, sobrang hirap. Pero magtitiis siya para kay Amelie.

"'Tol, sama ka naman. Night out. Friday naman, e, walang pasok bukas," aya ni Carlos, officemate niya.

Nginitian niya ito habang inaayos ng mga gamit niya. "Pass muna, 'tol," tanggi niya.

"Sus, lagi ka na lang pass, 'di ka na namin nakakasama. 'Di ba nasa bakasyon naman ang asawa mo? Sama ka na, minsan lang naman," pilit pa nito sa kaniya.

Wala namang nakakaalam sa opisina nila ukol sa sitwasyon nilang mag-asawa. Hindi siya mahilig magkuwento pero minsan natanong siya ng mga ito tungkol kay Amelie. Sinabi niya na lang na nagbabakasyon ito kasama ng mommy nito.

"Next time na lang talaga, p're," aniya at tumayo na. Kakamot-kamot naman sa ulo si Carlos dahil sa pagtanggi niya.

Bumaba na siya sa parking lot at sumakay sa kotse niya. Sakto namang nasa intersection na siya nang tumawag ang mommy niya. Kinuha niya ang headset niya bago sinagot ang tawag.

"Yes, Mom?" sagot niya sa kabilang linya.

"How are you, hijo?" malambing at masuyong tanong ng ina. Somehow, it's softened his heart.

Napangiti siya. Alam niyang nag-aalala ang mommy niya at hindi bumebenta rito ang pinapakita niyang katatagan. Siguro nga alam ng ina ang totoong nararamdaman ng anak nito. Alam nito marahil na kahit nakangiti siya ay may malalim pa ring lungkot na nakabalot sa kaniya.

"You know how I am, Mom, don't you?" malungkot na sagot niya na binuntutan ng pekeng tawa. Sa mommy niya hindi niya nagagawang itago ang nararamdaman.

"Tristan . . ." buntonghininga ng mommy niya. Nakikisimpatya ito sa pinagdaraanan niya at kahit ga'yon man ay ipinagpapasalamat niyang hinahayaan siya nitong mag-isa. Hindi ito nagpupumilit na umuwi siya sa kanila o puntahan siya nito. His mom gave her space he needed to.

"Bakit po pala kayo napatawag?" tanong niya para mabago na ang usapan nilang dalawa.

"Just want to check on you kung nakita mo na—"

Nangunot ang noo niya nang mawala sa kabilang linya ang mommy niya. Nang silipin niya ang phone niya ay nakita niyang lobat na pala ito. Nagkibit-balikat na lang siya. Sa bahay niya na lang ulit tatawagan ang mommy niya.

Nang makarating sa bahay ay napansin niyang bukas ang ilaw sa loob. Siguro nakalimutan niyang patayin kaninang umaga bago siya umalis. Nagmamadali kasi siya dahil tinanghali na siya ng gising kanina. Bumaba siya at binuksan ang gate. Napansin niya namang naka-open na iyon. Siguro kailangan na niyang kumuha ng maid para may nag-aasikaso sa bahay kapag nasa office siya. Dalawang beses sa isang linggo naman ay may pumupuntang house cleaners sa bahay niya para maglaba at maglinis. Hindi niya naman kasi magagawa 'yon.

Pagkaparada ng kotse niya sa loob ng garahe ay muli siyang bumaba at sinara niya ang gate. Pumasok siya sa loob ng bahay. Ayun na naman ang pamilyar na amoy ng nilulutong ulam at kalansing ng mga gamit sa kusina.

Kaya gusto niya laging maagang umuwi dahil dito sa bahay nakakasama niya si Amelie kahit sa imahinasyon man lang. Miss na miss niya na ito. Kahit ang tinig man lang sana nito marinig niya, ngunit kapag tumatawag siya sa telephone nito sa ibang bansa ay lagi na lang mommy nito ang nakakausap niya at lagi rin siyang bigo. Galit pa rin kasi ang biyenan niya sa kaniya.

Niluwagan niya ang kurbata niya at ibinaba ang suit niya sa seetee. Tinungo niya ang kusina. And there she was again. Nagluluto. Pero alam niyang saglit lang iyon at mawawala rin. Nanatili siyang nakatayo sa pintuan ng kusina at nakatitig sa likuran nito. Hinihintay na maglaho iyon. But this time it took longer than before. Napasinghap pa siya nang lingunin siya nito. Ngumiti sa kaniya. Parang gusto niyang maiyak. Agad na nag-init ang sulok ng mga mata niya. God, he missed her so much that it hurt him so bad, so so bad, that he wanted to touch that apparition.

And he did. Hindi na niya namalayan na nakalapit na siya. Nasa harap na siya nito and thank to all the god and goddesses, hindi ito nawawala sa harap niya. If it's a dream, okay lang kahit 'di muna siya magising.

"I've missed you . . ." he said with cracked voice.

Ngumiti rin ito nang may pangungulila sa mga mata. Tumaas ang kamay ni Amelie at napunta sa pisngi niya. Para siyang nanghihina dahil parang totoong-totoo ang init na nararamdaman niya. Halos pigil niya na ang sariling huwag huminga sa takot na mawala ito nang parang bula sa harap niya o baka magising siya.

"Miss na miss rin kita, Tristan . . ."

Even Amelie's voice seems real. Hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa pisngi niya at dinala iyon sa mga labi niya. Hinalikan niya iyon at hindi niya napigil ang mapaluha. Bakit ba siya nagtitiis lang na i-imagine ito? Puwede naman niya itong sundan. Kahit hindi siya magpakita rito, kahit matanaw man lang ito sa malayo.

Tama, 'yon ang dapat niyang gawin. Bukas na bukas ay aayusin niya ang visa at passport niya, magpapaalam na rin siya sa boss niya na magle-leave siya. Pupuntahan niya ang asawa kung saan man ito naroroon. Dahil hindi niya na kaya. Mababaliw na siya sa pangungulila rito.

Sa ngayon ay hahayaan niya muna ang sarili niya na enjoy-in ang nangyayari ngayon. They had dinner, they watched a movie, they went to bed together, and they did all the things that they were doing before.

Natulog siya na yakap ito sa bisig nito. Sa nakalipas na mga buwan, iyon ang unang gabing nakatulog siya nang mapayapa at hindi nilulunod ang sarili sa alak.

MY CHEATING HEART (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon