"Tara pasok." Pinaupo ko na muna si Earvin sa sofa namin. wala na mga maids namin siguro nasa kwarto na sila, ka'ya Dahan dahan ako umakyat sa taas para kunin si Baby A.Pag pasok ko sa kwarto Nakita ko siya nakaupo habang nakatingin sa pintuan, agad naman siya tumalon talon nung nakita niya ako. Natawa ako, Binuhat ko kaagad ang aso ko ayaw ko'na siya pag lakadin sa hagdanan.
pagbaba namin sa hagdanan nagulat ako kausap na ni Lola ko si Earvin.
"lola bakit gising pa po ka'yo?" Tanong ko agad, lumingon naman sila sa akin ng sabay. ngumisi pa si lola ko sa akin.
"Kinakausap ko lang bisita mo, apo Hindi mo naman sinabi may pupunta kang bisita sana nag handa ako." sabay kindat ni lola ko sa 'kin, hindi nakita ni Earvin 'yon mabuti nalang!
"ako na po bahala dito, mag pahinga na ka'yo sa taas." Tinulungan ko pa si lola ko umakyat ulit sa hagdanan, nakangiti si lola ko habang nag papaalam pa siya kay Earvin. hindi ko alam ano'ng pinag usapan nila kanina habang Wala ako.
Nung bumalik na ako nakita ko si Earvin nakangiti siya habang nasa hita niya si Baby A, ngumiti naman akong patago. kumuha na muna ako nang Cookies buti nalang gumawa ako last time, pag balik ko doon Nilapag ko sa table 'yung cookies and juice.
"Kain kana muna." sambit ko tsaka ako umupo sa sofa namin. nilalandi niya pa si Baby A, nakangiti lang ako habang pinag-mamasdan sila. nakatatlo siyang cookies na kinain tsaka na siya nag paalam sa akin uuwi na siya.
Ka'ya binuhat ko si Baby A, at hinatid namin si earvin sa gate. "Bye bye, Dada." I said in a baby voice. habang kinakaway ko Kamay ni Baby Arvin, lumingon naman ako kaagad kay Earvin. kumurap kurap lang ako nung nakita ko sa dalawa kong mata Ngumiti siya.
Hindi na ako nakapagsalita First time niya ngumiti harapan sa mga mata ko. Hindi ko tuloy napansin nakaalis na pala sasakyan ni Earvin sa harapan ng bahay namin.
"Delikado ngumiti ang daddy mo baby a." Bulong ko habang umiiling iling ako, pumasok na kami sa Loob nang bahay.
Nung pasukan na namin Lagi kong nakikita si Earvin sa campus ngumingiti lang ako sakanya at kinakamusta siya. nagtataka na nga si stella at mga iba naming kaibigan, akala nila may Something sa'min ni Earvin. hindi ba puwede kinakamusta ko lang siya dahil Kaibigan ko din si earvin.
Pagnakikita ko si Earvin hanggang kaway lang naman ako at kamusta lang, dahil baka makulitan siya sakin. mukhang busy na busy siya, pag may Outing or gala ang groupo namin Hindi siya sumama. parang si Destrie lang dati busy raw sa pag-aaral.
"Invite mo ka'ya si Earvin, krizia." agad ko naman tiningnan si Kesper. nag aaya na naman kasi silang Gumala ngayon sa Mall kasama ang groupo, Sinabi kasi nila axton at nixon hindi daw ulit sasama si Earvin, busy sa pag-aaral at sa banda n'ya.
"Narinig mo naman sa dalawa n'yang pinsan Busy nga raw." Tipid ko lang sagot, tsaka ko pinag patuloy ginagawa kong project sa Macbook ko.
Nasa canteen kami ngayon at hinihintay nalang iba namin kaibigan pa. Vacant namin nila primrose at kesper ka'ya kaming tatlo ngayon nasa Canteen.
"Ay! 'Di ba may something na ka'yo." pabulong naman na sabi ni primrose. natawa lang ako tsaka ko siya tiningnan.
"Wala no, kaibigan ko lang siya." sabay ngiti ko, hindi ko nga lang Alam kung si Earvin kaibigan din ba niya ako, baka ako lang feeling dito na kaibigan ko s'ya tapos siya Hindi niya pala ako gusto maging kaibigan, Awit nga 'yon.
Pero ang saya lang makita si Earvin ayos siya. hindi tulad dati Alam kong seryoso pag katao niya pero masyado siyang Seryoso dati, ngayon Ayos na siya.
"Iced coffee ka kriz?" Stella asked, tumango naman ako sakanya nasa Starbucks na kami lahat ngayon. bago kami pumunta sa Mall para gumala doon.
"nood tayo sine kaya?" suggest naman ni wesley. hindi ko alam gagawin namin do'n sumama lang ako sakanila, dahil nag pupumilit din si Stella sumama ako hindi raw siya sasama pag wala ako, Ka'ya sumama na ako.