Chapter 33

49 22 2
                                    


"Ano bang problema?" bulong ni francesca sa akin. umiling lang ako kinakausap ko si tito maygo papaano nangyari iyon?! Akala ko ibibigay niya 'yung pera para ibayad ang damage bakit ako 'yung binayaran ngayon? at sobrang laking binigay sa akin!

"nagbibiro lang naman ako Ewan ko ba kakagat pala siya sa offer na sinabi ko," kumunot naman noo ko sa sinabi ni Tito maygo.

Kakagat?

ka'ya mabilis ko siyang tinanong 'kung anong offer ang sinasabi niya.

"sinabi kong Babayarin natin 'yung damage Dahil hindi mo matatanggap 'yung offer na binibigay sayong gaga ka, sinabi ko nalang dahil busy ka. 'yung manager ng relarco tinanong pa sa akin, if puwede ba isingit ang schedule mo sakanila. Well, do'n na nag Simula. sabi kong Malaki ang pera if gusto ka nila kunin as a Muse... Binibiro ko lang." tamad na paliwanag ni tito maygo.

"sinabi ko 10 Million wala naman akong sinabi na 50 Million! nakakaloka nga binigay sa'yo! sobra sobra pa."

wala akong masabi ngayon. sinabi na din ni tito maygo bayad na lahat ang team glam namin. ka'ya mas lalo ko iyon kinagulat, Hiwalay pa ang binigay ni earvin sa akin nagbayad pa siya sa mga Makeup artist ko pati sila francesca and tito maygo... ano'ng pakulo ang gusto niya? bakit niya 'to Ginagawa.

"Oh my gosh! may pang VIP Ticket na ako!" tili pa ni francesca.

sabay naman kaming tatlo nagulat nung bigla may pumasok sa makeup room. ang Manager ng Relarco sinabihan kami gusto daw ako makausap ng mga Relarco.

Bumuntonghininga naman ako, ayaw 'kong tanggapin 'to. ano pa magagawa ko nito if ibabalik ko lahat ng pera binigay ni Earvin. alam 'kong ibabalik din niya sa account ko ulit.

Tumayo na ako para matapos na 'to. tumingin na muna ako sa salamin bago ako pumunta sa meeting room.

Ka'ya mo 'to Krizia, nakamove on kana matagal na. ganon din siya, Trabaho lang.

Hindi ko na puwede ngayong ibalik ang pera dahil nabayaran na din ang Team ko.

Lumabas na ako si tito maygo tuwang tuwa siya nung nakita niya wala na talaga akong Choice kundi gawin na 'to. ilang days siyang Bad mood dahil hindi ko tinanggap ang Offer na 'to. ngayon ako na ang Bad mood, mabilis kong binuksan ang pintuan sa Meeting room. pagtingin ko don, nagulat ako wala mga Relarco lahat. isa lang ang naghihintay sa akin kundi si Earvin Cordovo.

napalunok naman ako. nag seryoso lalo ang mukha ko, umupo ako sa harapan niya Ramdam na ramdam ko mga mabigat niyang tingin sa akin.

"Okay, Mr. cordovo ano pag uusapan natin? and nasaan ang mga ibang Relarco para matapos na 'tong usapan at makauwi na ako." diretso kong sabi.

Hindi ko siya tinitingnan dahil once na tumitingin ako sakanya kumakalabog lang ang dibdib ko. Hindi ko mapigilan dati 'kong pang problema iyon! titingin lang ako sakanya nag wawala na dibdib ko.

I heard him chuckled, ka'ya doon palang ako napatingin sakanya Titig na titig siya sa 'kin. sa bawat tingin niya sa mga Mata niya parang tunaw na tunaw na ako.

"Mr. Cordovo?" he asked, sa tono palang ng boses niya parang may panunukso do'n. kumunot naman ang noo ko, Nang-aasar ba siya?

nasaan na ba kasi ang Members ng relarco bakit siya lang mag isa dito?!

"Have you eaten?" bigla niyang tanong sa'kin.

Napatingin ako sakanya, kumunot ang noo ko bakit ito ang tinatanong niya?

"hindi pa and diet ako at nag Mamadali ako para pag usapan ang Project na gusto niyo." seryoso 'kong sagot sakanya, Nakita kong kumunot pa ang noo ni Earvin. parang 'di niya Nagustushan ang sinabi ko.

Till The End Of Time (Sanicuza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon