[Krizia! 'di ba sinabi kona sa'yo bawal ka lumabas ng Gabi.] bumuntonghininga naman ako sa tawag ni mommy."Mommy kasama ko naman po mga pinsan ko po." paliwanag ko, kakauwi ko palang dito sa pinas. sobrang higpit na ni mommy kahit nasa California sila ni dad, gumagawa pa talaga way si mommy kung ano'ng ginagawa ko dito sa bahay ni lola ko.
[Alam ko! may nag sumbong sa akin Krizia! umuwi ka diyan para mag aral hindi gumala tandaan mo 'yan.] hindi ko alam sino taga sumbong ni mommy sa bawat kilos na ginagawa ko. of course, alam ko hindi si lola ko nag susumbong.
dahil Lola ko lang kakampi ko.
kinagat ko nalang labi ko narinig ko sa kabilang linya si dad naman.
[Krizia, you made us so worried! gusto mo ba umuwi dito ulit sa California. dito ka nalang habang buhay, puro ka gala.] sa sobrang stress ko sa sinabi naman ngayon ni dad. hindi ko na alam gagawin ko.
Ngayon palang ako gumala at kasama mga Pinsan ko.
"Mommy, Dad... Please let me enjoy my teenage years I know my limitations trust me." I said.
[No! Krizia, ano nalang sa susunod namin malalaman nabuntis kana n-] nagulat ako bigla kinuha ni lola ko ang cellphone ko, tiningnan naman niya ako bago niya sagutin si mommy.
"lalabas lang mabubuntis na agad? ang advance mo naman ata mag isip Cassandra." nalaglag panga ko sa sinabi ni lola kay mommy.
[Mama??? nasaan 'yang apo mo, kakausapin ko mama, bawal siya gumala ng gumala.] naririnig ko ang usapan nila dahil naka loudspeaker tawag ni mommy ngayon.
"Wag kang OA cassandra, parang nung bata ka mas maharot kapa kesa sa anak mo. dalaga ka noon tumatakas ka sa akin, ito'ng anak mo nag papaalam pa sa 'kin bago umalis. Never kong naranasan 'yon sa'yo. Walang paalam diretso labas ka kaagad," kinagat ko labi ko. Hindi ko alam tumakatas pala si mommy nung kabataan niya.
[Mama! iba naman po yun, nasaan 'yang apo mo kakausapin ko.] nakita ko naman umirap si lola sa sinabi ni mommy, bumaling naman si lola ko sa akin. tsaka siya kumindat ngumiti naman ako ng malaki. si lola ko talaga kakampi ko pag ganitong usapan na.
"Ako na kakausap masyado ka mahigpit kay Krizia nung nasa California ba siya nakita mo naging liberated tong apo ko? mas malala diyan kabataan sa ibang bansa wag kang nega Cassandra." nag pout naman ako habang tinitingnan si lola ko, I Love my lola so much.
nag paalam na si lola kay mommy kaya binaba na ni mommy ang tawag, bumuntong hininga naman ako bago lapitan si lola.
"Thanks lola, baka abutin ako ng Gabi kakasermon ni mommy po sa akin." tumawa naman si lola ko sa akin.
"ako bahala kay Mommy mo, kung dati puro ka nakakulong sa bahay niyo sa California, dito may freedom ka sa akin." niyakap ko naman lola ko, sa California noon lagi ako nakakulong pag katapos ng school dapat Diretso uwi agad sa bahay. Bawal ako lumabas kasama na mga friends ko, pag may project kami may curfew ako kaya hirap nang buhay ko don dati.
nag paalam naman ako kay Lola ko pupunta kami sa Chevalier dahil foundation ngayon, kasama ang pinsan ko at kaibigan namin, mabuti nalang nakapag enroll na ako sa Chevalier Kahapon. ayos na pati gamit ko bukas, Tiningnan ko muna saglit sa salamin ang outfit ko.
I'm wearing One Shoulder Top color Black, tapos cigarette trousers from Boohoo, bago ako umalis nag mirror selfie na muna ako tsaka ko pinost sa IG story ko.
"Apo, mag iingat kayo na mga pinsan mo ah." paalala ni lola ko sa 'kin, bago ako umalis hinalikan ko na muna siya sa pisngi. tsaka na ako nag pahatid sa driver ko sa SB malapit sa Chevalier.