"Krizia! wag kang masyado uminom." Hindi ko pinansin si Francesca sa mga sermon niya sa akin, Hilong hilo na ako. ang dami ko na nainom na alak parang masusunog na lalamunan ko. My gosh, pero tuloy pa din!"Kaloka talaga 'tong alaga ni maygo ang wild pag nasa Bar." rinig 'kong bulong nang kasama ng secretary ko, Hindi ko nalang sila pinapansin.
ano'ng gusto nila gawin ko dito sa Bar mag prayer meeting kami? ganoon ba? Tss.
basta't nag eenjoy ako. tumayo pa ako para sumayaw, Ayaw ako'ng pasayawin ni francesca sa Dance Floor. ang secretary kong parang bodyguard kona at kaibigan.
"isa pa." sabay taas ko sa alak inagaw na ni francesca ang alak ko, hilong hilo na talaga paningin ko Dahil din siguro sa mga ilaw sa bar.
"Uuwi na tayo jusko! patay ako kay Manager maygo nito. may meeting ka pa bukas!" gigil na gigil si Francesca sa akin Tumawa naman ako. kasi pareho kami malalagot.
nakanguso naman ako. 10 na bote ng alak ang nainom ko ka'ya siguro hilong hilo na ako ngayon, sumakay na kami kaagad sa van dami na naman paparazzi naka Abang sakin. Minsan nakakainis na Dahil wala na ako privacy sa ginagawa nila.
lahat nalang nang Kilos ko alam nila pati mga ginagawa ko nasa News pati pag kukulay ko ng buhok, Ano'ng connect no'n? Baka naman sa susunod na ibalita nila ano'ng gamit kong Toothpaste.
tamad naman ako tumingin kay Francesca, sakto tumawag na Manager ko sa kanya sinagot naman niya. halatang takot masermon, I chuckled dahil sa reaksyon ni francesca, para siyang pusang takot na takot maligo.
tiningnan niya pa ako ng masama dahil sa ginawa ko, ngumuso nalang ako tsaka tumingin sa labas ng bintana. maganda talaga dito sa California, walang hassle dahil wala naman traffic. 'Di tulad sa Philippines may forever ang edsa doon.
"Ayos lang naman po, siya... actually nag papahinga siya sa tabi ko..Hindi siya Lasing."
natatawa naman ako sa sinasabi ni Fracesca, napahinto lang ako sa pagtawa ko nung nadaanan namin billboard na malaki at nakalagay dun picture nang Relarco band, kaagad ako'ng umiwas ng tingin bigla ko naalala yung dati.
Umiling nalang ako sa mga naiisip ko ngayon, my memories are trying to kill me.
"Krizia, nandito na tayo kumain ka nang candy para hindi maamoy ang Bibig mo." hindi ako nag salita sinunod ko lang utos ni Francesca, bigla nalang ako natahimik dahil sa nakita 'kong billboard kanina.
Sinuot ko salamin para walang makakilala sakin pati mask ko. sumakay kami sa elevator may humahagikgik na dalawang babae.
"Grabe no! ang gwapo na mga Relaco, my gosh! hulog panty ko sa Interview nila kanina napanood ko sa Youtube." bigla nanlaki mata ko sa pinag uusapan nila.
"So True lang sis! 'yung feeling na ang loyal natin sa Bias natin pero pag nagsalita na si Earvin, talagang sakanya pa din talaga Tayo."
iniwas ko nalang tingin ko. Ayaw kong marinig pinag uusapan nila.
mabuti nalang bumukas na elevator at ako'ng una lumabas sumunod naman si Francesca.
pumasok na kami sa Condo buti nalang nasa cr pa si Tito maygo naliligo. sermon ako nito if maabutan niya pa ako dito. umiikot na paningin ko matutulog na talaga ako. bago ako pumasok sa kwarto ko, Nakita ko sa table pinapapirma ni Tito maygo sa akin. pinirmahan ko na agad para bukas diretso na kami sa meeting.
Agad ako tumakbo palapit sa kama ko, nakatitig lang ako sa ceiling. unti-unti na pumipikit ang mata ko, Dahil sa pagod.
"Krizi! gising na!" inis na inis ako bumangon dahil sa bunganga. ni Tito maygo, pagkalabas ko sa kwarto ko naligo na muna ako at nag-ayos.