Chapter 25 - Celebration Part II

20 4 25
                                    

(Akisha's POV)

Pagkagising ko ay bumaba na ako kaagad ng hagdan upang mag almusal. Nasa may hagdanan pa lamang ako ay rinig ko na ang kwentuhan at usapan ng kung sino. Nang marating ko ang baitang ng hagdan ay nakita ko ang nakatalikod na babae!

Kaagad akong bumaba ng hagdan at sinalubong ang babae!

"Tita Aimee!" bati ko sa babae kaya nahinto ang usapan nila ni manang Ester

"Dalaga ka na nga talaga, Aki. Halos mag iisang taon na rin tayong hindi nagkikita." saad ni tita

"Oo nga po, tita. Last christmas pa po yata kayo dumalaw" napapabuntong hiningang saad ko

"Kumusta ka? Kayo ng mommy mo? Pasensya na kung n-ngayon ko lamang nalaman ang nangyari sa iyo, sa inyo" nalulungkot na ani ni tita

"Okay lang po tita. M-mahirap pa rin po. Natatakot sa tuwing may nararamdamang kung ano sa paligid at para kina mommy lalo na po at di pa sila umuuwi kaya natatakot po ako. Hindi ako natatakkt para sa sarili ko, dahil marami naman po ang nakabantay dito sa bahay, natatakot lang po ako sa maaaring mangyari kina mommy at daddy" mahaba kong paliwanag

"Naririto si tita, Aki. Proprotektahan kita. Kami, proprotektahan ka namin,kayo ng mga mommy mo" nakangiting saad ni tita

"Maupo muna kayo" anyaya sa amin ni manang 

Nang makaupo kami ni tita ay biglang may dumating! Hindi, mali ako. May 'mga' dumating!

Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa at lumapit sa may pinto! Hindi ako makapaniwala sa nakita ko!

"Aki!" sabay-sabay na tawag nina Vell, Faye, John, at... Kenneth!!

"Kenneth!" sigaw ko at patakbo naman silang lumapit sa akin. Kaagad akong niyakap ni Vell, sumunod si Faye. Kinawayan ako ni John samantalang tahimik ngunit diretsong nakatingin sa aking mga mata si Kenneth. Sa estimation ko ay sampung segundo kaming nagkatitigan.

"Kenneth! Kailan ka pa nakalabas ng ospital? Pasensya na hindi na kita nadalaw. Alam mo naman, yung sa nangyari..." nahihiyang saad ko

"Okay lang Aki. Ako ang dapat humingi ng tawad... dahil sa nangyari sa inyo" saad naman ni Kenneth

"Woy hindi ha! Salamat nga pala ulit dahil sa ano..." nahihiyang saad ko

"Hoy mga slapsoil, baka naman gusto niyo muna kaming papasukin, ang dami naming bitbit na camera at pagkain oh! Hindi yung magchichikahan na kayo, aber?" nagmamataray na tono ni Faye at itinaas ang dalawang plastic na bitbit niya

"Bitter" narinig kong mahinang bulong ni Vell kaya natawa ako

"Mrs. Hernandez, anong itinatawa-tawa mo riyan?" nagulat ako sa sinabi ni Faye!

Kaagad kong tinakpan ang bibig niya at hinampas siya sa may balikat

"Faye, ano ba!" pabulong na sigaw ko

For sure narinig yun nina John at Kenneth!

"Oh mga bata, bakit hindi kayo pumasok?" takang tanong ni manang  na katabi si tita

"Papasok na po kami ha?" saad ni John at itinaas ang dalawang braso sa may ulo na parang nagchchichill papasok sa bahay. Hayst. Napailing na lamang ako

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Inilapag nila ang mga dala nilang gamit at pagkain sa may table

"Omg, Aki! Hindi mo naman sinabi na may bago ka palang kaibigan. By the way, hello John, Vell, at Faye!" magiliw na bati ni tita

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon