Chapter 50 - Hang Out

6 0 0
                                    

(Akisha's POV)

Aware pala sina Mom and Dad na dito natulog si Kyle! Pagkababa ko kasi ay tinanong kaagad ako ni Mom kung nasaan si Kyle.

Nagulat ako kasi hinayaan nilang dito matulog si Kyle. Hindi lang basta natulog kung saan- katabi ko pa.

Grabeng nanliligaw nga 'yon.

Sinabi lang ni Dad na they trust us. Nakita na naming bumaba na rin si Kyle, nakaligo na siya.

Ang totoo ay bumaba ako para i-check kung maitatakas ko ba palabas si Kyle- pero alam naman pala nila.

Tinanguan pa nga ni Dad si Kyle.

"Hindi mo ba gusto na sa tabi mo natulog si Kyle- gusto mo ba ay kay Nicole?" hindi makapaniwalang napanganga ako sa sinabi ni Mom!

"Mom naman!" naiinis kong sabi

Narinig kong mahinang napatawa si Kyle bago umakbay sa akin.

"Huwag niyo na pong biruin, stress pa nga po 'yan kagabi dahil gabi na nakapagreview," nakangiting pag iiba ng usapan ni Kyle.

"I'm glad that you're still taking your studies seriously. Mukha rin namang hindi naging sagabal sa'yo si Kyle kagabi," mukhang alam ko na kung bakit sang-ayon si Dad na dito natulog si Kyle.

Napanguso ako.

"Way mo ba 'yon Dad, na i-test ako kung madi-distract ako sa presence ni Kyle?" nanghuhuling tanong ko.

Natawa si Mom samantalang si Dad ay napainom na lang ng kape sa tasang hawak niya.

Napailing na lang ako.

"Sige po, mag aayos lang po ako at magrereview nang konti," paalam ko sa kanila.

Inalis ko ang pagkakaakbay sa akin ni Kyle.

"Sama ako-" pinanlakihan ko siya ng mata kaya napataas siya ng kamay senyales ng pagsuko.

Umakyat na ako ulit at nagpunta sa kwarto ko.

Naligo na ako at nagbihis.

Nagbasa-basa rin ulit ako ng ilang sa notes ko bago ko ito iniayos sa bag.

Bumaba na ako dala ang aking bag. Nakita ko si Nicole na babagong gising.

"Good morning!" nakangiting bati ko.

Napalingon siya sa direksyon ko bago tipid na ngumiti. "Morning," tugon naman niya.

Sabay na kaming bumaba ni Nicole.

"Ngayon na pala 'yong end ng examination niyo, right?" tanong ni Nicole habang naglakad kami papuntang hagdan.

"Oo, pati rin yata sina Kenneth," tugon ko naman at napatango naman siya.

Nang nakababa kami sa may hagdan ay napatingin sa amin si Tita Aimee na mukhang kabababa lang din. Nasa may sofa siya sa sala at prenteng nakaupo.

"Gising na pala ang mga dalaga namin," mukha mang mataray ay malambing naman ang boses na sabi ni Tita Aimee.

Lumapit ako rito at humalik sa pisngi. Ibinaba ko rin sa may single sofa na katabi ng inuupuan ni Tita ang bag ko. Samantalang si Nicole ay nakayuko lang na parang nahihiya kay Tita.

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon