Chapter 23

40 24 1
                                    


"Ano ba kasi 'yan, bakit masyado kang busy sa Cellphone mo?" tiningnan ko naman sila Axton kanina pa niya kasi kinukulit si Nixon.

"Baka katext niya si Asteria." sabat naman ni wesley, ngumisi lang ako habang umiinom sa frappe kong Binili ni earvin kanina.

nakikinig lang ako sakanila Lalo na sumabay na din sila Primrose at stella sa pang tutukso.

"Textmate kami." pag mamayabang ni nixon, muntik na din ako matawa pero Hindi ko pinapahalata.

kunwari nalang talaga wala akong alam sa dalawa.

"Sus! asa ka naman no. Replyan ka nga 'di niya magawa, Mahalin pa kaya."

nalaglag naman panga ko sa sinabi ni Stella kay nixon, Matalim naman tumingin tuloy si nixon sakanya.

Inawat na agad ni kesper 'yung dalawa. Akala ko titigil na yung dalawa pero hindi nag patigil si Nixon gumanti pa nang-biro kay stella.

nag meetup lang kami saglit lahat tsaka na kami umuwi dahil Mamayang gabi Birthday party ni stella. gaganapin sa Bahay nila February 28, nag Text ako kay Earvin if pupunta siya. reply lang niya kanina sa 'kin, 'Hindi'

iniwan ko nalang cellphone ko dahil Ayaw ko may bitbit na bag mamaya dadalhin ko lang Gift ko kay Stella. naligo na ako at nag bihis na kaagad nag Makeup ako ng korean style na pinapanood kong sa mga favorite makeup vlogger ko sa korea.

nagpahatid ako sa bahay nila Stella at pag dating ko do'n, may mga Tao na. pinuntahan ko table kung saan seatmate ko mga Friends namin ni stella.

"si Krizia sanicuza 'yon 'di ba? ang ganda pala talaga sa Personal no."

"Uy! grabe parang manika siya in real life!"

Ngumiti lang ako sa naririnig ko sa likod. hindi ko sila nilingon pa, mabuti nalang at dumating na sila Primrose at axton ka'ya may kausap na ako.

"Hayop na mga 'to bakit late." saad ni primrose, natawa lang ako ng mahina wala pa Pinsan ko tsaka si Kaden. si Kesper naman wala din mga late nga dadating mga 'yun.

nung dumadami na mga bisita may lumalapit pa sa Table namin para kausapin si Axton. mga kakilala n'ya, ngumingisi lang ako sa isang Tabi nung may lumalapit na Babae kay axton ka'ya itong si Primrose todo bakod sa Boyfriend niya.

"Chill, para ka naman papatay sa tingin na 'yan." natatawa kong bulong sakanya, Umirap lang si primrose at masama pa din Tingin niya sa babae na lapit ng lapit kay Axton.

"Hindi titigil mga Despradang babae na 'yan, alam naman nila may Girlfriend na si Axton, lalandi pa mga hipon na 'yan. akala mo naman may Pag-asa sila."

natawa lang ako. bagay na bagay talaga 'yung Tatlo na 'to pag may gulo, mga Labanera kasi sila Stella, Primrose, Kesper, ako lang hindi palaban. well, lumalaban din ako if Sasaktan nila ako don ako lalaban talaga.

nu'ng nag simula na dumating na din iba namin kaibigan.

"Grabe 'to! ano 'yung nababalitaan namin lagi may delivery si Earvin sa bahay niyo, kriz." umiling lang ako sa pang kukulit nila Kesper at primrose.

"Nag seselos na kami krizia ah! mas gusto pa n'ya ikaw ang Makasama niya kesa sa amin mga Pinsan niya."

nag tawanan naman lahat dahil sa sinabi ni Axton.

"wag mong sasabihin hindi ka maingay! Kasing ingay mo lang dalawa na 'to." sabat naman ni Kesper. habang tinuturo sila Axton at Nixon.

"Wala 'to guys, hindi nag sasalita alam na this talaga. Lowkey pa niyo." inirapan ko lang si Wesley.

natatawa lang sila kaya ngumisi nalang ako habang sumisimsim sa wine ko. Kahit ano'ng ipaliwanag ko sakanila Hindi talaga maniniwala wala kaming relasyon ni Earvin. mag kaibigan lang talaga kami.

Till The End Of Time (Sanicuza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon