[Krizia?! hello? kanina pa kita kinakausap lutang ka.] Agad 'kong tiningnan ang Macbook ko kausap sa Facetime sila Primrose, kesper, january 1 ngayon ka'ya hindi pa kami pwede lahat magkita.Hindi ko pa nasasabi sakanila Tatanggapin ko'na ang offer sa New York. kinausap ko kagabi ang manager ko pumayag na ako sa offer, Tama si earvin at si lola and stella. ito na 'yung Pangarap ko lumalapit na sakin, bakit kailangan ko pa ilayo.
[ano'ng chimis nila nixon at axton sa'min sa GC kanina pumunta raw kagabi si Earvin sa inyo?] bigla naman namula pisngi ko sa tinatanong ni Kesper.
hindi ako nag salita nag kunwari lang ako may ginagawa ako sa Study table ko.
[Grabe ah! taken na lahat mga kaibigan ko! ito ako, Bagong taon wala pa din.] humalaklak naman sa kabilang linya si Primrose.
Sasabihin ko sana hindi kami ni earvin issue nila ah.
[pag ka'yo nasaktan paalala ko lang! Gawin niyong aral hindi libangan ah.] kesper said.
Tinaas ko naman kilay ko kay kesper habang nakangisi ako, gusto ko sana Magsalita about sa nakita namin ni Earvin last month may kasama siya sa loob ng mall. kilala ko 'yung kasama niya Nagulat pa ako that time dahil naalala ko. Iyon ang iniiwasan ni Kesper ka'ya todo iwas pa siya sa mga Villagracia.
lowkey ah.
[paalala mo din 'yan sa sarili mo.] sabat pa ni Primrose.
Hinayaan ko na muna dalawa kanina ko pa tinatawagan si Stella pero 'di pa din sumasagot sa Facetime. siguro tulog pa din siya maaga kami nagising tatlo ka'ya pati si Earvin tulog pa din.
Hanggang nag hapon na hindi pa din naka Online si stella kumunot naman noo ko, may sakit ba s'ya? si Earvin una'ng ginawa pag-gising niya tinawagan niya ako mag uusap kami sa School bukas.
alam ko ang pag uusapan namin, about sa nangyari kagabi. Doon na ako nakapag isip Sabihin sakanya bukas may Nararamdaman ako para sakanya.
Naghanda pa din kami at ngayon nandito mga Sanicuza sa bahay ni lola dito na din sila nag New year, malungkot lang dahil wala si Taziana and 'yung parents niya ka'ya 'di kami kompleto ngayon.
Simula nung nag facetime kami ni taziana hindi na siya nag paramdam. alam ko kaagad sumama ang loob niya dahil hindi ako pumayag sa gusto niya mangyari umiwas ako kay Earvin.
kakausapin ko nalang muna siya if Ready na siya makipag usap sa akin, hindi ko na muna siya pipilitin dahil alam 'kong may problema sila sa family nila ngayon.
katabi ko sila Keir and zanier ngayon nag uusap kaming tatlo, si neriah umuwi na muna daw sa ibang bansa akala ko pa naman dito siya mag new year.
Tiningnan ko naman ang Cellphone ko sa ilalim ng table. nakita kong nag message si earvin nag Update siya kumakain na sila na mga Cordovo lahat, I just chuckled. ang cute niya Tumayo pa siguro to para picturean ang buong angkan niya sa Long table.
"Uh-huh, another cordovo." Agad 'kong tiningnan si keir, ngumuso naman ako hindi ako nag deny.
Tipid lang ako ngumiti.
tumingin kami lahat sa pintuan nu'ng bigla may pumasok. halos malaglag ang panga ko nakita kong sila Mommy and dad. pati si lola ko nagulat halos lahat kami. 'di ako pinansin ni mommy, si dad ang una'ng lumapit sa akin para batiin ako ngayon.
After many months ngayon lang sila nag paramdam.
"you okay?" zanier whispered, pinakita ko ayos lang ako. umupo sa harapan ko si dad and mommy. Ramdam ko kaagad matalim na tingin ni mommy sa'kin.
Halos itanong na mga Tita at Tito ko wala silang pasabi ngayon sila uuwi. nagpatuloy nalang ako sa kinakain ko, mamayang Papasok na ako sa kwarto ko para umiwas na muna kay Mommy. dahil ramdam ko 'yung galit niya sa akin, mga Titig palang niya ramdam ko'na.