Chapter 3 - Flashback

83 30 10
                                    

"Akisha, okay ka lang ba talaga anak?" Nag-aalalang tanong ni Mom.

Nasa gate na kami at inihatid lang ako ni Mom and Dad sa gate dahil aalis na din sila agad.

"Yep mom. Intake lang po ako kanina ng social anxiety." Nakangiting sagot ko kay Mom.

"It must be very hard for you anak. I hope you'll recover soon." Seryosong saad naman ni Dad.

"Yes Dad, I will. Medyo marami lang kasing tao kanina. Hindi ko nakayanan yung mga mapang husga nilang tingin." Nakangusong pagsusumbong ko.

"Oh, anak siguro they're just jealous sa'yo kasi you're so beautiful!" Nakangiting pagkumbinsi naman ni mom kahit halata ko na malungkot ang mga mata niya.

"Don't mind them anak. Just be yourself. We're always here if you need us. Just call us if you're feeling lonely" Nakangiting sabi naman ni Dad.

"We love you, anak." Nakangiting pagpapaalam nila bago tumungo sa van namin.

Hinintay ko lang na makaalis ang van at pumasok na ako sa bahay namin.

Sinalubong naman ako ni Manang Ester na kasama namin sa bahay. Pamilya na rin ang turing namin sa kaniya pero pinipilit niya pa ring gampanan ang pagiging kasambahay kahit parte naman siya ng pamilya. Ina siya ni Tita Aimee na kaclose friend ni Mommy noong college.

Pagkapasok sa bahay ay umakyat agad ako sa room ko at nag ayos. Naghilamos ako para matanggal ang light make up ko. Nag palit na rin ako ng damit. Naka white quoted over size shirt lang ako at black shorts.

Matapos kong mag-ayos ay humiga ako sa kama at nag basa ng comic book na may title na "Letting Him Go is Hard and Painful"

Matagal akong nagbasa-basa. Noong nasa gitnang page na ako ay sobrang lungkot ang umapaw sa dibdib ko? Hindi ako sigurado kung lungkot nga ba ang nararamdaman ko, siguro pagkalito.

Kaya mahilig akong magbasa para mabawasan man lang ang phobia ko at umayos man lang ang mental health ko, pero mas binibigyan ata ako ng depression nitong binabasa ko. Napaka complicated!

'Jen, pag-usapan naman natin 'to nang maayos. Bakit kung kailan mahal na kita, kung kailan mo sasabihin sa akin na pinapalaya mo na ako?" 

'Wala akong choice Jack! Mahal kita! Pero wala akong laban kay Mika at isa pa alam ko na mahal mo rin siya!' 

'Papaanong wala kang laban eh ikaw nga ang mahal ko?!' 

'Love requires letting go of someone you love, Jack. Our parents aren't going to like this once they find out that we have feelings for each other!' 

Tatalikod na sana si Jen nang biglang hawakan ni Jack ang kamay nito at hinila papalapit sa kaniya

'But if love requires letting go of someone you love, I believe that love also requires trusting each other. You need to trust me Jen.' 

'I know we're friends for 5 years and it's complicated but love can't stop my feelings for you, Jen. I tried loving someone but I still came back to you' 

Bumitaw si Jen sa pagkakahawak sa kaniya ni Jack at lumayo dito at nakakunot ang noong sinigawan niya si Jack

'Pero you have a good relationship na with Mika, Jack! Stop playing with our feelings!' 

'I'm not playing with your feelings, Jen! I love you!' 

'Pero ako yung nasasaktan para kay Mika. Alam ko kung gaano mo siya minahal. I know how much you care for her! Huwag mong sayangin ang katulad niya sa isang katulad ko Jack!' 

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon