Chapter 4 - Flashback

74 26 4
                                    

Palabas na ako ng kwarto nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nakitang si tito Fern iyon. Sinagot ko ang tawag.

"H-Hello po tito Fern?" Patanong na pagsagot ko sa tawag.

"Hello hija. Nand'yan ba si Kyle sa inyo? Kagabi pa naming hinahanap ang batang iyon ay hindi umuuwi. Nag-aalala na kami ng tita mo." Halatang nag-aalalang sabi ni tito.

"O-Opo. Dito po natulog kagabi si Kyle. Hindi ko po nasabi sa inyo kagabi. Pasensya na po." Nahihiyang sabi ko.

"Ay siya, gano'n ba? Pwede mo bang ibigay sa kaniya ang tawag? Salamat." Pakiusap ni Tito.

"S-Sige po tito. W-Wait lang po." Sagot ko na bumababa na ng hagdan.

Nakita kong nakatingin na agad sa akin si Kyle ng may nag-aalalang tingin dahil siguro sa nangyari kanina.

"A-Aki, I'm s-sorry about what happened-" Hindi na naituloy ni Kyle ang sasabihin nang iabot ko sa kaniya ang cellphone ko.

Nagtataka naman itong kinuha ng lalaki at tiningnan.

"H-Hello Akisha nandyan ka pa ba, hija?" Tanong ni Tito sa kabilang linya.

Narinig ko na napabuntong hininga si Kyle pero wala na siyang magagawa. Inilapit niya sa kaniyang tenga ang cellphone ko at nagtungo sa terrace.

Bumuntong hininga naman ako. Galit pa rin ako sa kaniya dahil sa nangyari kanina pero mas lamang ang awa ko sa kaniya.

Medyo madami din akong alam tungkol sa pamilya nila dahil nga sobrang magkaclose ni Daddy at Tito Fern na para na silang magkapatid.

Sa pagkakaalam ko ay aksidenteng nabuntis si tita ng kaniyang pinsan noong magkarelasyon na sila ni tito.

Mas matanda ng dalawang taon ang anak sa labas ni tita kaysa kay Kyle. Sa pagkakaalam ko ay kinuha ng pinsan ni Tita Michelle ang anak nila at nagpakalayo.

Oo, chismosa na kung chismosa ang tawag sa akin. Hindi ko naman na maalis sa isip ang nalaman ko. Magiging mahirap talaga para kay Kyle na magkaroon ng kapatid sa labas. Mahirap din iyon kina tito at tita. Noong una palang ay alam kong ayaw na ayaw ni Kyle magkaroon ng kapatid kaya nga nag-iisa siyang anak nina Tito at Tita.

Kaya naman nang malaman niya na may kapatid siya na hindi pa anak ng ama niya ay malaking insulto para sa kaniya.

Sa pagkakaalam ko ay hindi pa alam ni Kyle na may kapatid siya sa labas. Siguro ay kahapon niya pa nalaman kung kailan kaarawan niya.

Siguro nagtataka kayo kung papaanong nalaman ko pero hindi alam ni Kyle. Well, nag-uusap nun si Dad at Toto sa bahay namin.

I was about to ask dad if I can play with Kyle that day pero hindi ko inaasahan ang narinig ko.

"Fern hindi kasalanan ng asawa mo ang nangyari. May anak na rin kayo kaya dapat mas magmahalan pa kayo para na rin kay Kyle." Sabi ni Dad kay Tito.

"Pero napakahirap Lito. Hindi ko alam kung papaano kong ipapaliwanag sa anak ko iyon. Mahal ko si Michelle at tanggap ko siya. Pero hinding-hindi ko matatanggap ang anak niya kay Makoy." Malungkot at inis na sabi ni Tito na ang tinutukoy ay ang pinsan ni Tita Michelle.

"Ginahasa ng pinsan niya si Michelle, Fern. Dapat mong intindihin iyon. Walang kasalanan ang bata." Seryosong sabi ni Dad kaya naman napatakip ako ng bibig sa gulat.

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon