Chapter 57 - Celebrations Together

2 0 0
                                    

Mabilis po ang takbo ng chapter na ito dahil ang totoo po ay dapat hanggang chapter 55 lang po talaga hanggang epilogue, pero naisipan ko po na idagdag ang ilang scenes ng magkakaibigan (last chapter - chap 56) at syempre ng Kyki! (Kyle × Aki). After this po, ay Epilogue na! Thank you for reaching this far, AIS! 🩷

(⁠。⁠♡⁠‿⁠♡⁠。⁠)

Kinabukasan. Buong araw kaming naglibot. Si Vell ay as usual nag vlog, habang naglilibot kami sa dagat. Hindi rin namin napigilan ang sarili na magbabad sa tubig, ilang oras yata kami. Iyong mga kabibe na nakuha namin kahapon ay dadalhin namin mamaya pauwi para ipang display sa bahay.

Within the day, mas naging close pa kami lalo. Halata na rin na malapit na sa amin ang loob ni Mina dahil nagiging makulit na rin ito. Kung dati ay nahihiya pa itong mag suggest ng gagawin namin, ngayon ay nag suggests siya na mag bonfire kami bago kami umalis sa isla.

Nang palubog na ang araw ay nagtulungan kaming ayusin ang mga gagamitin namin. Maging ang mga nakatatanda sa amin ay gumaya at nakisali rin sa pagbobonfire. Mukha ring naging malapit ang mga parents namin, dahil nag uusap na ito ang ng kaswal. Narinig ko pa ngang pinag uusapan ng mga ito ang Pandeir, business daw pala iyon nina Kyle, nabawi na raw nina Tito Fern.

"Ikaw na Aki!"

Naglalaro pa rin kami ng pangmalakasan naming laro- ang Truth or Dare!

"No choice, dare" sagot ko.

Naghiyawan ang mga kaibigan ko dahil doon. Since nakapag open forum na naman kami kahapon, kokonti na lang ang maiisip naming gustong itanong. Kaya naisipan namin na kapag nakapag truth na kami no'ng una, magdare naman kami sa sunod. Or kaya kapag naka dalawang straight na truth ang mga nahuling taya ay dare ang kasunod. Nag truth kasi si Vell at Faye kaya no choice ako.

Si Kyle ang magde-dare sa akin kaya nakaabang ang mga kasama namin. Maging ang mga nakatatanda ay medyo nakatingin sa amin.

Nag isip si Kyle. Ngumisi ito kaya kinabahan ako.

"I dare you to sleep with me at our house," nakangisi nitong sabi.

Nagulat ang mga kasama namin dahil doon maging ang mga parents namin ay natigilan sa pag uusap!

Dahil katabi ko siya ay kaagad ko siyang sinabunutan pero tatawa-tawa lang siya habang magaang nakahawak sa braso ko para hindi ko siya masyadong masaktan!

Gamit ang isa pang kamay ay piningot ko ang tenga niya at doon siya natigil sa pagtawa.

"A-Aray, love!" pag-awat niya sa akin.

"What did I hear, Kyle?"

Natigil kami dahil sa baritonong tanong ni Dad na salubong na ngayon ang kilay.

"A-Ah Tito, j-joke lang po. I-I mean po ay m-makitulog po muna sa amin si Aki ngayong gabi kapag po u-umuwi tayo," nauutal na paliwanag ni Kyle at namutla.

"Kyle, I told you to watch your words and actions! Ano ba naman, anak" napapailing na saad naman ni Tito Fern na ngayon ay umakbay kay Dad at mukhang pinapakalma ito.

"S-Sorry po," napatungo na si Kyle.

Nang tingnan ko sina Manang, Tita Aimee, at mga kaibigan namin ay halatang nagpipigil ang mga ito nang tawa.

"We already talked about this," napalunok naman si Kyle nang magsalita si Halmeoni.

"H-Halmeoni, hindi po talaga gano'n ang ibig kong sabihin. P-Pwede po kayong maglagay ng CCTV sa kwarto ko para macheck kung may g-ginagawa po akong masama kay Aki. I'm just t-teasing her po. S-Sorry po talaga if my joke is overboard," napakagat sa ibabang labi si Kyle.

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon