Chapter 36

43 3 0
                                    


"Bakit parang galing ka sa iyak?" mabilis kong inayos ang Sunglasses ko, Pagkauwi namin sa Condo umiyak lang ako ng umiyak.

"naiyak ako kagabi sa pinanood ko." I answered simply.

"Talaga?" sabat naman ni stella nasa likod ko'na pala kasama ang pamangkin ko. Ngayong araw ang alis namin papunta sa Philippines, para sa kasal nila Primrose and axton.

Nag private plane kami ngayon dahil madaming Naghihintay ng Paparazzi sa Airport, para na din sa safety ni Floraline.

"Mommy look oh!" sabay naman kami tumingin kay Flora, binuhat ko siya ka'ya tumawa siya ng mahinhin.

Hindi naging kabado si stella dahil sobrang private namin, alam kong Gusto niya itago si Flora sa daddy niya. Sinabihan ko na before si stella may karapatan ang Daddy ni flora kaso ayaw ni stella, Ka'ya hindi ko na pinilit pa lalo na alam na ni Stella ano ba dapat ikakabuti ni Flora.

Nung nakasakay na kami plane, kanina lang sobrang daldal ni Flora ngayon bagsak na siya dahil kakasalita at laro kanina pa.

"Kamukha ng Montecillo mong Ex si floraline." I said, I just heard her sigh.

"I know." parang tanggap na niyang walang nakuha si floraline sa mukha niya, lahat sa ex niya nakuha. 'yung pagiging Kikay lang ni floraline ang nakuha niya sa Mommy stella n 'ya.

Mahilig siya sa mga make up lalong lalo na sa pag Sasayaw, Naalala ko nung nasa Condo kami. nakita ako ni flora nag aayos ako ng Make up ko, nagulat nalang ako kinabukasan nakita ko siyang nag try ng Lipstick sa lips niya. natawa pa ako dahil may konting lagpas pa pero sa Age niya kasi Nakakagulat lang into na siya sa Make up, just like her mom and sa dancing din dahil sa Parents niya magaling sumayaw.

"Papaano ka napaiyak ni Earvin kagabi." Hindi na ako nagulat pa sa tinanong ni Stella sa akin. Kilalang kilala na ako ni stella ka'ya for sure kaninang sinabi ko alam niya kaagad ang Problema ko.

"Hindi niya ako pinaiyak." tipid ko lang sagot, saka na ako tumingin sa window ng plane.

"Okay, hindi ka niya napaiyak anong iniyakan mo?" she asked again.

Hindi ako nakapagsalita.

"Mahal ka pa din niya no." hindi ako umimik, "mahal mo din si-" hindi ko na pinatapos pa si stella.

"Hindi, focus ako sa sarili ko." diretsong sabi ko sakanya. nakita kong nanliit mata ni stella at hindi na siya nagsalita pa Tumango nalang siya.

alam ko sa sarili ko kailangan kong magpigil ng Nararamdaman ko para kay Earvin.

"Philippines we're back!" sigaw ni francesca, umiling naman ako at ngumisi dumaan kami sa Private exist dahil madami na daw nag aabang sa labas at nagkakagulo na.

"mommy why so hot na po?" I just chuckled, tsaka ko tiningnan si floraline inaalis ang jacket niya. tinulungan ko naman siyang alisin ang Jacket niya.

Pinasuot ko nalang sakanya 'yung shades at cap niya para hindi makita 'yung mukha ni floraline. dumaan na kami sa Private exist sa likod, Hinatid na muna namin sila Stella and floraline sa Resident Buenavidez Village. ako naman Dumiretso ako sa bahay ni lola ko, Lumipat na ng bahay si lola ko binili kong siya ng mas malaki pang Bahay ngayon.

halos magulat ang mga security guard sa labas ng gate namin nung nakita nila ako, nakita ko pa sila Manong at manang parang maiiyak pa sila Ka'ya mabilis ko sila niyakap, Wala akong sinabihan na uuwi ako ngayon para sa Kasal nila axton and primrose.

umiyak pa si lola ko ka'ya niyakap ko lang siya nang mahigpit. Nung Kumalma na siya doon na ako nakipag chikahan sa kanya. Sinabi kong ikakasal na sila Primrose and axton, tuwang tuwa naman si lola ko nagulat pa ako binigyan din pala siyang invitation ng dalawa para samin.

Till The End Of Time (Sanicuza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon