Chapter 24

38 25 1
                                    


"uy! krizia kanina pa kita Kinakausap hindi ka nakikinig." napatalon ako sa gulat, tiningnan ko kaagad si Primrose.

nakatingin sila sa akin at para bang Kanina pa nila ako napapansin ang tahimik ko. Tumawa nalang ako ng mahina, "ay, sorry iniisip ko lang 'kung Tama ba nasagot ko kanina sa Quiz namin." I answered.

"kelan ka pa bumagsak?" Natatawag tanong lang ni kesper sa akin.

Hindi nalang ako umimik. bumalik naman sila sa kakulitan pero si Stella lumapit nang maigi sa akin.

"are you okay kriz?" she asked worried.

ngumiti lang ako sakanya tsaka ako tumango.

umiling nalang ako at inalis sa isipan ko yung iniisip ko ngayon, Wala lang 'to.

"hoy! totoo ba Balita? lumipat na si Caius dito sa school natin?" agad ako tumingin kay Primrose.

'yung Skater boy? umirap nalang  at tinitingnan ko nalang Social media ko.

"Oo gulat nga ako nandito na siya kasi mga pinsan niya nasa kabilang school, eh." sagot lang ni Stella, naririnig ko lang usapan nila pero hindi ako nakikisali sa usapan na nila.

Dahil wala namang kwenta sa akin 'yan, 'di kami close.

nung natapos na klase namin sumama si Stella sa'kin sa Gig ng Relarco. friday naman ngayon at bukas walang pasok.

pag dating namin doon sa resto dami na ngang Tao nag hihintay sa Relarco. umupo kami sa pinaka unahan, si Earvin kumuha ng upuan sa'min.

Ako:
Good luck! 😁

Tinago kona sa bag ang Iphone ko pagkatapos kong Itext si earvin. pagbaling ko kay stella nakatingin pala siya sa akin, Tinaas ko agad kilay ko sakanya at nag tatanong.

"Wala." mahulugang saad niya.

nagtataka lang ako sakanya dahil nakangisi si stella, umiling nalang ako at nung Lumabas na ang Relarco sa backstage nakangiti lang ako habang nakikinig sa pagkanta nila Earvin at Brander.

tatlo songs ang kinanta nila nung natapos na sila kumanta agad lumapit si Earvin sa akin.

"Ayos lang ka'yo?" he asked.

"naku! earvin ayos na ayos, kanina pa nakangiti 'yan."

umirap lang at natawa nalang ako sa sinabi ni Stella.

Tumingin tuloy si Earvin at tumabi sa akin, "you okay?"

tumango lang ako at ngumiti sakanya, sinabi naman ni Earvin mag order lang kami kahit Ano siya na daw mag Babayad. Nag order lang ako Banana milkshake si stella nag Sisig at beer siya.

Hinayaan ko s'ya dahil ang driver naman niya mamaya mag hahatid sakanya pauwi hindi naman siya mag drive later, kaya Safe naman.

"kriz! ano? subukan muna ba sumali sa Pageant this year?" Bumuntonghininga naman ako at tiningnan si Stella, lahat na mga friends ko pinipilit ako isali sa Pageant hindi sasali si stella ngayon dahil sumali na siya Last year.

"ayaw ko, baka mabash ako." natatawa kong sagot. napansin kong tiningnan ako ng seryoso ni Earvin. ka'ya bumaling tuloy ako sakanya at tinanong siya, "What?"

"You are not defined by those people bashing you, krizia. You know yourself better. Don't let them hurt you. just use them as a Inspiration to be good." he said.

kumurap lang mga Mata ko habang minamasdan ko si Earvin nag sasalita pa din hanggang ngayon. hindi kona alam bakit laging Bumibilis tibok nang puso ko halos nag wawala siya.

"Tumpak!" sigaw ni stella.

Kundi pa sumigaw si stella hindi ko titigilan ang mga tingin ko kay Earvin.

Till The End Of Time (Sanicuza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon