Chapter 34
PABABA na si Tristan ng hagdanan kaya naman mabilis na ibinaba ni Amelie ang telepono."Natawagan mo na?" tanong nito sa kaniya. Ang tinutukoy naman nito ay ang OB na pagpapa-check-up-an niya.
"O-Oo," sagot niya. "Ang kaso may emergency raw si Doktora, pina-resched na lang first week next month," aniya rito habang dinadasal na sanay paniwalaan nito. Kanina pa siyang kabado. Kaya nga sinamantala niya na naliligo na ito sa itaas nang bumaba siya at tumambay sa tabi ng telepono.
"Hindi ba puwedeng sa ibang OB ka na lang magpa-check up? Baka puwedeng manghingi ng referral, sayang naman kasi ang leave ko."
"Tinanong ko nga rin ang kaso nasa kanila ang mga records ko," kinakabahang sagot niya. "Edi umuwi na lang tayo sa San Simon para makapagbakasyon at hindi na rin masayang ang leave mo." Pilit niya itong nginitian.
Saglit na tila nag-isip ito saka tumango. "Pero next time kapag d-in-elay ka pa ng OB, lumipat ka na ha? Importanteng maging regular ang check niyo ni baby," anito, naupo sa tabi niya at inakbayan siya. "Paniguradong matutuwa si Mommy kapag nalamang buntis ka na, pero paniguradong sesermunan ako n'yon dahil nahinto ka sa pag-aaral," natatawang anito. Masuyo pa nitong hinaplos ang tiyan niya.
"'W-Wag na kaya muna nating sabihin?"
"Magtatampo si Mommy. Saka malalaman at malalaman din naman nila kaya wala namang pinagkaiba kung sasabihin na natin sa kanila."
Hindi na lang siya umimik dahil baka kuwestiyunin pa siya nito.
"Ihahanda ko na ang gamit natin," aniya na ang gusto lang ay makaiwas sa topic.
Nagtanghalian lang sila sa bahay pagkatapos ay bumiyahe na rin pauwi sa San Simon. Kinakabahan siya sa totoo lang dahil alam niyang kakailanganin na namang niyang magsinungaling sa mga magulang nila. At ang bigat niyon sa dibdib niya. Ayaw niya namang manloko ang kaso naiipit na siya sa sitwasyon.
Pinilit niyang hindi magpahalata kay Tristan, nakikipagkuwentuhan siya rito na parang normal lanag ang lahat.
Gabi na nang makarating sila sa San Simon. Dumaan na muna sila sa bahay ng lola niya bago tumawid kina Tristan. Noong nakaraan kasi ay nagtampo ito dahil mas nauuna silang bumaba sa bahay ng mga biyenan niya.
Nagulat pa siya nang naroroon ang mommy niya. Napansin niyang matabang ang pakikitungo ng mommy niya kay Tristan at halatang napansin din iyon ni Tristan dahil hindi ito bumanggit ng kahit anuman sa pagbubuntis niya kaya hindi na rin siya bumanggit saka agad na rin silang nagpaalam, nagpakita lang talaga sila.
Nasa sala ang mga magulang ni Tristan, Tere, at Kuya Travis nang pumasok sila sa bahay. Nanonood ang mga ito ng teleserye. Nagulat ang mga ito nang makita sila.
"Oh, napasugod kayo?" natutuwang ani Mommy Bianca na agad lumapit sa kanila at sinalubong siya ng yakap.
"Nag-leave ako ng one-week para makapagbakasyon kaming mag-asawa."
Nagtinginan naman ang mga ito. Wari'y nagtataka.
"Anniversary niyo ba? May one year na ba kayo?" tanong ni Kuya Travis na nakaakbay kay Tere sa sofa.
Siniko naman ito ni Tere. "Ano ka ba? Ngayong taon lang sila ikinasal, 'di ba?"
Napaisip naman si Kuya Travis saka tumango-tango. "Oo nga pala," sang-ayon nito kay Tere.
"Well, gusto rin kasi naming magbakasyon at isa pa . . . Amelie is pregnant," ani Tristan.
Nanlaki naman ang mga mata ng mga tao sa harap nila. Samantalang siya naman ay abo't abot ang kaba. Pinagpapawisan siya nang malamig at parang nais niyang lumubog na sa kinatatayuan niya. Sabay-sabay na tumingin sa kaniya ang mga ito at sabay-sabay ring bumaba sa tiyan niya. Sinadya niya namang magsuot ng maluwag na t-shirt at leggings para hindi humapit sa katawan niya ang damit at hindi rin mapansin ng mga ito na wala pang umbok sa tiyan niya.
BINABASA MO ANG
MY CHEATING HEART (completed)
RomanceDesperate times calls for desperate measures. Kaya naman nang malaman ni Amelie ang planong pakikipag-live in ni Tristan sa iba ay plinano niyang pikutin ito. ------- "You planned it!" nagulat siya at napatingin sa pinto. Naroroon si Tristan at gali...