"Take out?" tumingin ako kay earvin tsaka ako natawa ng konti."No, ka'ya 'kong ubusin 'yan no, walang Diet diet sa 'kin." sambit ko, nakita kong tumitig lang si Earvin sa 'kin. parang hindi makapaniwala sa sinabi ko, madami ako inorder. Apple pie, BFF fries, Sundae, Mcnuggets, 'yung drink na inorder ko Wintermelon milktea. gusto ko sana mag Kanin, kaso huwag na muna. Dahil nag luto si Lola ko nang Adobo mamayang gabi.
Kinuha ko na Chanel wallet ko para makapag bayad na ako. pero laking gulat ko nung inabot ni Earvin 'yung pera n'ya sa Cashier.
Inunahan ako.
"Bayarin kita." sabay abot ko sakanya ng pera ko, Tinignan lang niya Pera, pero Hindi niya kinuha 'yon.
Ay!!
"Libre ko." tipid niyang sagot.
ngumuso naman ako ayaw ko kasi Nililibre ako gusto ko Give in take talaga.
"Sige ah! sa susunod ako naman manlilibre sa'yo." Sabay ngiti ko sakanya, pinili kong upuan do'n sa likod wala masyadong tao nakaupo dun.
umupo ako sa malapit Glass window, tumingin lang ako sa labas kumunot ang noo ko nung may nakita ako Familiar na kotse nakaparada sa Coco. nanliit ang mata ko habang pinag mamasdan 'yung bumaba sa kotse.
Nanlaki bigla mata ko, tama ba 'tong nakikita ko?
sakto nilapag ni earvin ang binili niya'ng foods. Tsaka ako sumulyap do'n papasok sa Coco, nakita kong tumingin din si Earvin sa tinitingnan ko.
"Sila ba?" tanong ko habang pinagmamasdan ko 'yung dalawa.
Nakita ko nakaakbay pinsan ni earvin sa babae. So, totoo talaga mga Chismis ni wesley sa amin.
nakakagulat lang talaga.
"Yeah." tipid na sagot ni Earvin.
ka'ya mas lalo ako nagulat akala ko naman nakita ko sila dati May ginagawa lang silang project, ayon pala mag jowa 'yung dalawa.
"Kelan mo pa alam?" natatawa kong tanong, Hindi lang talaga ako makapaniwala.
"since High school."
Nagulat ako sa sinabi ni Earvin, since high shool sila na!? Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Earvin. walang nakakaalam sa circle friends namin kung ganon! nagets ko na, tago 'yung relasyon nila.
"Why?" doon na ako bumaling kay earvin. Dahil sa tinanong niya sa akin.
"ang Cute nila." I said giggled. habang pinagmamasdan kong dalawa nakangiti lang ako, ang Cute cute lang nila tignan.
Agad naman ako bumaling kay earvin nagulat ako nakatingin din pala siya sa akin. Bigla ako nahiya baka isipin n'ya chismosa ako! si Wesley at Steven lang nag chismis sa 'kin. si Kesper wala tahimik talaga 'yon, kami ni Stella at primrose Taga-kinig lang kami.
"Bait mo naman may alam ka pala sa dalawa, pero never mo sinabi kala axton at sa iba mong Pinsan." sambit ko.
Tumingin lang siya saglit sa akin tsaka siya sumagot, "nahuli ko lang 'yung dalawa. and it's not my business para mangialam sa relasyon nila." tipid na sagot ni earvin, Tumango tango naman ako habang kumuha ako fries tsaka ko sinasawsaw sa Sundae ice cream.
Habang ngumunguya ako nakita ko nakatitig si Earvin sa ginagawa ko, He was so confused. ka'ya ako natawa.
nakita ko pa kumuha siya ketchup para sa'kin Gusto ko matawa sa ginawa niya.
"hindi 'yan souce, use this." Inosente niyang sabi, sabay abot niya sa ketchup na binuksan niya. hindi ko na mapigilan hindi Tumawa.
"Hindi mo pa natry 'to?" tanong ko sakanya.