"Hindi din naman nagtatanong si Floraline about sa Dad niya." tiningnan ko naman ng seryoso si Stella.kausap niya ang Pinsan niyang si Savannah Buenavidez, nakikinig lang ako sa usapan nila sa Facetime dahil kaharap ko si Stella.
[what if nga? nagtanong si floraline about kay Daizell? gusto niya makita hindi mo ipapakilala si floraline sa dad niya?] Nakita kong bumuntonghininga si Stella, alam kong nahihirapan siya ngayon.
lalo na Nalaman namin may Girlfriend na nga talaga si Daizell. natatatakot si stella baka hindi matanggap ng girlfriend ni Daizell may anak siya kay Stella, at hindi matanggap ni daizell tuluyan si Floraline dahil mas pipiliin niya ang Girlfriend niya kesa sa anak niya.
"Ipapakilala ko siya if gusto ni Floraline makilala ang dad niya." sagot ni stella.
alam kong mataas ang Pride ni stella pero kakainin niya ang pride niya para kay Floraline.
[Once nalaman kong gusto niya pa-dna test si floraline huwag muna ipakilala ang pamangkin ko sa mga Montecillo.] ngumuso naman ako narinig ko sa kabilang linya si Destrie.
"Huwag mo sabihin kay Justice about kay floraline, baka sabihin niya kay Daizell." pakiusap ni stella kay Destrie.
ngumisi naman ako hindi ko alam if may something kala Destrie and justice villagracia, no'ng nalaman kong chismis 'iyon kala kesper and Primrose sobra akong natuwa. ship ko na 'yung dalawa na 'yon Since college pa kami dati.
Narinig kong nag deny pa si Destrie hinayaan nalang namin. lowkey lang ah.
Naputol lang usapan nila bigla may Kumatok sa pinto namin ka'ya binuksan ko na muna 'yon, pagtingin ko don si Kesper may dalang wine.
"Inom." sabay taas niya sa bote nang wine. Nag taas naman ako ng kilay ko, diretso lang siya naglakad papasok, Smell ko kaagad may problema 'tong si Kesper. hindi naman nag-aaya si kesper nag inuman pag walang problema.
"Anong meron?" Stella asked mukhang takang taka din sa kinikilos ni Kesper.
"Inom lang hindi naman tayo malalasing sa Wine no!" sabay tawa ni kesper, nagkatinginan kami ni Stella nag kibit balikat lang ako. umupo na ako sa tabi ni Kesper nakangiti si kesper habang may kinukwento sa amin ni stella, alam ko kaagad peke yung mga ngiti niya.
"may problema ka kesper? ano 'yon?" nagulat ako kaagad tinanong ni stella si kesper, ka'ya mabilis kong tiningnan si kesper. Nawala mga ngiti sa labi niya ramdam din ni stella may Problema si Kesper, hindi ko tinatanong si kesper dahil gusto ko siya kusa mag sabi sa Problema niya.
ka'ya nagulat ako tinanong ni stella to sakanya.
"Wala." nagkatitigan kami ni stella saglit tsaka ako tumango sakanya, Alam namin kaagad may problema si Kesper. Dinadaanan lang niya sa tawa pero alam namin may meron talagang siyang Problema.
Hindi namin siya pinilit sinamahan lang namin siya mag inom. Paghanda nasa siya doon n 'ya sabihin at makikinig ako or si stella din.
"bilis linisin ni Earvin ang dating Rumors niya ah," hindi ko pinansin sinabi ni kesper, inaayos ko lang mga Pagkain sa lapag namin.
"akala ko This time totoo na rumors na kumakalat about sa Dating life niya." Sabat pa ni stella, kumunot lang noo ko habang nag aayos. bigla ko naalala nangyari kagabi ka'ya namumula ako ngayon.
Humalakhak lang si kesper halatang may Tama na sa alak, hindi nga nalasing sa Wine ang gaga.
"Ang plastik ah stella! pinag chichismisan naten si Krizia at si Earvin sa GC natin 'di ba!" sabay tawa ni kesper, ka'ya mabilis ko silang tiningnan.