Chapter 39 - Roadtrip

16 1 0
                                    

Natulala na lang ako sa narinig. Hindi ako agad nakagalaw dahil parang nabingi ako. Is he serious?!

Bakit niya naman sinabi yun? Hindi niya ba naisip na isa na naman yung problema?!

"Ginagamit mo ba ang utak mo?" hindi ko namalyan na maisatinig ang naiisip

"What? Ofcourse. We always use 100% of our brain" naka "in-fact" tone pa siya habang nakangiting pinagmamasdan akong mainis habang nakaupo pa rin sya sa sofa

Inikutan ko ito ng mata

"Ofourse I know that. Huwag mo akong pilosopohin, Kyle. Ano bang naisip mo at sinabi mo yun? You can just tell them na totoong kaibigan ko lang yung kasama ko. Alam mo namang gusto lang nila na sayo manggaling yun since ikaw itong nagsumbong. Why would you even told them that you're courting me? Paano kung naniwala nga ang mga iyon? Sa tingin mo papayagan ka nilang lumapit-lapit sa akin after this?" hindi makapaniwalang sabi ko

"Eh sa pumayag sila" ngumisi pa ito kaya nanlaki ang mata ko

"Oh, you're definitely kidding me" hindi naniniwalang sabi ko

"No. I'm telling the truth, Aki. Anyways, are you free today?" pagbabago nito sa topic

"Eh ano naman kung oo?" nakataas ang kilay kong tanong

Natatawang tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at lumapit sa akin

"Nangungunot na naman ang noo mo haha. I just want to ask you if you want to start our roadtrip today. Wala kasi akong magawa ngayon, I can't wait any longer" nakangiti pa rin nitong sabi

"Yayain mo na lang sina Mark at Rey. Tinatamad nga akong umalis this weekend" nakakunot pa rin ang noong sabi ko

Nagulat na lang ako nang hilutin ng kamay niya ang nakakunot kong noo

"It's weekend, huwag magpaka-stress. Tingnan mo, parati na lang nakakunot ang noo mo sa akin. Let's make more good memories together, para naman mapalitan ang pagkainis mo sa akin" nakangiti na sabi niya

Tinabig ko ang kamay niyang humawak sa noo ko.

"Ewan ko sa'yo. Bakit ba ayaw mong mag stay na lang sa bahay niyo? I don't have any energy for today" nakasimangot kong sambit

"I don't like it there. Dali na, tseb samahan mo na ako. Pleaseee" nagpaawa effect pa nga

"Anong oras ba? Magpaalam muna tayo" dahil sa sinabi ko ay nagliwanag ang kaniyang mukha

"Ngayon na! Nakabihis naman na ako. Intayin na lang kita!" tila nanalo sa lotto na kanyang sabi

Pinasadahan ko tuloy siya ng tingin. Dahil malapit lang siya sa akin ay naamoy ko ang manly perfume niya at mint na palagay ko ay amoy ng buhok nito. Mukhang bagong ligo dahil medyo basa pa ang buhok. Naka casual lang siya na plain black polo at black shorts.

"Grabe ka naman mag all-black. Parang sa patay tayo pupunta" pambibiro ko dito na ikinaalis ng ngiti niya

Napasimangot ito at pinasadahan ang kanyang suot. Actually, sobrang gwapo niya talaga sa suot niya! Oo di ko itatanggi, kahit yata anong damit niya ay gwapo siya! Bagay rin kasi sa kanya ang mga polo lalo ang plain black! He looks like a model!

"May damit ka ba d'yan na pwede kong isuot? Magpapalit ako-" napatawa ako sa kanya kaya natigil siya sa pagsasalita

"Joke lang yun haha. Sineryoso mo talaga? Gwapo mo kaya" nawala ang ngiti ko nang wala sa sariling masabi ko ang iniisip ko

Siya naman ang unti-unting ngumiti. Na nauwi sa ngisi

"So you think I'm handsome, hmm? Should I wear this more often? Thanks for the compliment, by the way" he winked at me, after!

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon