Chapter 43 - Plan

6 1 0
                                    

This is it.

Alam ko man na this is for my sake, pero hindi ko kayang tumulala na lang habang nalilito ako sa mga nangyayari.

Hindi ako makalapit kina Kyle kasi alam ko naman na hindi nila ibubuko ang sarili nila.

Here I am now, standing infront of Mr. Vicencio's clinic. Oo, daddy ni Mark na psychiatrist ko.

Kailangan ko lamang mapatunayan na talaga ngang nagpunta ako dito ngayong taon para mapatunayan na hindi totoong nacoma ako eventhough I already know the truth, para kahit paano ay malaman kung kakampi ko rin ba ang psychiatrist ko. Kailangan ko ng tulong nito para kahit paano ay may adult akong kasama sa plano ko kung sakaling mapahamak ako. At matapos nito ay sisiguraduhin ko nang sisimulang alamin ang totoong dahilan ng mga nangyayari.

Bumuntong hininga muna ako bago naglakas loob na kausapin ang secretary ni Mr. Vicencio

"Good morning po" nakangiting bati ko sa secretary ni Mr. Vicencio

Nakangiting tumingin sa akin ang secretary ni Mr. Vicencio bago nagpaalam sa kausap nitong sa tingin ko ay kakatapos lamang magpacheck.

"Good morning. You're Ms. Dela Cruz, right?" nakangiting tanong sa akin ng secretary

Nakangiting tumango ako, "opo." Sagot ko.

"Are you here for a check up, miss?" tanong nito nang nakangiti at naghahanap siguro ng pangalan ko sa listahan niya

"Ah hindi po. I'm actually here for Mr. Vicencio po, dati niya po akong patient" nakangiting sabi ko

Itinigil ng secretary ang pagtingin sa listahan at nag angat ng tingin sa akin bago ngumiti.

"Wait a minute, miss. Kakausapin ko lang si Mr. Vicencio" nakangiting pagpapaalam ng secretary at tumayo para puntahan ang room ni Mr. Vicencio

Kinakabahan ako habang nag iintay sa paglabas ng secretary ni Mr. Vicencio. Sana naman ay huwag magsinungaling sa akin si Mr. Vicencio. He's my psychiatrist after all. Hindi naman siguro siya madadala nina Dad sa kahit anong halaga para lamang sa plano nila.

Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto ng room ni Mr. Vicencio at iniluwa nito ang secretary niya na papalapit sa akin. Nakangiti ito habang binabagtas ang ilang pagitan namin

"Mr. Vicencio is waiting for you, miss. Pwede ka na pong pumasok sa loob" nakangiting pagpapahayag ng babae

"Thank you po" nginitian ko ang siya bago ako nagtungo sa room ni Mr. Vicencio

Huminga ako nang malalim bago ko pinihit ang doorknob.

Nang mabuksan ko ang pinto ay nakita ko kaagad si Mr. Vicencio na may tinitingnang papel. Nag angat ito ng tingin sa akin kaya naman pumasok na ako sa loob.

Pumunta ako palapit kay Mr. Vicencio at naupo sa upuang kaharap nito.

"Good morning po" nag aalangang bati ko kay Mr. Vicencio

"Magandang umaga, hija. Medyo matagal na rin nang huling magpunta ka rito. Natutuwa akong makita kang muli" nakangiting bati nito

Kinakabahan ako dahil baka may sinabi sa kanya si Mark. Knowing na napakadaldal nito, baka kinuntsaba nito ang ama. Pero on the second thought marahil ay hindi dahil hindi rin naman siguro alam ni Mark na ang ama niya ang psychiatrist ko.

"Oo nga po. Hindi ko na po papatagalin, gusto ko lang po sanang magtanong" kinakabahang sabi ko

Alam ko na alam ni Mr. Vicencio na kinakabahan ako pero hindi niya iyon pinansin at ngumiti lamang sa akin.

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon