Chapter 17

32 27 0
                                    


Hinatid ko na muna si Stella sa gate namin. siya lang nag Drive papunta dito samin sa Village tinakas lang daw niya 'yung Kotse.

"Stella mag iingat ka, ayaw mo ba ipadrive nalang kita sa driver namin dito?" tanong ko sakanya. nag aalala ako sakanya kasi ba naman Hindi pa siya totally magaling mag drive. kasi nga 'yung Dad ni stella lagi siya may driver pag umaalis siya, ayaw niya mag drive si stella, Delikado kasi masyado pag si Stella nag drive.

Lagi siyang bumabagsak pag kumukuha ng Driving license niya.

"ano ka ba? ayos lang ako Kriz Osya na! alis na ako Bye." sabay halik niya sa Pisngi ko. sumakay na siya sa Toyota fortuner niyang gamit.

Nag aalala talaga ako sakanya malaki kasi 'yung gamit niyang kotse. hindi maliit 'yan, manual ang gamit niya hindi matic, kinakabahan ako sakanya.

bago siya umalis Sinabihan ko siyang tawagin niya ako pag nakauwi na siya agad. Kailangan niya ako tawagin.

Habang hinihintay ko lola ko umuwi Pinaliguan ko na muna si Baby arvin. pagkatapos ko paliguan si arvin, wala pa din Tawag si stella masyado atang traffic.

Una pang tumawag sa 'kin kaibigan ko sa mga Villagracia, sinabihan nila ako about sa birthday ni levi kung saan Gaganapin. agad naman tumunog messenger ko, nung nakita ko hindi si Stella nag text kundi si Destrie sa GC namin.

nagulat ako nag chat si destrie, never naman nag chat 'yon sa gc taga tingin lang siya don. pag Open ko sa messenger ko, nakita sabog sa chats nila nanlaki bigla mata ko nung nabasa message ni Destrie.

Destrie Buenavidez:
nasa police station kami malapit sa Village nila Krizia. Hindi ko alam ano'ng tumakbo sa isip nito at nabangga niya katabi niyang sasakyan.

agad ako bumangon sa kama ko at kinabahan ako. hindi na ako nag Reply sa GC namin dahil agad ako pumunta sa Police station malapit sa amin, nag pahatid ako sa Driver namin.

"Ma'am krizia, ayos lang po ba ka'yo?" tanong ng driver ko, tumango lang ako habang nanginginig ang kamay ko. nung nasa harapan na kami nang Police station, nakita ko nakaparadang kotse ginamit ni Stella kanina. wasak 'yung ilaw sa harapan. mas lalo ako Kinabahan, tumakbo na ako papasok sa loob. halos hinahabol ko na hininga ko, pag pasok ko sa loob nakita ko mga kaibigan namin Nandito na din.

"Kriz?" tawag ni nixon, kasama niya sila axton, wesley, earvin, Kaden, pati din mga girls nandito hinahanap ko agad si stella napansin agad ni destrie Hinahanap ko si stella.

"kinakausap siya sa Loob." sambit agad ni des sakin.

"may sugat ba s'ya?" tanong ko agad sakanila sumagot naman silang lahat 'wala' do'n ako nakahinga ng maluwag.

pinakalma naman ako ng Pinsan ko umupo muna ako saglit. kinausap ako nila primrose at kesper, pero wala ako sa sarili ko.

"Kuha ka tubig kes," utos ni primrose, hindi ko sila Tinitignan lahat. nakayuko lang ako at hinihintay si Stella lumabas.

nasa tabi ko si Destrie at pinapaliwanag nangyari kanina, hindi ako nag salita nakayuko pa din ako. nanginginig ako sa Kaba at takot, papaano nalang kong may mangyari masama kay Stella Papaano nalang...

Magaling ako mag pigil umiyak ngayon, kaya pinipigilan ko huwag umiyak sa harapan na mga kaibigan namin.

"she's okay na, Kriz." sabay lapit ni taziana sa akin, Hindi pa din ako totally nag sasalita nanahimik lang ako sa isang tabi.

"Okay siya krizia, wala siyang sugat 'yung sugat lang niya sa Kotse at patay siya kay daddy n'ya." sabat naman ni kesper. Hinampas pa ni primrose si kesper nakita ko silang dalawa, nawala naman ngiti ni kesper at hinaplos nalang niya 'yung hampas na ginawa ni primrose sakanyang sa braso.

Till The End Of Time (Sanicuza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon