Chapter 41

20 3 1
                                    


buong araw nang shooting naka pekeng ngiti lang ako. wala akong gana ka'ya minamadali ko nalang trabaho ko ngayon para matapos na lahat. habang nag trabaho kami kanina hindi ko na matitigan ang mga Mata ni Earvin.

"Krizia!" lumingon naman ako sa likod ko nung nakita ko si Tito maygo and francesca tumatakbo nang mabilis papalapit sa akin.

Pasakay na sana ako sa Van para makauwi na, Binigay ko nalang kay javen 'yung Kare-kare na niluto ko. Nagbigay naman ng pagkain si shantel for sure, kumain na si earvin sa luto ni shantel kanina.

"pasok ka sa Victoria secret fashion show!!" sabay tili nilang dalawa, nagulat naman ako ng konti at ngumiti.

"dahil dyan mag iinom tayong lahat ng Glam team, Day off naman natin bukas." ani ni tito maygo pumayag na din ako need kong uminom ngayon. binalita kaagad ni Tito sa Glam team ko mag Bar kami ngayon.

umuwi na muna kami sa Condo para makapag ayos kami bago Pumunta sa bar.

"bakit parang hindi ka naman masaya ma'am? 'di ba dream mo makapag Victoria Secret fashion show?" ngumiti lang ako marahan kay francesca.

"of course happy ako wala lang akong energy dahil sa pagod kanina sa shooting." pag dadahilan ko.

Kahit hindi naman iyon ang dahilan.

pumunta na kami sa Bar nasa taas kami mas pinili ko sa taas hindi na kami nag Vip room, nakakalat naman mga Bodyguards sa paligid namin ka'ya ayos lang dito na kami.

habang nag iinuman na sila katext ko si Stella at chinika ko buong araw ko at s'ympre pinag-usapan na din namin si Earvin. hirap ako makakuha ng tsempo makausap siya, dahil dikit na dikit si shante laging nandoon sa tabi niya.

pag naman wala na si shantel Tapos na ang shooting ka'ya wala lagi akong tsempo makausap siya laging may harang sa amin.

"Nandito din si Gabbie." sigaw ni tito maygo.

lumapit si gabbie sa Table namin isang kaibigan ko co-model ko pasok din sa victoria secret show ka'ya nag celebrate din sila ng Team nila. nag usap naman kami pero utak ko wala sa sarili ngayon dahil iba ang naiisip ko, kundi si Earvin.

nung umalis na si Gabbie sa table namin para bumalik na siya sa Table nila don tumingin si tito maygo sa akin, nakataas pa ang kilay niya sa'kin.

"alam mo ikaw napapansin kita kada may shooting Pinakatitigan mo si earvin." naka poker face naman ako sa sinabi ni tito maygo.

nakita kong tinitignan din ako ni francesca hinihintay ang sasabihin ko.

"sa kabandan ni Juluis hindi ka ganyan tumitingin sa mga 'yon, tapos kay Earvin uhaw kang tumitig sakanya, aba ka ah." nagulat ako sa sinabi ni tito maygo.

"Pansin ko nga din." pati kay francesca mabilis ko siyang tinitigan.

"Wag mo naman masyado ihalata 'kang uhaw ka sakanya, type mo din pala nag kukunwari ka pa d'yan, che!" nalaglag ang panga ko sa sinabi ni tito maygo.

Hindi na ako nakapagsalita, natawa lang si francesca sa tabi ko at binigyan nalang ako tequila.

uminom nalang ako lahat, para kahit ngayon lang hindi ko na muna maisip 'yon. Nakadami na akong inom si tito maygo pumupunta sa iba't ibang Table sa mga kakilala niya, at pinag mamayabang niyang Rarampa ako sa Victoria secret para siyang proud na magulang habang nakikipag-kwentuhan siya sa mga kakilala niyang co-manager na tulad niya.

Inaaya naman ako ng Glam team namin sumayaw sa dance floor, hinayaan ko na muna sila mag enjoy nag paiwan ako sa table namin. si francesca nasa Dance floor lang kanina pero kaagad din bumalik sa Table namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Till The End Of Time (Sanicuza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon