Chapter 13

27 77 2
                                    


"sa Bintana ako stella!" Tingnan mo 'tong dalawa nato, nag away pa nga sa Upuan. nag tutulakan silang dalawa papasok. Kung hindi lang sila nasermon kay nixon, hindi mananahimik 'yung dalawa.

Napatingin ako sa pinaka likod. nakita kong nasa dulo nakaupo si Earvin, agad ako pumunta do'n bahala sila kesper, stella, pinag aawayan pa bintana.

Uupo sana ako sa tabi n'ya, kaso nasa Upuan ang bag na dala niya. Napatingin tuloy si Earvin sa 'kin. aalis nalang sana ako kaso. Bigla niya kinuha bag n'ya at nilagay sa baba malapit sakanya.

Umupo naman ako agad sa tabi niya. tsaka ko inabot ang cookies na ginawa ko last time. tiningnan naman ni Eearvin 'yon at kinuha din naman, habang kinukuha ko iba pang cookies. para Bigyan ang mga kaibigan namin. bigla naman nag salita si Earvin.

"where's the grandpa?" agad naman ako lumingon sakanya, tsaka ako natawa ng mahina. Hinahanap niya ba design na chibi granpa ginawa ko sakanya last time? hahahaha.

"Walang design lahat 'yan, sige next time bigyan ko." sagot ko naman sakanya.

"Uy! ano 'yan?" sabay naman kami tuloy tumingin ni earvin sa harapan namin, Lahat pala sila nakatingin sa amin.

habang umandar na 'yung Van, nakita ko nag text sila kesper at stella sa akin.

Kesper:
Hoy!! mag kwento ka anyare bakit nag uusap kayo now?

nakain bang tao si earvin at himala namansin Mars?

Stella:
Krizia Xylia Sanicuza, ano'ng meron???????

Eto talagang tatlo nato tamang chismis na naman.

Ako:
Marites niyo.

'ayon ang reply ko sa GC namin. nag message pa ulit sila ang kukulit talaga na mga to. nakangiti lang ako habang tinitingnan ko gc namin tatlo.

Stella:
Sana all, may crush sa life.

Kesper:
@Stella Puwede ka naman makipag balikan sa EX mo, if want mo may Crush hahaha! 'di ba sakto miss mo na Ex mo.

Pinigilan ko matawa sa message ni kesper. Inaasar niya pa talaga todo si stella.

"Ay! Oo kes, miss na miss ko EXtramoney ko, gaga ka." sagot naman ni stella, natawa ako ng mahina nakita ko kasi dalawa sa harapan ko. Nag hihilahan sila ng buhok, natawa si primrose nung nakita din niya 'yung dalawa.

Binigay ko na lahat cookies na ginawa ko sa mga friends namin. kinakain naman nila lahat habang nasa byahe kami.

"Jowa material talaga 'tong si Krizia, kulang nalang sakanya Boyfriend!" napapikit naman ako. langhiya na primrose 'to, nag paparinggan nanaman.

"Hindi girlfriend material lang kundi Wife material din 'yan, aba baka Bestfriend ko ata 'yan." pag mamayabang naman ni stella, ka'ya nag tawanan lahat. Umiling naman ako sakanila habang nakangiti.

Tumingin naman ako kay Earvin nakatingin lang siya sa labas ng bintana. at mukhang malalim na naman Iniisip n'ya. of course, kahit naman siguro ako kung minahal mo 'yung tao. mahihirapan ka talaga mag Move on.

at sa ganda at bait ni chelseah, sino'ng Hindi mahuhulog sakanya nasa kanya na ata lahat.

I leaned back to my seat. at dahil do'n Napatingin si Earvin sa akin. Ooops, naka istorbo ba ako sakanya?

"maingay ba ako? gusto mo palit ako puwesto do'n kala stell-"

"No." tipid lang niyang sagot.

oh...okay, kinuha ko tuloy 'yung ipad pro ko. nakita kong Tinitingnan ako ni Earvin, nag tataka siguro siya bakit ko nilabas 'yon. binuksan ko 'yung Data ng phone ko, at kinuha ko din ang Airpods ko. Binigay ko naman 'yung isa kay Earvin. nakita ko nagtataka siya pero kinuha niya pa din 'yon at nilagay na niya sa Tainga niya.

Till The End Of Time (Sanicuza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon