Chapter 48 - Moving Out

2 0 0
                                    

(Akisha's POV)

It's been days since nag usap kami ng family ko. Sunday ngayon kaya wala kaming pasok.

"Kinakabahan ako," I said out loud

Kaagad namang nag-aalalang tumingin sa akin si Kyle.

Nandito kami sa bahay nila. This is the day na lilipat na si Nicole sa amin.

"Don't worry, okay? I'm sure you two will get along soon," Kyle assured me

Tumango na lang ako.

"I'm gonna miss this home," nadinig kong boses ni Nicole na mukhang pababa na

And I'm right. May dala siyang hand bag, pero mukhang wala naman do'n ang mga damit niya, masyado namang maliit iyon.

But a person behind her answers my curiosity.

Si Kenneth ang may dala ng dalawang maletang gamit ni Nicole. Totoo nga ang sinabi ni Kyle, sobrang malapit na sa isa't isa ang dalawa.

Nakababa na sila at kaagad natuon sa amin ni Kyle ang paningin nila.

"Let's go?" tanong ni Kyle bago hawakan ang kamay ko.

"Ikaw talaga, Kyle. Hindi naman halatang gustong-gusto mo na talaga akong paalisin sa pamamahay niyo," Nicole jokingly rolled her eyes.

Nagkibit-balikat lang si Kyle.


"Akitch, you should always accompany me, 'kay? Baka mamaya ma-dedz na me there," masungit na sabi ni Nicole

But I know she's joking.

"Akong bahala sa'yo," nawala na ang kabang nararamdaman ko dahil sa pakikitungo niya

Napalingon ako kay Kyle and I saw him smiling while looking at me. Napaiwas ako ng tingin.

Lumabas na kami sa bahay nila. Nauuna kami ni Kyle. He's still holding my hands.

"Neth, bibisitahin mo ba ako do'n?" I heared Nicole talking to Kenneth while we head towards Kyle's car

"I don't know," narinig ko namang tugon ni Kenneth.

Binuksan na ni Kyle ang sasakyan pati ang compartment nito.

"Oh, but please consider," maririnig ang tonong pagkadismaya kay Nicole

I can't help not to look at the both of them. Nicole's pouting while Kenneth's putting her things in the compartment.

"What are you doing?" napalingon ako sa kung sinong nagsalita

It's Kyle.

Wala sa sariling mahinang napatawa ako nang makitang nakapout din siya.

"Wow ha, same pa talaga kayo ni Nicole na naka-pout" biro ko rito kaya kaagad siyang sumeryoso

"Aki naman-" I stopped him by laughing

"Ito naman, hindi mabiro. Ang cute ng kapatid mo-" napatigil ako nang samaan niya ako ng tingin

"Ah oo, ang cute nga ng kapatid ko. Sarap yakapin sa leeg," mapait na sabi ni Kyle kaya napailing ako

"-at ni Nicole kasi," pagtapos ko sa sinasabi.

Dahil sa sinabi ko ay nawala na ang masamang tingin niya sa akin pero ngumuso pa rin ito.

"Hindi mo kasi nililinaw," parang batang sabi nito

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon