Chapter 39

24 5 1
                                    


"What happened last night?" Hindi ako kumibo nakatalikod lang ako kay stella habang nakahiga sa Kama ko.

wala akong gana kumain 'di ako sumabay sa Groupo namin hindi dahil ayaw kong makita si Earvin.  'kundi dahil ayaw kong makita nila namamaga ang Mata ko kakaiyak kagabi.

"wala." tipid kong sagot lang.

narining ko lang buntonghininga ni Stella.

"Kriz, if ayaw mong makita si Earvin kanina. Hindi din naman siya sumabay sa breakfast ng barkada." kumunot naman noo ko, "Dahil bumalik na sa New york kaninang madaling araw, balita lang ni axton at ibang pinsan nila kanina sa table."

nanlaki bigla mata ko at mabilis tumayo para humarap kay Stella. nagulat siya nakita niya 'yung tinatago kong Iyak kagabi.

"Bakit?" tanong ko kaagad.

"Kriz, alam mo naman kung bakit. that's why i'm asking you right Now, ano'ng nangyari kagabi?" she asked gently.

Kinagat ko ng mabilis ang labi ko para Tumigil na kakaiyak, dahil pati ako napapagod na ako umiyak.

"Mahal niya ako." I whispered painfully.

"oh, bakit ka malungkot? dapat nga masaya ka 'di ba?" agad naman ako dinamayan ni stella sa tabi ko, "okay krizia, let me ask you Mahal mo din ba siya?" Hindi ako sumagot umiyak lang ako sa tabi ni stella.

Kahit 'di ko naman sagutin ang tinatanong ni stella sa akin alam naman niya 'yung Sagot d'yan.

"Bakit ka takot sumugal ngayon?" she asked gently habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko.

"N-natatakot ako maiwanan dahil alam ko sa sarili 'kong Hindi ko kakayanin maiwan ulit at hindi mapili sa huli." sagot ko, pinipigilan kong wag umiyak nang umiyak dahil baka mag breakdown na ako sa harapan ni stella.

Kahit hindi naman first time makita niya ako nag Breakdown.

dahil alam ko sa sarili ko Hindi ko ka'ya maiwanan ulit at hindi mapili dahil wala akong masasandalan sa mismong pamilya ko, kundi si stella at si lola ko lang naman.

"ayaw kong masaktan." my sobs cracked out more, hindi ko na mapigilan bumuhos lahat. Isang beses lang naman 'to ilalabas ko 'na lahat-lahat.

Niyakap naman ako nang mahigpit ni Stella.

"Kung makikita mong may kasama ng iba si Earvin hindi ka ba masasaktan? Ganoon din lang yon krizia, walang nag mamahal ang hindi nasasaktan." Umiyak lang ako kay stella.

Nung kumalma na ako doon na ako tinanong ni Stella 'kung anong plano ko ngayong umalis na sa Pinas si earvin. bumalik na sa New york may trabaho ako under sa upcoming music video nila.

napatingin naman ako sa palad ko nung hinawakan ako ni stella.

"Wag ka matakot krizia, you didn't through all that for nothing. Tanungin kita ulit, kung worth it ba ilaban si Earvin." she asked softy.

take the risk. ayon ang iniisip ko ngayon ilalaban ko ngayon to.

"ilalaban ko siya. Kakausapin ko siya para maayos ang lahat." I answered.

ngumiti na malaki si stella at pumalakpak.

"Ayan ang kilala 'kong Krizia 2.0, marunong lumaban. so!? ano pa ang ginagawa mo dito sa pinas habulin muna, Let's go!" ngumiti naman ako sa best friend ko. tinulungan niya ako mag ayos sa bagahe ko ngayon, nag book na siya ng flight ko today ka'ya Tinawagan ko na si tito maygo pabalik na ako sa manila para dumiretso na sa New York.

nung nasa Airport na kami pabalik sa New york gulat na gulat si tito maygo bakit daw ako nag mamadali bumalik. Natuwa pa siya dahil akala niya excited na ako mag trabaho hindi niya alam excited ako makausap si Earvin.

Till The End Of Time (Sanicuza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon