Chapter 21 - Terrified

37 8 73
                                    

*trigger warning: violence*

P.S. I'm not good at making action scene so don't expect too much (but I'm accepting critics)

(Mark's POV)

Pinatay ko ang kanta sa cellphone ko at lumapit kay "two timer".

"Woy!" tawag ko rito dahilan para mapabalik siya sa ulirat

"What?" takang tanong niya

"Anong what? Bakit ka tulala?" may tonong nambibintang na sabi ko

"Wala" sabi ni Kyle at umiling pa

Lumapit sa amin si Rey,Vell, at si bruha

"Did you talk to Aki na?" tanong ni Vell nang makalapit.

Dala-dala pa rin ang camera. Amputa. Baka mamaya lahat ng ginagawa namin ay vinivideohan nito.

"Yeah" sagot ni Kyle at tumango pa

"Anong pinag usapan niyo, ha?! Sinaktan mo na naman ba siya ha?! Ikaw talaga! Kapag nalaman ko lang na sinaktan mo na naman si Aki malilintikan ka sa akin-" pinigilan kong magsalita si bruhang Faye at tinakpan ang bibig nito

"Mm! Mm! Mm!" sabi nito habang takip ko ng kamay ang bibig niya

Pilit inaalis ni bruha ang kamay ko sa bibig niya pero hindi ko inaalis. Kung ano-ano na naman ang sasabihin nito eh! Baka dahil sa sasabihin ng bruhang ito ay piliin na naman ni Kyle ang amo niya! Este si Nicole! Talagang ayaw ko sa babaeng 'yon! Masyadong under niya si Kyle!

Kinagat ng bruha ang kamay ko kaya napangiwi ako at kaagad na inalis ang kamay sa bibig ng bruha. Sinamaan niya pa ako ng tingin! Hawak-hawak ko ang kamay na kinagat niya! Ang sakit!

"May lahing bampira ka ba?! Bruha na nga bampira pa, amputa!" inis na sabi ko rito at sinamaan ang tingin

Sinuntok naman niya ako sa braso! Aba ang magaling na bruha nanuntok!

"Tigilan mo ako, Mark! Pinapainit mo ang ulo kong gago ka!" inis na sabi niya

"Nye nye nye" inirapan ko lamang ito at humarap na kay Kyle na nakatingin sa amin pero halatang lutang

Amputa! Anyare dito?

Tinapik ko ang braso niya kaya napabalik siya sa reyalidad

"Ang lalim ng iniisip mo ah! Sisid na sisid ko na!" sabi ko

"Sorry" saad ni glasses boy a.k.a two timer na ito

"Ano nga ba ang pinag usapan niyo?" tanong naman ni Rey

Napabuntong hininga naman si Kyle bago magsalita. Lalim ng buntong hininga ah?

"About..." pambibitin niya kaya mas nabuhay ang interes namin

Bumuntong hininga pa muli siya

"What she felt...and feeling" saad nito at tumingin sa amin

Kitang-kita ko sa mata niya ang lungkot! Kahit may nakaharang na salamin ay kita ko ang lungkot niya! Pero sa tingin ko, deserve niyang masaktan. Hindi ko nga maintindihan kung bakit niya iniwan si Aki! Wala naman kasi siyang sinasabi sa amin ni Rey!

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon