Chapter 26

59 26 0
                                    


"Tabi ta'yo stell." bulong ko. nakita ko pa nagulat si Stella sa binulong ko sakanya, wala siyang sinabi kundi Tumango lang.

pumasok kami sabay ni stella sa loob ng Van. pinaka likod kami, sa harapan namin sila Kesper at primrose katabi ni primrose si Axton tatlo na sila sa harapan namin, Nanahimik lang ako sa isang tabi. Ako lang ata tahimik ngayon, si stella tumatawa sa tabi ko habang hinihila damit ni kesper sa harapan namin.

hindi pa kami umaalis dahil may Hinihintay pa sila sa labas. lumabas pa si axton saglit sa Van may kukunin siguro sa Labas.

"Tanginang caption ni vanessa tingnan niyo!" Pinakita naman ni primrose sa amin ni stella, nakita namin caption ni Vanessa sa twitter may post siyang picture niya.

'Delete ko din later.'

Hindi ako kumibo. sila stella at 'yung dalawa lakas humalakhak.

"Sarap mag comment no." kesper said.

inawat ko siya agad baka bumaliktad pa, baka akala ng iba bully si kesper at hindi si vanessa.

"Comment ko sige, 'Wag mo idelete bhie ang Ganda mo dyan' Isa kang malaking pakyu vanessa." Hindi ko na mapigilan hindi tumawa dahil sa mga pinag sasabi ni primrose.

"Feeling angel ka talaga Prim, pagkaharap si Axton parang angel pag talikod na 'ayon demonyo na bibig mo." natatawang saad ni stella. kaya kami nag tatawanan ulit. tumingin pa sa'min si destrie nasa frontseat kasi siya ayaw niya tumabi sa'min ni Stella. alam niya raw mag iingay sila mamaya at totoo nga 'yun.

Nanahimik na ako nu'ng pumasok sila Nixon, axton, earvin, tumabi na ulit si axton kay primrose. si nixon nasa harapan nila kesper, akala ko tatabi si Earvin kay nixon dahil may bakante pang upuan do'n.

pero laking gulat ko nilagpasan niya 'yon pati kala axton nanlaki mata ko pero Hindi ko pinahalata sakanya.

Bigla bumibilis tibok na naman ng puso ko, huminga ako kaagad ng malalim nu'ng naramdaman ko na umupo si Earvin sa tabi ko.

Agad ko tiningnan si stella, nasa tabi siya ng bintana sa Van nakanganga lang siya habang Tinititigan ako ni stella. akala ko tutulungin niya ako kaso Ngumisi lang siya!

mabuti nalang at maingay nasa harapan namin.

"Hoy nixon kamusta na nililigawan mo?" tanong ni axton sa pinsan niya.

nag Kunwari talaga ako nakikinig sa usapan para hindi kami mag usap ni Earvin.

"Shut up ax." malamig na utas ni Nixon, hindi siya lumingon sa likod namin kaya nag tawanan na naman nasa harapan.

"grabe naman ka'yo kay nixon! Libre naman daw mangarap sa lahat, ka'ya hanggang pangarap nalang siya kay Asteria." sabat pa ni stella sa tabi ko, kinurot ko pa Legs niya kaya mas lalo siya natatawa.

"libre raw mangarap Pero may tuition." gusto ko matawa sa sinasabi ni primrose, pigil na pigil talaga ako ngayon dahil katabi ko si earvin.

"how about you stella? Musta kayo ni juluis oh! hindi pala sa isang Cousin niya pala no? musta kayo no'n?" ganti naman kaagad ni Nixon kay stella. nilingon ko naman si stell, bigla siya nanahimik at masama agad tingin niya kay Nixon.

"Oo nga! sabi mo friend mo lang si Daizell Montecillo bakit parang may something ka'yo?" sabat na din ni primrose. nanahimik ako bigla kasi kasama palang namin Boyfriend niya, gusto ni stella lowkey lang talaga sila.

"yun ba iniyakan mo nu'ng High school ta'yo?!" gulat na tanong ni kesper, hindi nila ako kasama no'ng high school sila dahil nasa California ako that time.

nakita kona din naman umiyak si stella pero hindi ko alam pati sa High school. so, magkakilala na sila dati pa huh.

"we're just friends issue lang ka'yo talaga, tsaka Bakit ako iiyak sa isang lalaki why? pera ba sila?" sagot lang ni stella sa kanila.

Till The End Of Time (Sanicuza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon