Chapter 37 - 15th Day

17 0 0
                                    

Matapos noon ay natahimik kami. Tila ba nagpapakiramdaman kami dahil naging awkward.

Nang matapos kaming kumain ay nagyaya siya na maglakad-lakad muna kami dito sa mall. Pupunta kami ngayon sa may arcade.

"Ahm, yung sa kanina, sorry nga pala kung naging awkward dahil sa tinanong ko" siya ang muling bumasag sa katahimikan

Ngumiti ako sa kaniya bago ibaing sa iba ang tingin

"It's okay. Hindi naman sikreto yung nararamdaman ko sa lalaki na yun haha. Halos lahat ng kaibigan ko alam yun, even y-" natigil ako sa sasabihin nang maalala na hindi pa nga pala alam ni John ang nararamdaman ko kay Kyle dahil hindi naman kami magkakilala tulad ng naaalala ko.

"Oh, okay. But still, sorry. I guess you don't wanna talk about it" malumanay niyang saad

Napabuntong hininga ako. Nasa tapat na kami ng arcade. May mga upuan doon kaya naupo ako. Sumunod naman siyang naupo sa akin

"Okay, I'll tell you the story" dahil sa sinabi ko ay halatang naging curious siya

"Go on, if it's okay with you" maingat nitong sabi

"Ganito kasi yun... he's my old friend. Noong ipinanganak yata ako nakilala ko na siya HAHAHA. Basta, bata pa lang kami, magkakilala na kami dahil matalik na magkaibigan ang mga daddy namin. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Palagi siyang nandyan tuwing may umaaway sa akin. Napakamaalaga. Mabait kahit binibiro niya ako minsan. Kaso our friendship fucked up dahil...nagkaroon ako ng kakaibang nararamdaman sa kaniya. At yun na nga yung sinabi ko na, I liked him. Malala pa ay hindi ako umamin sa kaniya, magpahanggang ngayon, I guess?" pagkwekwento ko, dahil yung pag amin ko naman kay Kyle ay hidi totoong nangyari

Nangunot ang noo ni John

"What's wrong with that?" takang tanong nito

"Eh kasi edi ayun na nga. Ininvite nya akong kumain dati. Then, dun ko nalaman na may girlfriend na siya! Ang sakit kaya nun! Lalo na at kailangang itago mo yung sakit na nararamdaman mo. Tapos nung birthday niya pa 3 years ago, nagkaroon ng problema sa bahay nila. Tapos nagpunta siya sa bahay namin nun. Dun siya natulog- pero syempre magkaibang kwarto kami natulog. Then kinaumagahan, sumugod yung girlfriend niya sa bahay namin. Natract yata si Kyle. Tas ayun, nagalit sa amin ni Kyle tas nakipaghiwalay kay Kyle. Hindi ko na alam ang nangyari pagkatapos nun dahil nahimatay ako- which lead to my 3 years coma sabi nila" pagtutuloy ko sa kwento

Mukhang nagulat siya sa nalaman

"So basically, they're the reason for your coma?" parang inis na saad nito

Umiling naman ako

"No. Mahina lang talaga ang katawan ko. Siguro nabagok ang ulo ko kaya ako nacomatose. Pero wala namang benda ang ulo ko nang magising ako. Para ngang natulog lang ako" pagpapaliwanag ko dito at napatango ako

"I get it now. Kaya pala ayaw mong pag usapan" napatango ako sa sinabi niya

"Partly yes. Pero actually, the real reason is... hindi ko rin alam. I mean- hindi ko na alam kung may nararamdaman pa ba ako sa kaniya ngayon. Well, I still feel happy when I'm with him. Pero dahil sa mga nakilala at nakasama ko sa imahinasyon ko sa tatlong taon kong pagka-coma, unti-unti kong natatanggap sa sarili ko na talagang wala nang pag-asa sa aming dalawa. Yung mga naging kaibigan ko kasi sa imagination ko, napacaring at napakabait nila. Pinaramdam nila sa akin ang higit na pagmamahal na akala ko kay Kyle ko mahahanap. Well, ngayon mabait at caring din naman siya, kaso ewan ko ba. Tinanggap na lang siguro ng sistema ko na wala na talaga, dahil palaging pinapaalala ng mga naging kaibigan ko sa imahinasyon ko, na hindi talaga, na mali yung nararamdaman ko dahil may girlfriend si Kyle" dahil sa kwento ko ay napansin kong medyo natulala ito pero ngumiti rin pagkatapos

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon